Chapter 3: Low-Class

1447 Words
THE man's eyes are the color of midnight storms—deep, enigmatic pools that hold secrets and stories. They flicker with intelligence, as if he knows things beyond the ordinary. His hair, like everything else about him, is a masterpiece—a blend of rugged masculinity and refined elegance. There was also a hint of stubble graces in his jaw, giving him a rugged yet sophisticated appearance. Para bang kakabalik lang niya mula sa isang mapangahas na pakikipagsapalaran. “Oh, sh*t! Brant, there’s a lot of mosquitos here.” Napakurap ako at napilas ang tingin mula sa lalaki at nabaling doon sa babaeng biglang lumabas mula sa lagusan kung saan kami dumaan ni Amaiah kanina. Agad din na umangkla ang babae sa braso ng lalaking tinawag nitong Brant habang panay pa rin ang pagrereklamo. Agad na nangunot ang noo ko. The woman looks familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita— “Oh, damn!” Hindi ko napigil ang pagmumura nang maalala ko na kung saan ko nakita ang babae. Hindi rin ako maaaring magkamali. It’s Kelly Tanaka! Ang babaeng ipinakilala sa kaniya ni Steven na best friend nito, pero ang totoo matagal na palang may relasyon ang dalawa. Nalaman ko lang ang kawalanghiyaan nilang dalawa nang sinugod ko si Steven sa apartment niya matapos kong makabalik mula sa cruise ship tour na iyon. Naabutan ko silang dalawa sa kuwarto ni Steven na magkapatong at parehong walang mga saplot sa katawan. Naningkit ang mga mata ko sa galit na biglang umahon sa dibdib ko. "A-Alis na tayo, Ate..." garalgal ang boses na sabi ni Amaiah, kaya nilingon ko siya. Nakita ko agad ang sakit sa mga mata ng kapatid ko habang nakatingin kay Kelly at sa lalaking yakap-yakap ng higad. Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kapatid at sa dalawang taong tinitingnan niya. Napamura ako nang may mapagtanto. "Iyan ba ang asawa mo?" tanong ko kay Amaiah para kumpirmahin ang hinala ko. Hindi ito sumagot at hinawakan lang niya ako sa braso. "Tara na lang, Ate..." naiiyak na sabi niya. “Sagutin mo ako, Amaiah. Iyan bang lalaking ‘yan ang asawa mo?” muling tanong ko sa kaniya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, siguro para pigilan na maiyak at tumango. Muli akong napamura at lalong umusok ang ilong ko sa galit. “Ate, tayo na…” nakikiusap na sabi niya sa akin pero nagmatigas ako. Why would I? May atraso sa akin ang babaeng haliparot na kasama ng asawa niya, kaya hindi kami aalis dito hangga't hindi ko magawa ang gusto kong gawin sa babaeng higad na ‘yan. "Hindi." Mariing sabi ko. "Mabuti nga at narito ang higad na 'yan at nang maihulog ko siya d'yan sa talon." Hindi ko na talaga ma-control ang galit ko. "Ate, ano'ng gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Amaiah sa akin. Tila ba hindi niya narinig ang huling sinabi ko. "Wait me here, at kahit na anong mangyari, 'wag kang lalabas dito." Bilin ko sa kaniya. "Ate, ano ba ang gagawin mo? Hayaan mo na sila. Hiwalay na rin naman kami ni Brant." Muli akong napamura. Aalis na sana ako para sugurin ang mga ito nang muli akong hawakan ni Amaiah sa braso. "Hindi mo sila kilala, pero bakit galit na galit—" Umiling ako at ngumisi na ikinatigil naman niya sa pagsasalita. “You’re wrong my dear. I know that b***h! Iyang babaeng iyan ang kinakalantari ng ex kong gago. At ngayon, ang asawa mo naman ang inaahas niya." Suminghap siya. Natakpan pa niya ng mga kamay ang bibig. "Kaya humanda ang babaeng iyan at ihulog ko iyan dito sa falls." sabi ko at mabilis kong tinalunton ang daan papunta sa kung saan naroon ang babae at ang mga kasamahan nito. Hindi ko na nga inisip ang kalagayan ko. Galit ako. At walang makakapigil ngayon sa galit ko sa hitad na ‘to. Nadaanan ko pa ang mga kasamahan niya pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang ang mga mata ay nakasentro sa likod ng babaeng hitad. “You freak’n b***h!” sigaw ko, nang tuluyan na akong makalapit kay Kelly. Bago pa man ito makakilos ay hinablot ko na ang medyo may kahabaan niyang buhok at malakas na hinila papunta sa gilid ng talon. Napahiyaw