Chapter 11 "Ay teka. May regalo din ako sa'yo kambal." sabi niya at kinuha kay Jarrence ang ipinatago niya kanina dito. "Here." nakangiting ibinigay niya iyon sa kakambal. "Ako rin, eh." nakangiting anito at may dinukot sa paper bag nitong dala. Sabay nilang binuksan iyon. "O my! Sneakers! Ang ganda ng kulay, blue! Isusuot ko kaagad 'to." bulalas ni Margi nang makita ang sapatos na ibinigay niya. Nang tingnan naman niya ang bigay nito ay isa iyong kwintas. A locket. Nang buksan niya iyon ay nandoon ang picture nilang dalawa. "A-Ang ganda nito kambal!" bulalas niya at niyakap ito. "Thanks kambal! I love you!" sabay pa nilang bulalas. "Huy! Sali ako ano ba?" reklamo ni Jarrence kaya naman natawa sila. "Alam ko kasing mahilig ka sa kung anu-anong accessories kaya nagpatulong ako k