EPISODE 31 CHANGE PHOEBE’S POINT OF VIEW. TAHIMIK lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami ni Alexis sa loob ng kanyang condo unit. Everytime I see the forest theme of his condo unit, parang nawawala lahat ng inis at galit na aking nararamdaman. Kaya ba ako dinala rito ni Alexis para mapatawad ko kaagad siya at maging okay na ulit kaming dalawa? “May gusto ka bang kainin? O kahit inumin man lang—” “Mag-usap na kaagad tayo, Alexis. ‘Wag na nating patagalin ‘to,” seryoso kong sabi sa kanya at humarap na rin ako kay Alexis. Huminga siya ng malalim at sunod-sunod na tumango. Napahawak siya sa magkabila niyang bewang at seryoso ang kanyang tingin sa akin. “Galit ka sa akin dahil sa ginawa ko sayo kanina sa library,” wika ni Alexis. Mabilis naman akong tumango dahil galit naman