Sa mga sandaling iyon ay nakita ni Lara ang pag-iba ng paligid, from Metro, nakita niyang medyo malayo na sila sa sentro, ramdam niyang mas lumalamig ang simoy ng hangin at tanaw na rin niya ang magandang baywalk ng karagatan. "Saan tayo pupunta?" "Just relax, may surpresa ako sa'yo." "Hindi po ako sanay." "Pwes...masanay ka na Lara." Ngiti pa ni Leon sa kaniya. Sa sandaling iyon ay papunta sila sa Batangas. Medyo malayo ito, at tiyak na aabutan sila ng madaling araw sa daan. Tatlong oras mahigit ang Batangas, at sa puntong iyon, mas nagkaroon sila ng oras para mag-usap habang nasa daan. "Lara, tell me about yourself more..." "Ano po ang gusto n'yong malaman?" "Uh, about everything..." "Kasi po...si inay na lang ang kasama ko sa buhay sir, hindi ko alam ang tatay ko, hindi