EP1. Pilot

2336 Words
Simone's POV Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa pintuan ay halos hindi na namin malaman kung ano ba ang una naming gagawin. Ang maghubad ba or maghalikan?! Dahil sa likot ng aming mga katawan habang naghahalikan ay may nasagi kaming table dito sa may sala niya na may mga nakalagay na mga display na mga babasaging item. Nalaglag ang mga 'yon at bumagsak sa sahig na siyang naging dahilan para mapatigil kami sa aming ginagawa, at naghiwalay ang aming mga labi. Akala ko ay pupulutin niya ang mga nakakalat sa sahig bagkus ay hinawi niya pa gamit ng isang kamay niya ang dalawang natitirang babasagin na figurine sa ibabaw ng table, at agad ako'ng binuhat at ini-upo niya ko du'n. Inalis niya ang lahat display sa tabletop na 'to, at ako ang ipinalit niya. "Mas bagay ka dito." Ang bulong niya pa, bago muling maglapat ang aming mga labi. How fùcking hot is that?! Since nakapili na kami ng pupwestuhan ay agad na naming sinimulan ang pagtanggal ng saplot sa aming mga katawan. Unti-unti ko ng tinatanggal ang butones sa suot niyang long polo shirt, habang siya naman ang nagtaas ng blouse ko. Itinaas ko pa ang aking dalawang kamay para mas mapadali ang ginagawa niyang paghuhubad sa akin, hanggang sa matanggal niya ito ng tuluyan. Muli namang naglapat ang aming mga labi, at balik ulit ang kamay ko sa pagtatanggal ng butones niya. Tinulungan naman niya 'ko, yung banda sa may pinakadulo ng suot niyang polo na may butones ay siya na ang nagtatanggal. Pasalubong kami na tila mga nagmamadali hanggang sa tumigil siya dahil isang butones na lamang ang natitira, at hinayaan niya na ako ang magtanggal nu'n, at ng matanggal na ang lahat ng butones ay siya na mismo ang naghubad ng suot niyang polo sa katawan niya na tila nagmamadali. Okay, pause muna... Paano nga ba kami humantong sa ganito ng lalaking bagong kakilala ko pa lang. ----- Twenty-two hours ago. There was suddenly a loud bang, kasabay nu'n ang malakas na tìbok ng aking puso, dahil ako ay nagtatago sa likod ng isang malaki at malapad na puno. Nandito kami sa isang isolated island, at hinahabol ako ng dalawang lalaki. Inutos 'yon ni Mr. Alfredo na dakpin ako, ang lalaking ka-transaksyon ko, well dahil lang naman sa nahuli nila ang ginagawa ko'ng pagmamanman. Sa kabila ng pagsusulong na maging legal ang paggamit ng màrijuàna bilang gamot, ay bawal pa din ang pagtatanim at pag-manufacture ng mga produktong cannabis sa bansa. Ang misyon ko ay kumuha ng sample ng màrijuàna, at kumuha ng picture bilang ebidensya na ang islang ito ay ginagamit nila sa pagtatanim. Nagpanggap ako bilang buyer pero ng paalis na ako, ay bigla naman may tumawag galing sa entry point ng island na dumating na ang totoong tao na supposed to be na talagang magiging ka-transact nila. Ang tanga lang ni Mr. Alfredo sa part na naka-loud speaker ang tawag kaya nalaman ko, at agad ako'ng nagmadali tumakas sa lugar na 'yon. Malamang iniwan na ko ng kasama ko sa entry point, pero hindi bale may plan B kami kung sakali man magkabulilyaso, at ngayon nga ay papunta na ko du'n kaso hinahabol na ko ng baril ng mga tauhan ni Mr. Alfredo. Napaaga ng isang araw ang dating ng totoong buyer, supposed to be ay bukas pa talaga ang totoong schedule nito, at hindi ngayon kung kailan ginagawa ko naman ang misyon ko. Gumawa lang kami ng alibi na need na namin magkaroon ng on-hand products, at isa ako sa mga bagong associate ni Mr. Franco na ngayon ay nasa pangangalaga na ng ahensya, isa sa mga big client nila. Hindi pa alam ng mga iba pang business partner ni Mr. Franco na nakikipagtulungan ito sa amin, kaya tuloy pa din ang transaksyon ng mga ito, pero mukhang nakatunog kaya inagahan din ng isang araw ang pagpunta dito. Nagawa namin paaminin si Mr. Franco kaya nagkaroon kami ng way para makapasok sa isla. Nagpanggap ako bilang new associate ni Mr. Franco, at mula sa araw na 'to ay ako na ang makikipag-transact ng business. Nagtaka pa nga si Mr. Alfredo bakit daw ang aga ko, eh bukas pa naman daw ang schedule ko, nagdahilan na lamang ako na mabilis naubos ang stock ng item at need punan para tuloy tuloy ang pagsu-supply ng demand sa clients. It supposed to be an easy mission, dadating ako ng isla, makikipag-transact at magbabayad in exchange for an items but siguro nga wala naman talagang madali sa buhay, kaya ito ako ngayon lumalaban. Nakikipagbarilan sa mga lalaking kanina pa humahabol sa akin. Susunod pa ang pagpapaputok ng mga ito ng baril, alam nila na dito ako sa likod ng puno nagtatago. "Tang-ina pre, huwag mo'ng patayin, daplisin mo lang, nakita mo naman ang ganda 'di ba? Pakinabangan muna natin bago natin tuluyan, mas maganda kung buhay pa natin titikman 'yan." "Oo nga no, miss buhay ka pa ba?" Pagkatapos ay sunod-sunod na putok ulit ng baril ang pinakawalan ng mga ito bandang pwesto ko, at rinig ko pa ang pagtawa nila na parang demonyo. Sige tumawa lang kayo sa isip isip ko. Shìt! Konting minuto na lang ay sasapit na ang dilim, kailangan ko makapunta sa pinag-usapan naming plan b pick-up area, dahil limited time lang ang meron ako, at kapag hindi ako dumating sa takdang oras ay may possibility na iwanan ako because it's part of protocol, dahil kapag hindi ako nakadating sa itinakdang oras, it means na nahuli ako or worst I'm dead. Papalubog na ang araw, at unti-unti ng nagdidilim, kailangan ko ng bilisan ang kilos ko. Baka lalo ako'ng mahirapan pumunta sa pick-up area kapag tuluyan ng dumilim. Kaya pinaputukan ko din sila ng baril. "Puta pre buhay pa nga hahahaha." Ang sabi ng isa, at kung makatawa pa ay parang demonyo, at sunod-sunod na naman ng putok ng baril ang pinakawalan ng mga ito ng may maisip ako. "Ahhhhh...." Dumaing ako ng malakas na tila nahihirapan kahit wala naman ako'ng tama. "P're mukhang natamaan mo, hahaha ayos." Nadinig ko pa ang malakas na pag-appear nila na tila nagbubunyi, bago ko marinig ang mga yapak ng mga paa nila na papunta na sa kinaroroonan ko. Nagtatawanan pa sila, habang naglalakad. Napangisi naman ako, wrong move kayo diyan mga p're, kung nagtatawanan sila it means sobrang kampante sila kaya kinuha ko ang pagkakataon, agad ako'ng humarap sa kanila. "Puta pre, buhay pa pala!" At agad silang kumaripas ng takbo pabalik dahil well... Pinaulanan ko lang naman sila ng bala, halos ubusin ko na ang bala sa hawak ko'ng baril. Nadapa pa ang isa dahil tinamaan ito sa bandang binti, at ang isa naman ay nakita ko na duguan ang balikat pero patuloy pa din sa pagtakbo. Sa lagay nilang 'yan siguro naman hindi na nila ako susundan. Agad ako'ng nagmadali at nagsimulang tumakbo ng mabilis, so far nagawa ko naman ang misyon ko. Nakakuha naman ako ng sample na nailagay ko na sa bulsa ko, at ang picture naman ay pasimple ko na din nakuhanan, gamit ang suot ko'ng wrist watch. Binilisan ko ang takbo hanggang sa makadating ako sa may dalampasigan, at agad ko'ng natanaw ang speed boat, at kumaway ako habang patuloy pa di ako sa pagtakbo pero shìt bigla na naman ako nakarinig ng sunod-sunod na loud noise mula sa likuran ko. Nang paglingon ko ay may mga kalalakihan na may bitbit na baril, nakasakay sa owner-type jeep vehicle. Shìt, malayo pa naman ito sa tantiya ko kaya nagmabilis na ko ng takbo, at malapit na din ako sa kinaroroonan ng sundo ko. Kita ko na ngumisi naman si Charlie na parang wala lang. Isa siya sa mga agent na kilala ko na masasabi ko na may maiksing pasensiya, kaya more on drop off and pick up ang ibinibigay sa kanya na responsibility, at kung minsan ay back-up kapag kailangan na kailangan na, tulad na lamang ng gagawin niya ngayon. Nakita ko na may kinuha siya pero hindi lang simpleng weapon ang nakita ko'ng hawak niya. Is that a rocket launcher? At isinampay niya ito sa may balikat niya at sinesenyasan niya ko na tumabi ako na ginawa ko naman pero para mas safe ay dumapa na lamang ako. Kitang kita ko ang mabilis na paglabas ng malaking metal na nagliliyab na mula sa loob nito, Shìt! Muntik na ko du'n ah. What a crazy woman! Nagtalunan naman ang mga lalaki na lulan ng sasakyan bago tuluyang tumama ang malaking bala na metal doon at sumabog. Nilapitan naman ako ni Charlie na parang wala lang at iniabot ang kamay niya, kinuha ko naman 'yun at tinulungan niya ko'ng tumayo. At naglakad na kami papunta sa speed boat. Relax na relax lang kami naglakad hanggang sa nakasakay na kami at pinaandar na niya ito, sa may kalagitnaan naman ng dagat ay may another kaming ka-meet up na dalawang tao na sakay din ng speed boat, sa kanila ko i-aabot ang evidence na nakuha ko. At bukod pa du'n ay may sumundo din sa amin na chopper, ibinaba na ang rope ladder, at umakyat na kaming dalawa ni Charlie. 'Yung gamit naman naming speedboat ay kinuha naman ng isang ka-meet up namin. Tinag-isahan nilang paandarin ito palayo. ------ "Cheers!" Ang sabi ni Charlie na pilit pinagtungga ang aming mga hawak na shot glass ng alak pero wala ako sa mood. Niyaya niya ko dito sa bar para mag-relax daw pero pano naman ako makakarelax kung wala na kaming trabaho. Halos mamatay na kami sa misyon na ginawa namin, tapos biglang namang naging inactive ang status namin sa org. Although binayaran naman kami ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko. Ang sabi pa tatawagan na lang daw kami, mahirap naman 'yung gano'n baka naman maghintay lang kami ng maghintay ay wala naman tumawag. "Huwag mo ng isipin 'yun pwede naman tayo bumalik sa police force kung hindi tayo matanggap." "Are you kidding me? Ayoko ng bumalik bilang police officer, bukod sa ang baba na ng sweldo ay pagod pagod pa tayo sa trabaho, atleast kapag nasa org tayo ay hawak natin ang oras natin plus per mission pa ang bayad." Ang rant ko kay Charlie. "You need to relax, look at the guy at your side, 3 o'clock." Inikot ko naman ang bar stool na inuupuan ko at pasimple ako'ng tumingin sa bandang kanan ko. Nahuli ko ang isang lalaki na nakatingin sa bandang pwesto namin pero bigla ito'ng umiwas. Natawa naman ako. Shy type si boy, pero infairness ang cute niya. Kung makikipaglaro