Nick's POV Nauna ako'ng dumating sa restaurant, buti nung tumawag ako ay may available seats pa, nung time kasi na ibinigay ko ang details kay Sim dahil na on-the spot niya 'ko ay hindi pa talaga ako nakapagpa-reserved. Sakto lang naman ang dating ko, siguro maaga lang ako ng mga three minutes pero, mga ten minutes na ata ang nakalipas mula ng maupo ako. Alam 'kong hindi pa naman siya ganu'n ka-late pero parang inip na inip na ako. Excited na ko na makita siya ulit. While waiting sa kanya ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko, and when I checked. My Future: Mali-late lang po, super traffic. Oh, ayaw niya pa kasi magpasundo eh, kinulit ko pa siya tungkol diyan, para sabay sana kaming pupunta dito, pero ayaw talaga eh. 'Di bale sa mga susunod siguro, one information at a time lang