"Ganyan ba talaga 'yan?" sigaw ni Nicole. Sumasayaw sila pero hindi ko man lang magawang gumalaw. Kung hindi pa ako nabubunggo ng iilan ay baka nanatili akong nakatayo rito. "Uy tulala ka! Selos ka ba?" Siniko pa ako ni Joie kaya lalo akong nainis. "Bakit naman ako magseselos?" sigaw ko dahil nalulunod ng maingay na music ang boses ko. "Nakakainis lang na sa isang tulad n'ya napunta ang first kiss ko." "At kung hindi s'ya ganyan? Hahabulin mo para panagutan ka? Ganun ba 'yun?" nag ngising aso si Nicole. Mas lalo naman akong nahilo dahil sa pag irap ko sa kanilang tatlo. Sabayan pa na sadya nila akong binubunggo. "Kung ganun, let's have a deal. A bitchy deal." ngumiwi ako sa binulong ni Nicole. Nakapaikot kaming apat habang sumasayaw. Basa na rin kami tulad ng iba. No choice ako kundi a