(JANNA SANTOS POINT OF VIEW) NAGISING ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita ko ang pangalan niya sa caller ID. Napangiti ako sa nabasa ko. "Hello!" sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. " Did I wake you up ?" tanong niya sa akin. "Ano ba sa tingin mo ha? Tsk!" pagtataray ko sa kaniya at saka akong lihim na napangiti, magpapabebe lang ako ng slight sana sumakay siya. "Kunyari nagtataray pero kinikilig na talaga ang isa diyan," sabi niya sa akin. "Wala ngang arte ang boses mo tapos kikiligin ako!" angal ko sa kaniya. Pero ang totoo niyan nagtatago na sa loob ng kumot at unan sa sobrang kilig. "Aish! Arte." sabi niya saka siya tumawa. "Bakit ka tumawag sa akin ngayon ah?" tanong ko sa kaniya. "I just want to remind y