Uminit ang pisngi ko, agad naman akong umiwas. Natatandaan ko nga yata na may nangyaring ganun pero kasalanan din niya! Pinigilan niya kaya akong lumapit sa gutter kagabi. "Sorry then." Yumuko ako nang maramdaman ang pamumula ng pisngi. "And thank you for this," tukoy ko sa pagkain. "Apology not accepted and don't thank me. I'm starving that's why," sarcastic na sagot niya. O baka naman seryoso siya roon? But then, what do I expect? He's still Austin Cervantes. Ngumiwi ako at pinagpatuloy ang pagkain. Bahala na nga siya riyan. "Masyado ka kaseng maraming ininom," puna ni Ashley sa pagngiwi ko. It's not about the headache, it's about this great man beside me. "Sinabi naman kaseng huwag nang gawin." "Okay naman, ha? Perfect nga. Napaalis niya iyong babae," sabi naman ni Joie. Nagkatingi