bc

Perlas ng Silanganan (Yaman ng Karimlan)

book_age18+
340
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
powerful
warrior
twisted
bxg
mystery
magical world
special ability
like
intro-logo
Blurb

Ang mamatay nang dahil sa'yo.

Ito ang pinanghahawakang mga kataga ni Isagani sa gitna ng pakikipaglaban niya sa mga diwatang may hawak ng mga piraso ng perlas na kaniyang gustong makamit.

Layunin niyang mapasakamay ang mga piraso nito upang maging malakas at makapangyarihan sa lahat saan mang dako ng Aciga, ang lugar kung saan matatagpuan ang mga bagani, diwata at iba pang mga elemento.

Sa gitna ng kaniyang pakikibaka ay kaagapay niya ang Diyosang si Sierra, ang babaeng bibihag sa kaniyang puso.

Kasabay ng paglupig nila sa mga kaaway ay ang pagsiklab ng apoy ng pagnanasa sa pagitan nilang dalawa na hahantong sa pagtitinginan.

Ngunit paano kung ang pagtitinginan na ito ang magiging dahilan upang mawala sa kanila ang pinaghirapang ipaglaban na Perlas ng Silanganan?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 - Ang Pagpili
Kabanata 1 - Ang Pagpili Paunawa: Ang librong ito ay may kwentong naglalaman ng mga kontekstong maseselan at karahasan na maaaring hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga mababasang hindi sanay sa pagbabasa ng may kaunting erotica. Magbasa ayon sa inyong kagustuhan. KWEBA ng Karimlan. Matapos sumuko ni Isagani laban sa kapwa niya bagani na si Isaac ay dinala siya sa kweba ng karimlan kung saan ay ikukulong siya ng limang araw. Parurusahan siya dahil sa paglabag niya sa kagustuhan ni Haring Dalupang, ang pinuno ng mga bagani sa Amacian, ang lupain ng mga mortal na matatagpuan sa gitnang-silangan ng Aciga. Nais ni Isagani na magkaroon ng pagkabuklod-buklod sa Amacian. Gusto niya sanang ibahagi sa hari na dapat nitong palakasin ang mga nasasakupan imbes na paglaruan ang mga bagani sa pmamagitan ng paglulunsad nito ng lingguhang paglalaban-laban ng mga mandirigma na nahahantong sa pagkalagas ng mga bagani. Nagkaroon na siya ng pangitain na darating ang araw na wala ni isang bagani ang maiiwan at lulupigin sila ng mga engkanto, diwata at iba pang mga elemento sa Aciga. Kung kaya't nais niya itong paratingin sa hari. Sa kasamaang palad ay hindi siya nito pinakinggan at tinawag pa siyang nasisiraan ng bait at mahina. Nakagapos siya sa mga baging na nakasabit sa loob ng kweba ng karimlan. Ayon sa mga usap-usapan, wala pang nakapasok dito at lumabas ng buhay. Pugad daw kasi ito ng iba't ibang mga elemento at mga mababangis na hayop na kinatatakutan ng lahat. Ngunit napatunayan niyang mali ang mga kwento. Nagmulat siya nang kaniyang mga mata nang makasilay siya ng kaunting liwanag na kalauanan ay naging mas lalo pang maliwanag. Tila ba papalapit iyon sa kaniya at ang isang munting liwanag na iyon ay naging apat. Sa sobrang pagkasilaw niya ay napapikit siyang muli. "Tulungan ninyo ako!" Ito ang kaniyang naging sigaw habang nakapikit siya. "Bagani, buksan mo ang iyong mga mata at magbigay pugay ka sa mga Diyosa!" "Tama, nararapat lamang na kami ay iyong kilalanin. Huwag mong takpan ang iyong mga mata!" Ito ang wika ng mga boses ng mga babaeng nasa kaniyang harapan ngayon. "Sandali, hini niyo ba siya nakikilala?" Lumapit sa kaniya ang isa at hinaplos ang kaniyang maduming pisngi na dahilan upang magmulat siya ng kaniyang mga mata. "Sino kayo? Anong gagawin ninyo sa akin?" Puno ng takot ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa mga diwatang ngayon ay pinagmamasdan ang kabuuan niya. "Ngayon lamang ako nakakitang muli ng baganing mayroong kaakit-akit na katangian. Pinagpala ang isang ito." Naglakad palapit sa kaniya si Makiling, ang Diyosang nagtataglay ng labis na kagandahan. Naglakbay ang mga kamay ni Makiling sa kaniyang sugatang katawan. Wala siyang ni anumang saplot at hantad ang lahat sa kaniya. "Makiling, hindi ba't pandaraya ang iyong ginagawa?" Saway ni Sierra, ang Diyosa ng kagubatan. "Hindi ba't mas mabuting makita natin siyang malinis at dalisay? Gusto ko lamang makita ang kaniyang kabuuan, Sierra." Nakangiting wika ni Makiling. "Hayaan mong haplusin ka ng dalisay na tubig galing sa Minanga, ang kaharian sa katubigan." Mula sa kamay ni Diyosa Marina ay lumabas ang tubig at hinugasan nito ang maruming katawan ni Isagani. Nanatili siyang walang kibo habang tila ba pinagpepyestahan ng mga diwata ang kaniyang kainosentehan. "Tuyuin natin ang tubig sa iyong katawan," mula naman sa kamay ni Diyosa Luwalhati ay nagkaroon ng malakas na ihip ng hangin na tumuyo sa kaniyang basang katawan. "Baging, kalagan mo ang bagani!" Sigaw ni Diyosang Sierra at agad namang sumunod ang mga baging na gumapos sa kaniyang mga kamay. Hinang hina si Iagani kung kaya't napaluhod siya sa harapan ng apat na mga diwata. Isinandal niya ang kaniyang hapong katawan sa isang puno kung saan siya nakahanap ng kapahingahan. "Ano ang kailangan ninyo sa akin?" "Ikaw ang itinakda," wika ni Sierra. "Sierra, hindi tayo nakasisiguro!" "Ngunit siya ang nakita ko sa aking mga pangitain," ani Sierrra. "Kung gayon, dapat na ba natin siyang tanungin?" Ito ang tanong ni Marina na ngayon ay mayroong hawak na mansanas "Ano sa palagay mo Luwalhati?" Tanong ni Makiling. "Mabuti pa nga." Ang sagot ni Luwalhati. Nagsimulang maglakad palapit sa isa't isa ang mga diwata at ngayon nga ay nakatingin pa rin sila sa katawan ng binatang hapung-hapo. "Bagani, ano ang iyong ngalan?" Tanong ni Makiling sa pinaka ma-autoridad nitong boses. "Isa-Isagani!" Sambit ng binata na ngayon ay idinadaing ang masakit niyang tadyang. "Isagani. Kay gandang pangalan. Kung gayon, inaatasan ka naming sagutin ang aming katanungan. Tumayo ka bagani!" Ma-autoridad na utos ni Makiling sa binata. Hirap man sa kaniyang katayuan dahil sa bugbog na inabot niya ay sumunod pa rin siya sa kanilang kaustuhan. Wala siyang magagawa kundi ang tumugon dahil nakita niya ang mga maaaring gawin ng mga ito sa kaniya kung hindi niya gagawin ang mga kagustuhan nila. "Sabihin mo sa amin ngayon kung sino ang mayroong pinakamagandang mukha sa lahat!" Utos ni Marina habang nakatitig sa mga mata ng binata. Ang katanungang ito ay nagmula kay Bathalang Aviona na siyang nagalit sa mga diwatang pinagkatiwalaan niya upang panghawakana ng mga piraso ng perlas ng silanganan. Si Bathalang Aviona ay nagtungo sa pinakamataas na kaharian at nananatiling tagapagbantay ng buong Aciga. Ngunit bawat diwata ay mayroong kagustuhan na maging mataas sa bawat isa. Kung kaya't ayon sa utos ni Bathalang Aviona ay kailangan nilang puntahan ang Kweba ng Karimlan sa tuwing mag-aalay ng bagani ang mga taga Amacian sa kaniya at ang kaisa-isang lalaking makakasagot ng totoo at bukal sa kaniyang kalooban ay ang baganing magiging unang hari ng Aciga at siyang mangangalaga sa buong perlas ng silanganan. At sa huli, ang mapipili nito ay ang magiging reynaa na siyang kaagapay niya sa pagpapanatli ng kaayusan sa buong Aciga. Bukod pa rito ay magkakaroon siya ng ibayong lakas, kakaibang kapangyaihan at walang hanggang buhay dahil sa bisa ng pinag-isang perlas ng silanganan. Ngayon ay kailangang mamili ni Isagani. Ngunit nang ituturo na niya ang kaniyang sagot ay nagsalita si Makiling na siyang unang lumabag sa kautusan na bawal silang mag-alok ng kahit na ano sa baganing itinakda. "Kung ikaw ang itinakda, piliin mo ako. Ako si Makiling, ang diyosa ng Buluan, ang kaharian sa kabundukan. Kapag ako ang iyong pinili, magiging punong kawal ka at palalakasin natin