CHANGES

776 Words
Sa nagdaang araw, napapansin ko ang pagiging mabait sa'kin ni Drake na dati ko makita sakanya. Palaging siya na ang gumagawa ng gawaing bahay na kung dati ay ako ang gumagawa. "Are you hungry? I'll cook for you." he said habang may malawak na ngiti sa labi. Pansin ko rin ang pagiging maalaga niya sa'king ngayon na dati ay puro p*******t na ang natatanggap ko mula sakanya. "H-Hindi ako gutom." Nawala ang ngiti sa labi niya at bumuntong hininga siya bago umupo sa tabi ko. Mabilis akong umatras na ikinagulat niya at kalaunan ay tumango ng dahan-dahan. "You still haven't forgive me. I'll understand, Ell. Alam kong hindi madaling mapatawad mo'ko sa nagawa ko sa'yo." mahina niyang sabi. Nakayuko ito at nilalaro ang palad. Dahan-dahan akong umayos ng upo at tinignan ang kamay nito. May mga sugat doon na sanhi ata sa pagluluto niya at paglalaba. Hindi niya na kasi ako pinagtrabaho pa. Minsan kapag lalabas ako ng maaga sa kwarto ko nakikita ko siyang lumalabas ng kwarto niya at mabilis na tumungo sa kusina para magluto. Simula ng mangyari ang bagay na 'yun diko na masyadong nakakausap si Drake. Subrang naiilang parin ako sa ginawa niya sa'kin. May galit pero sa sarili ko. Kung sana sinunod ko na lang ang sinabi ni Niko na dapat kong ipaalam na sakanya kung ano talaga kami ni Niko edi sana hindi humantong sa ganun lahat. Tumayo ako at naglakad papasok sa kusina para kunin ang first aid kit at mabilis na tinungo ang sala. Nakatingin lang siya sa'kin at parang sinusuri ang bawat galaw ko. Lumuhod ako sa harapan niya at kinuha ang palad nito na marami ng sugat. "Y-You don't have to, Ell." pilit niyang kinukuha ang kamay niya sakin kaya inangat ko ang tingin ko sakanya at ngumiti. "Okay lang. Trabaho ko ang gamutin ka dahil asawa mo'ko...."yumuko ako at nagsimulang gamutin ang kamay niya."....kahit sa papel lang." Parang natigilan siya kaya inangat ko ang tingin ko sakanya. Nakatitig lang ito sa'kin at kumikibot ang bibig na parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi-sabi. "Kailan mo pala balak mag file ng annul, Drake?" tanong ko at yumuko ulit para gamutin ang kamay niya. "I-I...." Matapos kong gamutin ang sugat niya at inayos ko na ang mga gamot at nilagay sa mesa at umupo sa kaharap niyang upuan. Nakatingin ito ngayon sa kamay niya na may benda at hinihimas ito at napansin ko rin ang pasimple niyang pag-ngiti. "Masakit pa ba?" mabilis niyang inangat ang tingin sa'kin ng tanungin ko siya 'nun. "N-No. I-It feel better now." he smiled, Bakit parang di ako sanay sa Drake ngayon. Mas namimiss ko ang Drake na palagi akong sinusungitan. Ngayon kasi, parang ibang tao ang kaharap ko. Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko bago nagsalita. "About samin ni Niko....."tumikhim ako at nag-angat ng tingin. Nakatingin siya sa'kin ngayon at inaantay ang sasabihin ko. "....kapatid ko siya." Gulat ang namutawi sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Napaawang rin ang labi nito. "Alam kong di'ko na dapat sabihin 'to pero kasi...."napakamot ako sa batok ko."... dapat mo ring malaman kong sino ang mga taong importante sa'kin." "I-I don't know....." ngumiti ako sakanya. "Kasi hindi ko sinabi." tumawa ako ng mahina."....he's my brother from the father side. Unang pamilya ni Papa." "K-Kaya pala close kayo." aniya. Tumango ako. "Oo. Marami ngang nagsasabi na....kung di lang daw kami magkapatid ay baka kami ang ikinasal ngayon at hindi tayo." Hindi ko alam o guni-guni ko lang pero sumilay ang sakit sa mga mata nito na agad lang din nawala. "....Ikaw ba, Drake." "Ha?" "Anong balak mo kapag nagkahiwalay na tayo? Ako kasi....tutuparin ko ang pangarap kong makapunta ng parish at maghahanap ng mapapangasa doon." nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot at yumuko lang. "I don't know." mahina niyang usal at nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple nito. "Bakit hindi mo alam? Wala ka bang plano 'nung mga panahon na di pa tayo kasal?" umiling siya. "I have..." "Oh, talaga? Ano?" Inangat niya ang tingin sakin. Namumula ang mga mata nito kaya bahagyang kumunot ang noo ko. "To be a better husband to my wife. But I guess....I failed to be one." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumayo ito at huminga ng malalim bago ibaling ang tingin sakin. "May pupuntahan pa pala ako. Okay ka lang ba dito magisa, Ell?" matagal pa bago ako nakasagot. "H-Ha? Ah, oo. O-Okay lang ako dito." pilit akong ngumiti sakanya. "If that so.....mauna ka na lang kumain mamayang gabi. Baka kasi mahuli ako ng uwi." Hindi ako nakasagot ng maglakad na ito paakyat sa hagdan. Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina, Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD