Chapter 2

1314 Words
Third Person: "Ahh! Ahh! Ahhh! f**k me faster ahh!" Halos mangisay na sa kasarapan ang babaeng binabayo ngayon ni Connor. Habang wala namang mababakas na kahit anong ekspresyion sa mukha nito. Pinatuwad pa niya ang babae habang binabayo niya sa banyo ng club. Nakaharap ang babae sa salamin at kitang kita ang pag alog ng malulusog nitong mga suso dahil wala itong pang itaas na damit. Maya maya pa'y bigla nalang huminto si Connor na hindi pa nilalabasan. "Bakit ka huminto?" Takang tanong ng babae ng itaas na ni Connor ang zipper. Wala namang imik ang lalaki kaya't hinarang siya ng babae sa dadaanan nito. "Connor hindi pa ako tapos. Bakit ka huminto? Wag mo akong bitinin." Sabi ng babae. Pinakatitigan lamang siya ni Connor ng isang malamig at nakamamatay na tinig. "Wag mo akong tatawagin sa pangalan ko." Walang emosiyong sabi nito. Napayuko naman ang babae sa labis na hiya. Hiya dahil isang Mafia Lord ang nasa harap niya ngayon samantalang siya'y isang bayarang babae lamang sa pagmamay-ari ni Connor na night club. Isa lamang ito sa mga koleksiyon niya. Paglabas ng banyo'y dinig ang malakas na tunog. Madaming mga hubo't hubad na nagsasayaw sa entablado at maraming mga mayayamang tao ang nagsusugal. Unang beses lamang tumapak ni Connor sa loob ng sarili niyang club. Wala naman kasing pakialam ito sapagkat iba ang nakaatas na mamahala dito. "Big boss." Yumuko sakanya ang ilang empliyado ng siya'y mamukaan. Ni tingin ay hindi siya nag aksaya ng oras pa gawin. Bigla namang dumating ang isa sa mga tauhan nito dala dala ang ilang mga bagong babaeng nakidnap. Nakatalukbong pa ang mga mukha nito. Napatigil siya sa paglalakad ng makasalubong ang mga ito. "My Lord narito po pala kayo." Yumuko ang mga kalalakihang tauhan nito. "Sino ang mga to?" Takang tanong ng seryosong si Connor. "Mga nakolekta po naming magagandang babae My Lord. Sariwa't mga inosente." Ngising sabi ng armadong lalaki. Sobrang daming mga babae yun na tansiya'y nasa bente lahat. Hindi naman makikita ang mukha ng mga to dahil sa nakatalukbong ng tela habang magkakasamang nakatali ang mga leeg na parang aso. Sinenyasan ni Connor na tanggalin isa isa ang mga talukbong nito sa mukha. Sinunod naman ito ng tatlong kalalakihan na isa isang tinanggal ang talukbong. Lahat ay umiiyak ng tahimik dahil may busal ang kanilang mga bibig. "Lord may napili po ba kayo?" Tanong ng lalaki. Isa isa lamang nitong dinaanan ang mga babaeng luhaan at takot na takot. Wala siyang mapili. Hindi parin talaga mapapantayan ang ganda ng asawa niyang lapastangan. Si Barbara. Mahigit isang taon na ng mapatay at ipintapon nito ang katawan ng dalawang nagtraydor sakanya. Wala namang palag ang pulisya maging ang batas dahil si Connor ang kanilang batas. Sa kanyang paglalakad ay nanlaki ang kanyang mga mata. Duon lamang nagbago ang takbo ng mundo nito. Ang kamao'y nag kuyom at nanginginig sa galit na hindi maipaliwanag. Ang puso'y kumakabog sa kaba. Hindi siya maaaring mag kamali. Hinding hindi. Lumapit siya sa nakayukong babae sa pinaka likuran. Hinawi niya ang hibla ng buhok nito na tatakip sa maganda mukha nito. Sa unang pagkakatao'y lumabas ang isang butil ng luha sa kanang mata ni Connor. Unang beses niya muling umiyak. Hindi umiiyak ang isang demonyo. Hindi nakakaramdam ng kaba ang isang demonyo. Nanginginig ang kamay nito ng hawakan ang ibabang mukha ng dalaga at dahan dahang iniangat para maglapat ang tingin nila. Mas lalong nabuhay ang puot at galit sa puso ng demonyo. Bakit? Mapaglaro ba ang tadhana? Isip nito. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Bakit nangyayare ang mga bagay na to sakanya? Hinding hindi niya malilimutan ang mukhang yon. Ang mukha na siyang kinasuklaman niya. Hinding hindi dahil ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi ang kawangis ng asawa niyang si Barbara. Ang lapastangang si Barbara. "Anong pangalan mo?" Malamig niyang tanong sakin. Hindi dapat ako matakot, kailangan kong tatagan ang sarili ko. "M-Mae po. Mae Espinosa." Sabi ko. "Ginagago mo ba ako? Bakit mo kamukha ang asawa ko!" Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Isinandal niya ako sa pader. Hindi naging maganda ang trato nito sakin na para bang may nagawa akong masama sakanya. Kanina lamang ng isama niya ako galing club. Wala siyang imik at ngayong kaming dalawa na lamang ay ganoon na lang ang galit nito sakin. Tuluyan na akong lumuha. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Sumagi na lamang saking isipan si Mr. Bustado na siyang may pakana ng lahat ng to. Flashback: "Doctora Vivian." Bati ng isang lalaking nakaitim na suit. "Mr. Bustado." Nakipagkamayan ang si Dra. Nayuko lamang ako habang may bandage pa ang aking mukha. Wala akong kaalam alam kung ano ang gagawin nila sakin. Basta sa ngayon kailangan ko tong gawin. Kailangan ko ng pera pantustos sa malubhang karamdaman ng aking ina. "Siya naba yun?" Maligayang tanong ni Mr. Bustado habang naninigarilyo. Nakayuko parin ako ng mga oras na yon. "Yes Mr. Bustado. This is the final day. Ngayon na tatanggalin ang bandage sa mukha niya." "Well good." Ngising saad ng lalaking nagmistulang demonyo sa lawak ng pagkangisi. Si Mr. Bustado. Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa silid ng hospital. Nakaupo lamang ako sa kama habang tinatanggal ng dalawang nurse ang bandage saking mukha. Nang matanggal na ay iniharap sakin ni Dra. Ang salamin. Napatitig ako sa bagong mukhang naroon. Ibang iba na nga ang katauhan ko. Naluluha ako ng hawakan ko ang magandang mukhang yun. Magandang mukha na nagsalba saaking kapangitan. Kapangitan simula ng maaksidente ako sa napakaliking sunog at masunog pati ang aking mukha. Tulala pa ako habang ninanamnam ang pagkakatitig sa bagong mukha ko. "Well done Dra. She's really look like Barbara." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mr. Bustado. Maya maya'y inakbayan niya ako at may ibinulong sakin. "Binigyan na kita ng magandang mukha Mae. Ngayon kailangan mong gawin ang trabaho mo kung ayaw mong patayin ko ang kaisa isang pamilya mo." Sabi nito. Si Ina ang tinutukoy niya. Napayuko ako sa takot. Oo takot na takot ako sapagkat ngayon palamang din ako tumuntong dito sa Manila. Nakikipag sapalaran ako upang matustusan ang agarang gamutan sa Ina kong malubha na ang karamdaman. "Wag na wag kang gagawa ng kalokohan Mae. Pinili kita dahil alam kong kailangan mo ang pera. Pinili kita para makatulong sa pamilya mo. Yang mukha na yan, hiram lang yan. Kayang kaya kong agawin yan sayo kapag nalaman kong kumanta kana pala sa kalaban. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ngising sabi nito. Umagos pa muli ang aking mga luha at tumango tango. Tinatagan ko pa ang aking loob dahil alam kong nakasalalay ang buhay naming mag ina dito sa pinasok ko. Si Mr. Bustado pala ang mastermind ng lahat ng ito. Nang alukin ako mismo ng tulong ng kaibigan kong si Tyra na magtrabaho dito sa manila, hindi ko alam na itong trabaho pala ang tinutukoy niya. Si Tyra ay kaibigan ko na nagsasayaw sa club. Ilang beses niya akong kinulit na mag sayaw at ilang beses ko din itong hinindian. Napukaw ang atensiyon ko ng magsalita muli si Mr. Bustado. "Mamayang gabi mag handa ka. Ipapadampot kita sa mga tauhan ni Scott." Tumango nalang ako. At eto, eto pala ang pinaplano niya. Ang makulong ako mismo dito sa mansion ng nag ngangalang Connor. Siya yung sinasabi nitong Scott. May tracking device na nakapasok saking tenga upang malaman ni Mr. Bustado kung ano ang kaganapan. Balak niyang lusubin marahil ang Connor na ito para patayin. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit pinlano niyang ipa plastic surgery ako para maging kamukha ni Barbara. Hindi ko din alam na si Barbara pala ang asawa ni Mr. Connor Ace Scott. End of flashback. Akala ko'y pag bubuhatan ako ng kamay ni Connor. Ngunit binitawan niya lamang ako at iniwang nag iisa. Nagiisa mismo malaking silid na ito. Napatakbo ako upang lumabas ng silid ngunit bigo. Bigo ako dahil ikinandado mismo ni Connor ang pintuan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD