Fast forward: 2 weeks [ 3rd PERSON POV ] Kasalukuyan naghahanda sila Red at manang para sa pag uwi ni Ziane, pinayagan na kasi siyang umuwi. Sa dalawang linggo na pananatili nito sa hospital ay masasabi na bumuti naman kahit paano ito, bagamat paminsan-minsan sinusumpong pa din ito at lagi parin tulala at hindi makausap, ganon pa din ang reaksyon niya kapag si Red ang lumalapit sa kanya, takot pa din ito sa kanyang asawa. "Lets go" Aya ni Red kay Ziane kasama si manang na naka-alalay dito, inilagay muna ni Red ang mga bag sa likod ng sasakyan bago pinagbuksan ng pinto si Ziane at manang, nang makapasok na ang dalawa ay agad na nag tungo ito sa driver seat at pinaandar na nito ang kanyang sasakyan. Ilang minuto lang ay agad silang nakarating sa kanilang bahay, sinalubong sila ng kanil