siya. Pero wala akong pakialam kahit nakakuha agad iyon sa atensyon ng ibang taong nandito. “Get of me, you b***h!” Sa payat ng katawan niya ay hindi man lang ako nahirapan. Hindi rin naman nakakilos ang lalaking kalaguyo niya at nakatingin lang sa kanila. Pati ang mga kasama nila ay hindi rin nakakilos at manghang nakatingin lang sa ginawa ko kay Kelly. Mabuti naman. Dahil kung may mangingialam man isa sa kanila ay isusunod ko rin sa paghulog dito. “Oh, s**t! No!” malakas na sigaw ni Kelly nang walang pag-alinlangan ko siyang itinulak sa talon. Umalingawngaw ang matinis nitong tili sa buong lugar bago tuluyang nahulog sa tubig. Matagal din bago ito lumitaw sa tubig mula sa pagkakalubog nito. Napangisi ako. Serve you right, leech! Kulang pa nga iyan. “Brant, help me!” sigaw ng higad, habang nagpapasag at nagpupumilit na makaahon. Nilingon ko ang lalaki. Matalim ko siyang tiningnan. Pero nagulat ako sa ginawa niya at namilog pa ang mga mata ko. Tinulak ba naman niya si Sebastian. “F**k you, Paterson!” inis na sigaw naman ng lalaki. Naningkit naman ang mga mata ko nang agad yumapos si Kelly kay Sebastian. Umiiyak, nanginginig sa takot. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng awa rito. “Why did you do that?” tanong ni Brant sa akin, kaya muli ko siyang nilingon. Mas lalo lang sumiklab ang galit ko. Lalo na at naaalala ko naman ang sakit na nakita ko kanina sa mukha ni Amaiah habang nakatingin sa kaniya habang hinahayaang parang sawa ang babae nito na nakalingkis sa braso niya. “Ikaw? Ang galing mo rin, noh? Matapos mong paasahin ang kapatid ko sa letseng I like you mo, bigla mo na lang siyang iniwan sa ere at hiniwalayan.” Hindi ko na napigilan ang bibig ko. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Wala yatang ideya kung sino ako. Magsasalita na sana siya nang tuluyan ng nakaahon si Kelly. “You witch!” sigaw niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot. “What? You want to hit me?” nang-aasar na sabi ko sa kaniya. Akmang susugurin na sana niya ako nang mabilis naman siyang nahawakan ni Sebastian. May sinabi pa ang lalaki kay Kelly na hindi ko naman maintindihan dahil sinabi nito iyon sa ibang lengguwahe. Pero kung pagbabasehan ko ang hitsura ngayon ng lalaki, alam kong galit ito. At nang mag-angat ito ng tingin sa akin, ang talim ng mga mata nito ay parang kutsilyo iyon na handa akong sugatan. Muntik pa akong mapaatras sa dilim ng hitsura nito. Napalunok ako at agad na iniwas ang tingin dito at ibinaling ko na lang kay Kelly. May pang-uuyam ko naman itong nginitian. Para itong basang sisiw sa hitsura nito ngayon. “Let’s go, Kelly.” Sabi ni Brant dito at agad na hinila paalis ng lugar. Sinundan ko na lang sila ng tingin. Anong nakita ng lalaking ‘yon sa higad na iyon? Kung ikukumpara ko ang higad na iyon sa kapatid ko, mas maganda naman ang kapatid ko. Hindi nga kami mayaman pero mas may finesse naman ang kapatid ko sa hitad na iyon. “Are you one of Paterson’s bitches?” Biglang tanong ni Sebastian sa akin. Natigilan ako. So marami pang babae ang lalaking 'yon bukod sa higad na kasa-kasama nito ngayon? Naningkit ang mga matang nilingon ko siya at handa na sanang sigawan. Pero agad naman akong natigilan nang makita ko ang hitsura niya. Wala na itong pang-itaas na saplot. Nahubad na niya ang puting long sleeve na suot. Tumutulo sa malapad nitong balikat ang tubig mula sa buhok nito. Shit. Kinunot ko ang noo at pilit ibinalik ang tingin sa mukha ng lalaki bago pa man dumako sa ibabang parte ng katawan nito. "Anong sinabi mo?" "I asked you, if you're one of Paterson's bitches." Hindi man lang nagbago ang madilim nitong hitsura at ang talim ng mga mata nitong nakatingin pa rin sa akin. What the hell! Do I look like one? Kung sabagay, galit na galit ko ba namang sinugod ang hitad na iyon na para bang babaeng nakita ang asawa na may kayakap na iba. Mapakla akong natawa. "Tsk. What a low-class bitch." he said, and I froze. At bago pa man ako nakapagsalita ay tinalikuran na ako nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD