chapter 9

1367 Words
Gael's POV Kanina pa mainit ulo ko hindi ako makaalis sa opisina dahil inaayos ko ang mga problema sa kumpanya namin. Limang taon nakalipas simula ng nagkasakit si dad ako na ang humawak neto pabagsak na ito at muntikan na malugi kinailangan kong ibenta ang mga sasakyan ko para lang maging stable at ngayon ay naging maayos na, tapos na ang klase namin at isang linggo nadin akong pumapasok sa company namin. Naiinis ako dahil hindi ko na nakikita si hera hindi din siya nag rereply sa mga text ko naubos nalang ang pick up lines ko hindi padin siya nag reply. Ang hirap landiin' kung dati ako ang kinukulit ng mga babae at hindi ko pinapansin ngayon ako naman ang nangungulit at hindi pinapansin. Frustrated akong napakamot ng ulo. Dumaan nalang ako sa isang cafe para bumili ng cake na paborito ko. Katatapos lang meeting ko at naka business suit pa ako mamaya ay graduation na namin kaya nag mamadali ako. Pag pasok ko palang sa cafe ay napalingon na saakin ang ilang mga babae. Nag tuloy lang ako sa pag lapit sa counter at pumili ng mocha cake at chocolate frappe. Napalingon ako sa gilid, babalik ko na sana ang tingin ko sa harap ngunit ng mapagtanto ko kung sino ang taong nakita ko sa gilid ay tila nadagdagan lalo ang init ng ulo ko. Kita ko ngayon sa kinatatayuan ko ang masayang pakikipag usap ni Hera sa lalake. Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng kahera at kinuha ko nalang ang order ko at nag bayad. Pumwesto ako sa likurang bahagi nila at tinititigan bawat kilos ni Hera duon nalang din ako kumain, kahit parang wala akong nalasahan dahil sa inis ko. Nandito lamang pala siya at may date samantalang ako miss na miss siya at nag aantay ng text nya. Napansin ko ang pag tayo nilang dalawa at sabay na lumabas ng cafe nakasunod lang ako sakanila. Nauna ng umalis ang lalake at nakatayo si hera tinatanaw ang papalayong sasakyan, I gently wrap my arms around her small waist. Nagulat pa ito at bahagya akong tinulak "Gael you don't have the right to touch me," she said calmly "I don't care anyway you'll be mine sooner or later." bagot kong sagot kanina pa mainit ulo ko nadagdagan pa dahil sa nakita kong pakikipag date niya. "You're out of your mind." she said and rolled her eyes. Papasok na sana siya ng sasakyan ng hinawakan ko ang braso nya at iginaya papasok sa loob ng sasakyan ko nag pupumiglas siya pero nagawa padin nyang makapasok sa kotse. Pumasok nadin ako sa loob ng kotse. _____________________________________________________ Napag disisyunan muna ni Herang bumili ng cake para sa graduation ni alex, pero hindi niya inaasahan makikita niya ang dating kaibigan, kaibigan nila ito ng ama ni alex nag kwentuhan muna sila saglit at nagkamustahan hindi din pala alam ng kaibigan niya kung nasaan ang ama ni alex. Hindi nya din binanggit dito ang tungkol sa anak nila. Naramdaman niya na may nakatitig sakanya at hindi siya nagkamali nakita nya si Gael na nakakunot ang nuo at madilim na nakatitig. Binalewala nya nalang ito at nag patuloy sa pakikipag usap sa kaibigan. Pag tapos mag usap ay sabay na sila ng kaibigan na lumabas inintay nya muna itong makaalis bago sumakay ng kanyang kotse. Nagulat siya ng maramdamang my humawak sa bewang nya. Napalingon siya at bahagyang napaangat ng tingin dahil matanggad ito. Alam nyang si Gael ito dahil sa pamilyar na amoy nito. Bahagya pa silang nag kasagutan halatang mainit ang ulo ang ulo ni Gael, binalewala nya nalang ito at pumunta sakanyang sasakyan akmang papasok na siya ng higitin sya ni Gael. Sinarado nito ang pinto ng kotse nya at dinala sa isang sasakyan pinilit siya nitong ipasok sa loob at sinara ang pintuan ng kotse at sumunod na pumasok si Gael sa driver seat. "Gael what's your problem!!! Singhal nya dito ngunit imbes sumagot ay hinigit siya neto at mapusok na hinalikan. She let out a soft moan when gael slid his tongue inside. Nang mapag tanto ang nangyayari ay malakas niya itong tinulak dahilan para maputol ang kanilang pag hahalikan. Seryoso lamang na nakatingin si Gael sakanya. "Gael please stop this tigilan mo na to ano bang gusto mo ?? " Kunot nyo kong tanong sakanya "f**k ! Seryoso ako Hera ng sinabi ko sayong gusto kita, I really mean it gusto kitang ligawan." "Nasasaktan ako ngayon Hera hindi ka manlang sumasagot sa text ko at ngayon nakita kong masaya kang makipag usap sa iba." Seryoso nyang saad habang nakahawak ng mahigpit sa manibela sa una ay nakakunot noo nito ngunit unti unti din naging malambot ang expresyon ng kaniyang mukha. "Gael hindi ko alam kung seryoso ka o anu man, But I'm turning you down I'm really sorry. Tigilan mo na to wala kang mapapala saakin." Seryoso kong sabi habang nakatitig sakaniya, kita ko ang pag daan ng sakit sa kaniyang mga mata ng sinabi ko ang katagang 'yon napaiwas ito ng tingin. Dahil wala na akong mahagilap na salita ay lumabas na ako at bumalik sa aking kotse. Sa totoo lang ay gusto niya din si Gael pero nahihirapan siyang mag tiwala at pumasok sa isang relasyon, lalo na si Gael alam niyang babaero ito dahil naikwento sakanya ni alex na ang dahilan ng pag stay ni Gael sa kanila ay dahil nag tatago ito sa kaniyang mga babae. Natatakot siyang maiwan sa huli at masaktan sa pangalawang pagkakataon. Nandito na ang mga kaibigan ni alex pag tapos ng graduation ay sumunod na ang mga kaibigan niya sa kanilang mansyon para mag celebrate. Inimbitahan niya din ang malapit niyang kaibigan si trixia at ang boyfriend nito kasama din nila ngayong mag celebrate ang professor ni alex na si David. Lahat ng tao duon ay nag kakasiyahan pero siya ay hindi nya magawang mag saya nalulungkot siya dahil sa nasabi nya kay Gael, alam niyang nasaktan ito base sa nakita niyang reaksyon neto. Hindi nya din nakita si Gael sa university at ngayon ay halos lasing na ang mga kaibigan nila ni alex pero hindi manlang ito pumunta. She rolled her eyes when she saw trixia and her boyfriend flirting. Mag katabi kami ng upuan ni david at kaharap namin si trixia at boyfriend nitong si manuel nasa isang table kami at nag iinom. Nasa kabilang side naman sila alex at ang mga kaibigan nito. "Inggit ka," david chuckled "Why would I? mag hihiwalay din yan." I drawled lazily Humalakhak naman si David. "Hera if I were you mag jojowa na ako di mo ba namimiss madiligan." lalo namang natawa si david sa tabi ko hindi ako nakapag pigil at inabot ang buhok nya para masabunutan. Uminom nalang ako ulit at binalewala ang pang aasar nila wala talaga ako sa mood at sa totoo lang ay may parte sa puso ko ang nalungkot dahil sa tingin ko ay tuluyan ng tumigil si gael sa pangungulit saakin wala nadin akong narerecieve na text galing sakaniya mula ng mag usap kami kanina. Kadalasan ay mag tetext ito sakaniya tuwing gabi at mag sesend ng pick up lines. Wala sa sariling binasa ko ang huling text niya. "Alcohol ka ba ? Kasi ako yung germs na 99.9999999999999% patay na patay sayo" - Gael napangiti ako dahilan para mapalingon saakin si david at nagtatakang nakatingin. Tumikhim ako at itinabi ang cellphone ko. "Kanina lang para kang nagluluksa ngayon nangingiti ka." nawiweirduhan siya saakin tumingin. Ang dalawa naman sa harap ko ay busy padin sa pag landian na parang walang kasama seriously? Sana diko na sila inimbitahan, sakit lang lalo sa damdamin. Nahihilo nadin ako dahil medyo naparami na ang nainom ko. "Gael dude !!!" Sigaw ni joshua, dahilan para mapadako ang tingin ko sa tiningnan nila. Kita ko si Gael na seryoso lang ang mukha nakapamulsa ito at papunta sa dereksyon nila alex, nanuyo ang lalamunan ko s**t he's hot' saad ko sa aking isipan, magulo pa ang buhok nito pero lalo iyon nakakadagdag sa lakas ng apeal nya. Bakat din ang biceps at abs nito sakanyang suot na tshirt parang ang sarap himasin, s**t! lasing na talaga ako. napanguso ako ng hindi manlang ako nito sinulyapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD