Chapter 15

1731 Words

LIANE "Ate!!!! Gising! May tao sa labas at hinahanap ka!" malakas na sigaw ni Denver sa labas ng kwarto namin. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulog, tinakpan ko pa ng unan ang mukha ko para hindi maistorbo! "ATE! NANDYAN SI KUYA DANIEL! MAY LAKAD DAW KAYO KAYA GUMISING KA NA! KUNG HINDI KA TATAYO DYAN S'YA ANG PAGIGISINGIN KO SA IYO!" malakas ulit na sigaw ni Denver kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga! "ANG INGAY INGAY, DENVER! NATUTULOG IYONG TAO! ANO BANG KINAKAPUTOK NG BUTCHI MO!" balik kong sigaw sa kan'ya at tinignan s'ya nang masamang masama. "Kako e, nandyan si Kuya Daniel.. may lakad daw kayo kaya naman tumayo ka na d'yan." mahinahon niyang saad at doon lang nag sink in sa akin ang sinabi n'ya kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at tinignan ung oras! 8am!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD