Sim's POV "Ano'ng trip yan Nick?! Oo alam 'kong pamamahay mo 'to at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo, pero mukhang hindi ka ata nalaban ng patas!" Ang sabi ko sabay tungga ng beer at nauuhaw ako, pero hindi kayang pawiin ng beer ang uhaw na nadarama ko sa mga oras na 'to. "Huh, may laban pala tayo?! Hindi ko alam 'yun ah pero kung sakali ano surrender ka na ba?" Ang tanong niya sa akin, at pakiramdam ko ay parang umusog pa siya ng husto para lalong magdikit ang aming katawan at nanatili pa din siyang nakaakbay sa akin habang nakaupo kami. Walanjo nakahubad pa naman siya oh, kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya kaya ang ginawa ko ay inalis ko ang kamay niya mula sa pagkaka-akbay sa akin. "Bakit mo tinanggal pwede naman ang akbay ah, hindi naman sѐx 'yun ah!" Ang rekla