Sa kabilang banda... Nasa telepono si Angela habang kausap ang isang informer na nagbigay sa kaniya ng isang impormasyon. Masama siya kung kutuban, dahil madalas...tama ang kutob niya. "Confirmed po, senyorita, may kasama po si sir, paalis na po sila sa club," sabi pa ng informer ni Angela. "Who's that f*****g b***h! Sundan mo sila!" "Sige po." Nang matapos ang tawag na iyon ay malakas niyang itinapon ang telepono sa pool. Malakas siyang sumigaw sa oras na iyon, ramdam ng mga kasambahay niya na tinutupak na naman siya. Agad namang nagsialisan ang mga ito. "No! hindi pupwede! Leon! Hindi mo 'ko basta-basta maloloko!" sigaw niya sa kawalan habang inaalam ang babaeng kinahuhumalingan na naman ni Leon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang naboko na nambababae si Leon