EPISODE 1
THE TROUBLEMAKER
PHOEBE’S POINT OF VIEW.
“Miss Pascua! Pinapatawag po kayo sa Dean’s office. Nasangkot na naman sa gulo si Alexis.”
Natigil ako sa aking pagtuturo ng may pumasok na isang estudyante sa loob ng classroom na tinuturuan ko ngayon. Napakagat ako sa aking labi at napatingin sa mga estudyante ko ngayon na nakatingin na rin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
“Okay class, hanggang dito na muna ang klase natin ngayon. Bukas ay may quiz tayo kaya mag study kayo sa mga itinuro ko ngayon. Kailangan ko munang pumunta sa dean’s office,” wika ko.
“Noted, Miss Pascua!” sabay nilang sabi.
Kinuha ko na ang lahat ng aking gamit at lumabas na ako sa may classroom. Hindi ko mapigilan na mainis habang naglalakad sa may hallway papunta sa dean’s office. Ang batang ‘yun, kailan ba siya magtitino?! Nakailang punta na siya sa dean’s office at nakailang balik na rin ako doon para lang humingi ng tawad para kay Alexis. Nakakainis! Pasalamat na lang talaga ang batang ‘yun at best friend ko ang ate Alessandra niya kung hindi ay sinukuan ko na siya!
“Miss Pascua, finally! We have a serious matter right here.”
Nang makapasok ako sa loob ng dean’s office ay nagulat na lang ako nang makita ko ang pagmumukha ni Alexis. May pasa siya sa kanyang mukha at sa tabi naman niya ay isang instructor from Engineering Department at may pasa rin sa mukha nito.
Anong nangyari?!
“Ma’am, ano ang nangyari dito?” kinakabahan kong tanong ako lumapit ako sa tabi ni Alexis at umupo sa kanyang tabi.
Tahimik lang siya pero nakatingin na siya sa akin ngayon. Tinignan ko siya ng masama at yumuko lang siya na para bang natatakot sa akin.
“Itong si Mr. Coleman ay sinuntok sa mukha ang instructor nila habang may ginagawa silang activity sa kanilang classroom!”
Napatakip ako sa aking bibig sa gulat ng sinabi ng Dean kung bakit may mga pasa si Alexis at pati na rin ang instructor nila.
“Mali kasi ang tinuturo niya, Ma’am. Kino-correct ko na siya kanina pero ayaw niya pa rin na mag paawat, kaya hindi ko na natiis ang sarili ko na suntukin siya sa mukha!” sabi ni Alexis.
“Alexis!” pinalo ko siya sa kanyang braso at pinanlakihan siya sa aking mga mata.
Tumigil naman siya at sumimangot habang nakatingin sa akin.
“Totoo naman kasi,” mahina niyang sabi at umirap.
“Miss Pascua, I know you’re not blood-related to Mr. Coleman, but his parents trusted you and made you Alexis’ guardian at the university. So now, we will discuss the sanctions of Mr. Coleman’s bad behavior.”
Napakagat ako sa aking labi at kinabahan sa sinabi ng Dean. Muli akong napatingin kay Alexis at nakita ko siyang tahimik na nakatingin sa akin kaya matalim ko siyang tinignan. Sana ay hindi masyadong mabigat ang sanction ng lalaking ‘to kundi ay hindi na naman siya makaka-graduate at hindi pwedeng mangyari iyon.
Bestfriend ko ang ate ni Alexis na si Alessandra Marie Coleman. Wala siya ngayon sa Pinas dahil may importante siyang mission sa ibang bansa. Isang Secret Agent si Alessandra sa underground group ng kanilang Security Agency. Bilang bestfriend ni Alessandra, kailangan kong bantayan ang nakakabata niyang kapatid dito sa kolehiyo, si Alexis Riley Coleman. Ang lalaking sakit sa ulo at basagulero! Ilang ulit na siyang nagpalit ng courses at ngayon ay engineering naman ang kanyang kinuha. Graduating na si Alexis at palagi ko siyang pinagsasabihan na magtino na siya ngayon na taon dahil pagod na pagod na akong bantayan siya at naawa na rin ako kay Tita Naime na Mom niya.
Bakit ko nagawang bantayan ang bwisit na batang ‘to? Dahil pinakiusapan ako ni Tita Naime at Tito Alec. Masyadong busy si Tita Naime sa business niya at lalo na si Tito Alec sa kanilang Security Agency at sa iba nilang mga negosyo. Isa na rin akong professor sa isang unibersidad at dito rin nag-aaral si Alexis kaya wala akong magawa kundi ang bantayan siya at maging guardian niya dito sa loob ng campus.
Pero walang araw na hindi niya pinapasakit ang ulo ko! F*ck! Kailan ba titigil ang lalaking ‘to sa pakikipag suntukan?! Wala ba siyang ibang magawa sa buhay kundi ang makipagbardagulan?! 22 years old na si Alexis pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay hanggang sa sumuko na ng tuluyan si Tita Naime at hindi na nakayanan ang pagiging sakit sa ulo ng kanilang bunso na anak.
“Isang linggong maglilinis si Mr. Coleman sa hallway ng engineering department at isang linggo rin siya na hindi pwedeng mag practice o maglaro ng basketball.”
Tuluyan ng tumayo si Alexis na nasa aking tabi at nagsalita.
“Ma’am, may play kami next week! I’m the team captain, and they need me. We need to practice, Ma’am!” angal nito.
“I’m sorry, Mr. Coleman, but this is your punishment for punching your instructor.”
“Sinuntok ko lang naman siya dahil mali-mali ang tinuturo niya sa amin, eh! Pwede ba ‘yun? Mali ‘yun, Ma’am! Kasalanan ko ba na bobo siya at mas magaling pa ako sa kanya?”
“Alexis!” saway ko at hinila siya para makabalik sa pagkaupo.
Oh my God! Konting-konti na lang talaga at susuko na ako sa batang ‘to. Hindi ko alam kung saan niya namana ang pagiging pasaway. Hindi naman ganito si Tita Naime at pati na rin si Tito Alec. Tungkol naman sa dalawa niya pang kapatid, si Alessandro Niklaus ay isang responsableng tao at seryoso sa buhay at ganun din si Alessandra. Si Alexis lang talaga ang pasaway. Kung siguro ay hindi siya kamukha ni Tita Naime ay mag-aakala talaga ako na ampon lang ‘to eh.
“No more buts, Mr. Coleman! Hindi nga masyadong mabigat ang parusa mo ngayon. Kung hindi lang ako mabait ay baka inalis na kita sa list ng mga gagraduate ngayon na taon. Itigil mo na ang pagiging pasaway mo.”
Walang nagawa si Alexis kundi ang tumango. Nang ma settle na ang lahat ay lumabas na kami sa office ng dean. Tahimik kaming naglalakad ngayon sa hallway ni Alexis at nakayuko lang siya at hindi makatingin sa akin.
“Wala kang sasabihin sa akin?” tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa kanyang paglalakad at humarap sa akin at ganun din ang ginawa ko.
“Ano naman ang sasabihin ko? Pagagalitan mo rin naman ako at isusumbong mo ako sa pamilya ko,” malamig niyang sabi at sumimangot.
Bumuntong-hininga ako at humalukipkip.
“Alam ko na matalino ka, Alexis, tamad nga lang. Pero sana naman ay kontrolin mo rin iyang anger issues mo. Hindi lahat ng pagkakataon na ang pakikipag suntukan ang solusyon sa lahat ng problema. Pwede bang mag behave ka muna ngayon na taon at ‘wag mo akong bigyan ng sakit sa ulo? Graduating ka na, Alexis. Utang na loob, umalis ka na sa unibersidad na ito at maghanap ka na ng trabaho,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanya.
“‘Wag kang mag-alala, gagraduate ako ngayon na taon at hindi mo na ako makikita,” sabi niya at naglakad na siya paalis.
Napahawak ako sa aking bewang at huminga ng malalim bago ko siya muling tawagin.
“Alexis!” tawag ko sa kanya.
Tumigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at hinintay ang susunod ko na sasabihin.
“Come to my office, gagamutin natin ‘yang pasa sa mukha mo,” sabi ko at naglakad na papunta sa aking office. Lihim naman ako na napangiti ng makita kong tahimik na sumusunod ngayon sa akin si Alexis.
Alam ko na pasaway siya pero sumusunod naman siya sa inuutos ko at natatakot din siya sa akin. Sana nga ay hindi na maulit ang ganitong mga pangyayari at magtino na ang lalaking ‘to. Palagi na lang siyang nagsisimula ng gulo kahit saan man siya malagay.
He’s a troublemaker.
TO BE CONTINUED...