aang pwersa ng ating kaharian. Masisilayan mo rin at matitikman ang aking ganda, kung kaya't ako dapat ang iyong piliin, binata." Naglakad ito palapit at panay ang paghaplos nito sa hubad na katawan ni Isagani. "Makiling, paglabag iyan sa utos ni Bathalang Aviona." Saway ni Sierra. Ngunit tuso si Makiling dahil gusto niyang mapasakamay ang buong Aciga, kaya't gagawin niya ang lahat upang makamit iyon. "Ako si Marina, ang diyosa ng Minanga, ang kaharian sa karagatan. Kapag pinili mo ako ay magiging isa ka sa aking mga asawa at magkakaroon tayo ng saganang buhay sa lugar na aking kinabibilangan." Lumabag na rin sa utos si Marina at lumapit sa binata. Ang masama pa ay hinalika nito ang binata sa labi at tila ba panandaliang nawala sa huwisyo si Isagani dahil doon. "Huwag mo silang pakinggan, sapagkat silaay nakatikim na ng iba't ibang bagani. Ako ang iyong piliin sapagkat maliban kay Sierra, ako ay dalisay. Wala akong baganing kailanman ay naging kasiping o nakaniig. Sapagkat ako ay namimili, at ngayon ay nakita ko sa'yo ang katangian ng baganing makatutuwang ko sa pangangalag ng himpapawid. Ako si Lualhati, at ako ang nararapat sa'yo." Lumapit din si Luwalhati at nagbigay ng pinakamatamis niyang halik sa lahat. "Paglabag ang mga ginawa ninyo. Hindi ito naaayon sa utos ni Bathalang Aviona. Hindi kayo dapat gumawa nito, kundi ay maparurusahan niya kayo." Ito ang sigaw ni Sierra na ngayon ay nagngangalit ang bagang dahil sa ginawa ng kaniyang mga kasama. Si Sierra ang pinakabata at ang pinaka-itinuturing na mahina sa lahat sapagkat siya ang may hawak ng pinakamaliit na piraso ng perlas ng silanganan. "Tumigil ka Sierra!" Ito ang sigaw ng lahat sa kaniya. "Pumili ka na bagani, habang may panahon ka pa!" Pagmamadali ni Makiling. Tiningnan ni Isagani ang lahat. Hanggang sa makita niya ang kainosentehan ni Sierra. Ngunit nakita niya mula rito ang pagiging palaban nito sa lahat. Bagaman mahina ay nakitaan niya ito ng kakaibang karisma at ito ang hanap niya sa lahat. "Siya ang mayroong pinakamagandang mukha sa inyong lahat!" Itinuro niya si Sierra at nabigla ang lahat ng diwata sa kaniyang naging desisyon. At biglang napunta kay Sierra ang liwanag ng lahat. Nagningning ang kaniyang kagandahan at ito ang senyales na totoo at bukas sa loob ng baganing itinakda ang naging desisyon nito. "Dahil naging bukal sa'yo ang iyong desisyon. Kasama mo ako sa pagtuklas sa yaman ng Aciga at kasabay nito ay ang paglaban natin sa kasamaan upang manumbalik sa dati ang minamahal nating Aciga!" Hindi man nagsalita si Sierra ay nagkaroon ng malakas na ugong mula sa kweba at boses niya ang narinig mula doon. "Ito ay hindi nararapat! Pandaraya! Sierra, humanda ka sa aming kaharian. Lulupigin ka naming lahat!" Ito ang sigaw ni Makiling at galit na galit itong umalis na lang bigla. "Hindi ko ito matatanggap. Hindi!" Nilamon naman ng tubig si Marina at bigla ring nawala. "Magdurusa kayo! Tandaan niyo iyan! Hindi ninyo makukuha ang mga yaman ng perlas. Hindi!" Galit na galit din si Luwalhati at bigla na lamang siyng tinangay ng hangin. Samantala, naiwan naman si Sierra at si Isagani na ngayon ay nagkakatitigan. Napalunok si Isagani sapagkat sa tanang-buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng diwata. "Mahusay. Ikaw ay namili ng tama. At dahil diyan, makukuha mo ang iyong unang gantimpala. Makakamit mo ang aking kadalisayan. Halika, nakahanda na ang aking silid para sa'yo, binata!" Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa Diyosang ngayon ay tila ba agresibo nang makipagniig sa kaniya. Ang tangi na lamang niyang naiisip ay kung ito man ang kapalaran niya, tatanggapin niya na lang at bahala na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook