FIVE|BALOT

765 Words
"D-Drake...."tawag ko sakanya. Kasulukuyan kaming kumakain ngayon dito sa hapag at naiilang ako dahil sa pasang unang bubungad sa'kin kapag tumitingin ako sa mukha niya. Kagabi pako hindi makatulog ng maayos dahil sa ginawa ni Niko sakanya. At ngayon, mas lalo pakong binabagabag ng konsensya dahil sa nakikita kong pasa sa labi nito. "Hmmm?" napalunok ako sa paraan ng pagsagot niya. Tila ungol ito para sa'kin. Ipinilig ko ang ulo at bumuntong hininga. "What happened? Is there something wrong?" nagulanta ako ng idampi niya ang malambot nitong palad sa noo ko. Diko na ata mabilang 'kung ilang ulit na akong lumunok dahil sa diko mapaliwanag na dahilan. Parang mat 'kung anong bagay sa loob ko na para akong kinikilig na iwan. "O-Okay lang ako." Agad kong kinuha ang kamay niya sa noo ko bago pako himatayin dito sa kilig. Ngumiti ako ng pilit sakanya at tumikhim at binaling ang tingin sa pagkain ko. "...a-about sa ginawa ng kapatid ko sa'yo." kinagat ko ang panloob na balat sa labi bago inangat ang tingin sakanya. Nakatitig lang ito sa'kin na animoy hindi makuha ang ibig kong sabihin. Nakakunot ang noo niya at nakaawang ang labi ng kunti. "Alam 'kung mali ang ginawa ng kapatid ko sa'yo. Ahm...ako na humihingi ng tawad. Pasensya kana sakanya ah?" Matagal pa bago siya nakasagot bago ito tumango at kinuha ang tissue towel sa lamp niya at pinunasan ang gilid ng labi. "No. I am supposed to say sorry for what I've done to you." napayuko ako sa sinabi niya. "...I hurt you and also.....rape you." Nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa utensils. Tila bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari 'nung gabing 'yun. Kung pano ako nag-makaawa sakanya at kung pano ako umiyak. Pero bakit hindi ko man lang magawang magalit sa lalaking 'to at patuloy ko parin siyang minamahal. Kinagat ko ang labi at tinignan siya. Pilit akong ngumiti sakanya na ngayon at sumilay ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa'kin. "It's okay, Terron." "It's not okay." he answered, "...Kung kinakailangan na ipakulong mo'ko sa ginawa ko sa'yo...I'll accept it. Dapat lang talaga na makulong ako." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon sakanya. Parang tinusok ng milyong karayom ang dibdib ko. "T-Terron...." Pilit itong ngumiti at tumayo. Sinundan ko lang ang bawat galaw niya. Lumabas ito ng dining at nagpunta sa sala. Maya-maya lang at bumalik na ito at may dalang basket. Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha dahil don. "What's that?" Ngumiti siya at nilagay ang basket sa harapan ko. "Open it." Tinitigan ko pa siya bago ibinaling ang tingin sa basket na nasa harapan ko. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko ang mga itlog sa loob. "Balot?" tanong ko sakanya. "Aha!" kumuha siya ng isa at binuksan ito bago nilahad sakin. "Naalala ko kasi.....kapag nagtampo ka sakin dati ito lang ang binibigay ko at okay na tayo." hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Natigilan ako at napatulala. Hindi ko expect na naalala niya pa pala 'yun sa tagal na nun. Napangiti ako ng palihim at kinuha ang nilahad niyang balot sa'kin. Hindi ko alam kung kailan ako huling kumain nito pero para sakin namiss ko to at nakakatakam kainin. "Salamat." Sinimulan kong kainin ang balot at nilagyan ko pa ng suka para makuha ko talaga ang tamang lasa nito. Subrang sarap! "Grabi! Namiss ko 'to." masayang usal ko at nilantakan ang balot. "Hey! Take it easy. Baka mabila-s**t!" singhal nito ng mabilaukan ako. Shit! Hinampas-hampas ko ang dibdib ko at inabot ang tubig na nilahad niya. Agad ko itong nilagok para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. "I told you to take it easy. Ayan tuloy, nabilaukan ka. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo eh." pagalit niya sakin. "E' hindi ko naman alam na mabilaukan ako! Kasalan 'to ng itlog!" paninisi ko sa balot. "Psh! And now, you blame the egg." ngumuso ako at tinignan siya. "Kasalan ko ba 'yun? Tatanga kasi 'yung itlog." "Tsk! Childish!" ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. Natigilan ako dahil sa ginawa niya. Tila napansin niya ito kaya agad siyang umayos ng tayo at tumikhim. "Namiss ko 'to." mahinang usal ko sakanya. Tumitig siya sa'kin bago ngumiti. "Me either. Ha! Kung di lang ako naging masama sa'yo siguro naging masaya tayo." aniya. Tanging ngiti lang ang ginawa ko. Namiss ko ang mga bagay na ginagawa namin noon na hindi na namin nagawa ngayon. Ang bangayan, kulitan, ang away dahil lang sa maliit na bagay. Lahat ng 'yun namiss ko na at gusto ko ng balikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD