Simone's POV "Huwag kang gagalaw, holdap 'to!" Ang rinig 'kong sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko habang nagbibilang ako ng pera. Shìt! Seryoso talagang mabibiktima ako ng holdap. Itinigil ko ang pagbibilang ng pera, at hindi nga ako gumalaw. "Taas ang kamay." Okay. At itinaas ko naman ang dalawang kamay ko, yung isa ay hawak ang pera at ang kabila naman ay 'yung kape na hindi ko pa mainom-inom dahil sa init. Okay, bakit parang ang tagal naman ata ng next instruction ng holdaper na 'to! Napangisi ako, sa bagal niya halatang baguhan lang siya or hindi pa sanay gumawa ng masama. "Itaas mo 'yung kamay mo!" Ang muling sigaw niya. Putang-ina, nakataas na nga kanina pa oh?! Ano'ng petsa na kuya manong?! At lalo ko pang itinaas, baka nakukulangan eh. "Humarap ka, dahan-dahan