Simula
Third Person POV
Makikita ang matinding sakit sa mukha ng isang babae na ngayo'y nakasilip sa pinto kung saan makikita ang dalawang imaheng pinagsaluhan ang kakaibang init ng pagnanasa sa mismong VIP room ng isang sikat na bar.
Maririnig ang bawat ungol ng dalawang nasa loob na tila dumudurog sa puso ng babaeng nakasilip. Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata nito hanggang sa hindi na nga nito nakayanan ang sakit, at walang-sabing pumasok sa looban ng naturang VIP room dahilan para magulat ang dalawang imahe.
"Ibinigay ko sa'yo ang lahat, pero bakit nakuha mo akong lokohin?"
Nagulat ang lalaki at nagmamadaling tinakpan ang sariling kahubdan gamit ang puting kumot.
"Sino siya?" Tanong ng babaeng kaniig ng lalaki pero hindi ito pinansin ng lalaki at nakatitig lang sa luhaang babae na siyang bagong dating.
"Magpapaliwanag ako."
"Hindi na kailangan, masakit pero siguro kailangan kong tanggapin na siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa."
"Pakiusap, makinig ka muna sa paliwanag ko."
Sumilay ang mapaklang ngiti sa mga labi ng babae at pinakatitigan ang naturang lalaki.
"Hindi ko akalaing magagawa mo ang pinaka-masakit na pangyayari. Nagtiis ako para sa'yo pero heto ang iginanti mo sa pagmamahal na iniukol ko sa'yo. Ano bang kulang at nagawa mo ito sa akin? Hindi pa ba sapat na ibigay ko sa'yo ang lahat-lahat?"
Akmang lalapitan ng lalaki ang babae pero mabilis na tinalikuran ng babae ang lalaki na may pagluha sa mga mata.
Mula sa naturang bar ay lumabas ang babae. Nagmamadaling tinungo nito ang sariling kotse na nasa parking space ng naturang malawak na garage.
"Cut!" Malakas na sigaw ng naturang direktor ng naturang eksena.
Pagkatapos ng naturang shooting ay namangha si Atty. Lorie Catherine sa ipinamalas ni Veronica na kakaibang talento bilang isang sikat at magaling na actress sa larangan ng industriya ng takilyang Pilipino.
Ipinadala si Atty. Lorie Catherine Lucchese ni Mr. Marcus Aurelius para talakayin kay Veronica ang tungkol sa divorce.
"Ma'am, narito po ang bottle of water niyo," nakangiting ani ng PA ni Veronica.
"Tanga ka ba? Hindi ito ang gusto kong tubig," inis na sabi ni Veronica sabay tulak ng naturang PA.
Dahil sa lakas ng pagkatulak ng naturang actress ay napatukod sa bermuda grass ang naturang PA, hindi man lamang ito binalingan ng tingin ni Veronica, napaka-walang awa nito sa PA na nag-effort pa na bigyan ito ng malamig na tubig.
Hindi napigilan ni Atty. Lorie Catherine ang pagkagulat sa nasaksihan. Hindi niya akalaing ang sikat na si Veronica Aurelius ay may masamang ugali.
Inayos niya muna ang sarili bago lumapit sa kinaroroonan ng PA ni Veronica. Nilapitan niya ang naturang PA at inalalayan na makatayo.
"Hi, hayaan mong tulungan kitang makatayo."
"S—Salamat, Ma'am."
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Atty. Lorie Catherine sa nakakaawang PA. "Ganyan ba talaga ang pag-uugali ni Mrs. Aurelius?"
Napansin ni Atty. Lucchese ang munting sugat sa tuhod ng naturang PA, nang ibaling niya ang tingin sa kinalugmukan kanina no'ng PA ay nakita niya ang isang matulis na bato. Siguradong iyon ang dahilan kung bakit nasugatan ang tuhod ng mahinhin at tahimik lang na PA ni Mrs. Aurelius.
"Sanay na po ako, Ma'am. Sige po, may gagawin pa po ako."
Hindi makatingin sa mga mata ni Atty. Lorie ang naturang PA, tila ba parang nahihiya ito dahil napagalitan sa harapan ng ilang tao na nasa naturang set.
Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Atty. Lorie Catherine Lucchese.
Kasalukuyang inaayusan ang sikat na actress ng ilang makeup artist, siyempre hindi nawawala ang tila ugali nitong masasabi ni Atty. Lorie Catherine na may pagka-bossy at sobrang taray. Akala pa naman niya no'ng una ay mabait ito.
"Excuse me, Ma'am. This place is exclusive for shooting. I'm curious how you managed to get into this area?"
Tumikhim si Atty. Lorie Catherine sa kausap at ngumiti rito. "I'm Atty. Lucchese and I just have a need to speak with Mrs. Aurelius."
"Gano'n po ba, kilala ka po ba ni Mrs. Aurelius?"
"I am known by her husband, Mr. Marcus Aurelius, and I am aware that Mrs. Aurelius is anticipating my arrival."
"Sandali lang po, Atty. Lucchese. Maghintay lang po muna kayo at ipaparating ko kay Mrs. Aurelius."
"Thank you."
Nasundan na lamang ng tingin ni Atty. Lucchese ang naturang staff patungo sa kinaroroonan ni Veronica. Ngunit nang makalapit na ito sa naturang actress ay hayan na naman ang pagiging suplada nito na tila mainit palagi ang ulo, samantalang hindi naman mainit ang naturang area na kinaroroonan ng shooting.
Napansin ni Atty. Lucchese na napasulyap sa kanyang gawi ang magandang aktres na si Veronica.
Lumapit sa gawi ni Atty. Lucchese ang isang staff na kanina lang ay kausap niya. "Atty. Lucchese pinapasabi po ni Ma'am na pumaroon daw po kayo."