ako ng totropahin or jojowain ay malamang jojowain agad ang sagot ko pero baka nakainom lang siguro ako kaya naisip ko ang bagay na 'to. "Kanina pa yan tingin ng tingin, lapitan mo na kaya, mag-relax ka muna, ako naman ay uuwi na, panget mo ka-inuman puro reklamo, sige bye." Ang walang pakundangan sabi sa'kin ni Charlie na akala mo ay wala ako'ng feelings na masasaktan sa pinagsasabi niya. Tignan mo siya umalis pa na hindi man lang nag-iwan ng pambayad, lumingon naman ako muli kay shy boy. Hindi ko napansin kanina may kasama pala ito'ng dalawang lalaki, at tila pilit siyang pinapatayo. Malamang pinapapunta dito sa pwesto ko, dahil wala na ko'ng kasama. Muli ako'ng humingi ng isang pang shot sa bartender, at agad tinungga ang laman. Ako na nga ang lalapit, kawawa naman, ang saad ko sa aking isipan. Naglapag ako ang pera sa bar counter at naglakad na papunta sa pwesto nila. Natahimik naman ang tatlong lalaki ng nakalapit ako sa table nila. "Hi, can I join?" Ang paalam ko pero ang dalawang lalaki ay biglang nagpaalam na aalis na, at naiwan na kami ni shy boy. "Ano'ng nangyari sa mga 'yun?" Ang tanong ko habang umupo ng pwesto paharap sa kanya. Ngayon mas malapit na ko sa kanya, ay masasabi ko na good-looking pala ito'ng si shy boy unlike sa dalawa niyang kasama na mukhang naglalaro lang ng video games sa arcade pero this man. Mali pala na tawagin ko siya'ng boy, dahil ang lakas ng appeal ng lalaking 'to. Mukhang gusto naman niya ko eh, sige na nga payag na ko makipag one-night stand sa kanya. "I'm Nicholas short for Nic, and by the way what's your name?" Ang pagpapakilala niya na tila nahihiya pa. Sige na nga for the sake of flirt code, and since nagpakilala naman siya ng maayos edi magpapakilala na din muna ako. "Sim." Ang matipid ko'ng sagot sa kanya. "Sim? As in sim card?" Ang tanong niya at natawa naman ako, hindi ko alam kung sinasadya niya ba na magpatawa or what pero natawa talaga ako. "Okay, enough of this shìt, let's go to your place." Ang sabi ko after maubos ang tawa ko, at tumayo na ako. "W-What do you mean?" Ang nagtatakang tanong niya, pero tumayo naman siya. Shìt naman talaga, tanga ba siya? Hirap naman makipag-fling sa panahon ngayon. Nakakatamad mag-explain kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang magkabilang panga niya at tsaka ko siya hinalikan. Nung una ay hindi siya nakagalaw agad pero nung naka-recover na siya at ng ma-realized niya ang gusto ko'ng mangyari ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at tila nagmamadali na makaalis kami sa lugar na ito. ----- (Back in the first scene) So, 'yun na nga gulat na gulat lang ako sa mga ikinilos niya ngayon. Masyado akong naging judgemental sa pagtawag sa kanya ng shy boy, dahil walang shy sa ginagawa niya sa akin ngayon. Isipin mo wala siyang pakiealam sa mga babasaging naka-display at ako ang pinalit niya dito sa table. Nahubad na niya ng tuluyan ang suot niyang long polo shirt, at muling naglapat ang aming mga labi. Shìt! Ang sarap din niyang humalik. Ang init ng kanyang mga labi. Habang naghahalikan kami ay naramdaman ko ang kamay niya na tinatanggal ang hook ng bra sa likuran ko, at mabilis din niya 'yung natanggal at nahubad sa akin. Kaya ngayon ay pareho na kaming mga walang saplot pang itaas. ITUTULOY......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD