Nagsimula na silang gumawa ng production number at si Lara ang contestant number seven, si Angela naman ang contestant number six. Nakatayo sila sa stage habang aligaga ang coordinator sa mga gagawin nilang rampa. "Oh, makinig ha, dito kayo iikot tapos doon ang hagdan, doon ang exit. Gets n'yo ba?" sabi pa ng bading na coordinator. "Yes." Halos sabay na sambit ng mga dalaga. Nauna ang number one hanggang sa magsunod-sunod na ang lahat. Nasa gitna ang mikropono, at noo'y nagpapakilala na sa kani-kanilang mga pangalan. "Alright, sige pasok na number five, stay put, number six, okey?" "I know..." mataray na sambit ni Angela sa bading. Ngumuso naman ang bading at halatang nainis din sa attitude ni Angela. Nang makalakad na si Angela ay para itong catwalk model sa isang international show