Isang simpleng tango ang naging tugon ni Atty. Lucchese at sumunod sa naturang staff patungo sa kinaroroonan ni Veronica.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Mrs. Veronica Aurelius nang makita si Atty. Lucchese.
"Hi, so what brought you here, Atty. Lucchese? Well, anong gusto mo, tea, juice or coffee?" Nakangiting tanong ni Veronica kay Atty. Lucchese.
"No, thanks, Mrs. Aurelius."
"Lydia, bigyan niyo naman ng upuan ang bisita natin," nakangiting turan pa rin ni Veronica kay Atty. Lucchese.
Saka sumenyas sa ilang staff and makeup artist nito na umalis para bigyan ng privacy ang kanilang pag-uusap ni Atty. Lucchese.
Napansin ni Atty. Lucchese na sobrang bait nitong si Veronica gayong kung makapag-trato kanina sa PA nito ay daig pang naka-utos sa sarili nitong kawaksi.
Nagmamadali namang tumalima ang naturang PA ni Veronica, siguro sa takot na mapagalitan na naman ito ng sariling boss, pati ng ilang staff.
"Good day, Mrs. Veronica Aurelius. My name is Atty. Lorie Catherine Lucchese and I'm representing your husband, Mr. Marcus Aurelius in this matter. I understand this is a difficult situation,
but I want to assure you that I'm here to handle this process with professionalism and respect for all parties involved."
Awtomatikong naging mabalasik ang mukha ni Veronica nang marinig ang sinabi ni Atty. Lucchese.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Atty. Lucchese?"
"Oo naman, Mrs. Aurelius."
"Umalis ka na rito kung ayaw mong ipatapon kita sa labas ng shooting area. You're talking nonsense!" Asik ni Veronica kay Atty. Lucchese.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Mrs. Aurelius."
"Pwes, huwag kang mag-eskandalo rito sa naturang shooting ko!"
"Do I look like I'm doing the scandal thingy here, Mrs. Aurelius?" Siyempre hindi rin patatalo si Lorie Catherine sa mataray na si Veronica.
"Ano nga bang tawag sa mga pinagsasabi mo ngayon, tinuringan ka pa namang isang Attorney."
"At sa tingin mo, Mrs. Aurelius magiging walang silbi ang pagpunta ko rito?" Taas-kilay na tugon ni Atty. Lucchese kay Mrs. Veronica Aurelius.
Dahil sa gigil ni Veronica ay mula sa kinauupuan nitong silya ay tumayo ito at sinalubong ang matamang titig ni Atty. Lucchese kasabay ng pagkuyom ng mga kamao nito.
Naging mas mainit ang tensyon ng dalawang babae at walang-sinuman ang umimik, kahit ang ilang staff ni Mrs. Aurelius ay nanatiling tahimik.
"May mga ilang katibayan ako para ilugmok ka sa mga kawalanghiyaan mo, Mrs. Aurelius. We've received information that suggests you may have been involved with another man during your marriage. We need to discuss this in the context of the divorce proceedings."
"Huwag mo akong takutin sa mga ebedinsya mo, Atty. Lucchese. Kahit may maipakita ka pang ebedinsya mananatili pa rin akong asawa ni Marcus!" Gigil na tugon ni Veronica kay Atty. Lucchese.
"Really, Mrs. Aurelius. I've been presented with evidence that suggests you were having an affair."
"Evidence? What evidence? This is just another attempt to smear my character and make me look bad. You're trying to paint me as the villain in this story, but it's not true."
"But we need to be clear about the facts. There are undeniable signs of infidelity on your part, Mrs. Aurelius."
"You're focusing on the wrong things! My husband was the one who was emotionally unavailable. He spent all his time at work, never paid attention to me, and never made me feel loved. If I did anything wrong, it was because I was desperate for some kind of emotional connection. It's not my fault that he wasn't there for me."
"Come on, Mrs. Aurelius. Hindi mo pwedeng sabihing hindi ka nagsisinungaling dahil hawak ko ang lahat ng mga ebedinsya."
"Kung gano'n, sige nga at ilatag mo ngayon din sa mismong harapan ko, Atty. Lucchese?" Tudyo pa ni Veronica kay Atty. Lucchese.
Mula sa hawak na mga ebedinsya ay ipinakita nga ni Atty. Lucchese ang ilang mga larawan na kuha sa isang motel. Kung saan may kahalikang ibang lalaki si Veronica.
Napalunok si Veronica sa nakitang ebedinsya na inilatag ni Atty. Lucchese sa kanyang harapan.
"Pwedeng masira ang career mo kung sakaling malalaman ito ng publiko, Mrs. Aurelius, at kaya ko itong isiwalat oras na hindi ka makipag-coordinate sa akin patungkol sa divorce agreement na kailangan mong pirmahan."
"No way, hindi ako papayag sa divorce agreement na sinasabi mo, Atty. Lucchese."
"Halatang nagtaksil ka na nga ang kapal pa ng mukha mong ipagkait sa asawa mo ang divorce agreement na kailangan niya?" Sarkastikong turan ni Atty. Lucchese kay Veronica.
Kapansin-pansin na tila wala na yatang kawala pa si Veronica sa matapang na si Atty. Lucchese kaya matapang na sinalubong niya ang mga mata ng naturang Attorney.
"Since makulit ka at ayaw mo talagang sumuko, fine, totoo nga na nagtaksil ako sa walang-kwenta kong asawa. Bakit kasalanan ko bang hindi na tumatayo ang tang-ínáng pagkalàlàki ng asawa ko? Kung ikaw ba sa kalagayan ko hindi ka maghahanap ng ibang lalaki maibigay lang ang nais mong kaligayahan sa malamig na gabi sa tuwing naghahanap ka ng init?"