Chapter 20 "Uy may news ako sa inyo." bulalas ng dalagitang si Jarrence habang nasa canteen sila ng school. "O ano?" tanong ng kambal niyang si Margi habang panay lang naman ang nguya niya. "Break na si Kuya at Sarah!" napapalakpak pang bulalas nito kaya naantala ang pagnguya niya. Kinapa niya ang sarili kung ano bang dapat niyang maramdaman? "Wow! Good for him. So bakit daw nagbreak?" halatang masayang tanong ni Margi. "Well bago ko sabihin, kukunin ko muna ang reaction mo Marli." anito kaya napabaling ang tingin niya sa mga ito at napatigil sa pagngasab ng sandwich niya. "Sabihin mo na. Wag ka ng maraming paeklat diyan. Remember pinamukha ng kuya mo sa'kin na hindi nagmamatter ang opinion ko, 'no!" "Ases! May pinaghahagutan. Wag kang mag-alala napatunayan naman natin kay Kuya na