EPISODE 38 MAKE LOVE WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ALEXIS, umalis ka na. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na doon sa inyo sa mansion,” nahihirapan kong sabi habang patuloy pa rin si Alexis sa paghalik sa aking leeg at paglamas niya sa aking dibdib kahit na may suot pa akong mga saplot sa katawan. Nandito na kami sa loob ng aking kwarto at sinandal ako ni Alexis sa likod ng pintuan habang nilulunod ako sa kanyang mainit na mga halik. “Bakit pa ako uuwi kung nandito ka naman?” tanong ni Alexis sa akin at muli niya akong hinalikan sa aking labi. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at bahagya siyang itinulak palayo sa akin at tinignan ko siya sa kanyang mga mata. “Magsabi ka muna ng totoo sa akin, Alexis.” Kumunot ang kanyang noo. “Ano ba