[ JONATHAN POV ] Nang hinatid namin ang kapatid ko sa bahay nila ay hindi muna kami umalis, nilagyan namin siya ng audio device nang hindi niya nalalaman. Pinapakinggan namin sa sasakyan kung anong nangyayari sa kanya simula ng pumasok siya sa bahay nila. "Saan ka galing? sino yung nag hatid sayo??" Rinig namin na sabi ng asawa niya "Kaya ba lagi kang umaalis ng bahay? nakikipag landian ka kung kani-kanino!!!! at nagpahatid ka pa talaga dito sa mismong bahay ko!!!!" Kinakabahan ako para kay Ziane, baka saktan na naman siya, hindi namin siya naririnig na nagsalita. puro kalabog lang ang maririnig mo. "Red tama na please, maawa ka kay Ziane." "Red tama na, maawa ka sa anak mo, buntis si Ziane." "Reeddd si Ziane, may dugo ang ulo niyaaa." Gusto kung sumugod sa loob ng marinig namin n