"Hindi ko alam kung ano'ng pinaplano mo kapatid ko. Pero malalaman ko rin 'yon. Alam, ko rin na nag-uumpisa ka na, dahil nababasa ko 'yon sa mga kilos mo," bulong ni Dos sa kanyang sarili. Binaybay niya na ang daan patungo sa mall kung saan nagtatrabaho si Georgina. Subalit napansin niya ang maliit na papel na nakadikit sa harapan ng sasakyan niya. Iginilid muna niya iyon. Bumaba siya at inalis ang nakadikit na papel. Ngunit may nakasulat doon. “NGAYON PA LANG AY UMPISAHAN MO NANG MAGDASAL DAHIL ISA KA SA MGA TARGET KONG PATAYIN” Iyon ang nilalaman ng sulat. Nilamukos niya iyon at tinapon sa basurahan. Nakailang death threats na siya noong siya ay pulis pa, pero hindi siya kinabahan ng ganito. Pero, ngayon? Hindi niya maiwasang kabahan dahil lahat ng klase ng kanyang baril
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books