Chapter Five

1451 Words
[ ZIANE POV ] Gumising ako ng maaga para gawin ang mga kailangan kong gawin, magpapaka misis muna ako kay Red, nag tungo ako sa kusina para ipag luto siya ng almusal. "Oh ija! ang aga mo atang gumising?" pambungad na tanong sakin ni manang Ruby. "Opo manang ipagluluto ko po si Red." pagkasabi ko kay manang nun ay nag umpisa nadin siyang mag asikaso. "Ouccchh~" "Oh anong nangyari sayo, ikaw talagang bata ka." kinuha ni manang ang kamay kong nahiwa ng kutsilyo at hinugasan sa lababo. "Mag ingat ka kasi ija." "Sorry po manang, excited lang hehehe." "Sandali dito ka lang ha." umalis si manang at naiwan ako mag-isa, ipinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko. "Akina ang kamay mo Ziane." kinuha ni manag ang kamay ko at ginamot ito. "Salamat po manang." babalik na sana ako sa pag luluto ko pero pinigilan niya ako, hinila niya ang mga braso ko. "Ija.. ano tong mga to?" kinabahan ako sa tanong sakin ni manang, nakita niya kasi ang mga pasa ko sa braso. "Ahh ito po? wala po ito, tumama lang po sa pinto." Maniwala ka manang, maniwala ka. "Ikaw talaga, sa susunod mag iingat ka ha." "Opo manang." Pagtapos ng mahabang kwentuhan namin ay na tapos nadin ako sa mga niluto ko, inayos ko na ito sa mesa at tinakpan muna. Umakyat ako sa aming kwarto para plantsahin ang damit na susuotin ng asawa ko nang matapos ko na ay inihanger ko ito at isinabit sa aparador, naligo ako at nag bihis bago ko gisingin si Red, 6:00 am pa lang naman. Ginising ko na si Red para makapag ayos na siya. "Red.. Red gising na may pasok ka pa." Nagising naman siya sa pag yugyog ko sa katawan nya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Di ba sabi ko wag mo kong papakialaman!!!" inis na bulyaw niya sabay tulak niya sa akin. "Sorry.. Bumaba kana, nag luto na ko ng almusal." pagkasabi ko ay bumaba na siya kaya sumunod nadin ako sa kanya, tahimik akong sumusunod sa kanya habang iniinda ang braso kung may malaking pasa na tumama na naman sa gilid ng table, buti nalang hindi ito kita dahil sa suot ko. Umupo si Red sa kanyang upuan at nag simula na itong kumain, ngunit bigla niya din itong iniluwa at tumingin sa akin ng masama, tumayo siya at marahas niya na naman akong hinawakan sa braso, napadaing ako sa ginawa niya dahil yung pasa ko ang hinahawakan nya. "Papatayin mo ba ko sa mga niluto mo ha!!!" inis na sabi niya sa akin. "Bakit hindi mo ba nagustuhan?" "Sinong gugustuhin kainin ang gantong lasa ha???" "Sorry.. iluluto nalang ulit kita, ano bang gusto mo?" "Wag na, lumayas ka sa harap ko, wala ka talagang kwenta!." pagkasabi niya nun ay itinulak na naman niya ako. "Manang iluto mo ko almusal, maliligo lang ako." "Ikaw kainin mo yang niluto mo." sabi niya sa akin bago ito umalis at umakyat sa kwarto namin, wala na kung nagawa kung hindi kainin ang mga iniluto ko sa kanya, Oo nga di ko siya masisisi hindi talaga ako marunong magluto, di bale pag-aaralan ko yun para sa asawa ko. Pag tapos ko kainin lahat ng pagkain na niluto ko ay agad na akong umakyat sa taas, tinatawag kasi ako ni Red, pagkapasok ko ay agad niyang ibinato sa akin ang suit niya. "Ano tong ginawa mo sa damit ko???" "Bakit? plinantsa ko lang naman ang susuotin mo, yun ang sabi mo diba???" "F*ck Ziane!! sinunog mo ang damit ko." "Hindi naman halata Red eh, sorry.." "Wala kana talagang ginawang tama." napayuko naman ako sa sinabi niya. "Lumayas ka na, pumasok kana, at wag kang mag kukwento sa trabaho about sa atin, maliwanag??" tumango ako sa sinabi niya sabay kuha sa bag ko at umalis na sa kwarto namin. Pumasok ako sa trabaho ko, nag punta muna ako sa C.R dahil naiihi ako, buti na lang walang tao. "Uy girl, ngayon na daw papasok si Ziane ah." "Oo alam ko, pati si boss ngayon na din." "Grabe di ko talaga akalain magagawa ni Ziane yun." "Korek girl!!! napaka amo ng mukha tapos may kalandian din pa lang tinatago." Rinig kung chismisan ng mga ka work ko pag pasok nila ng C.R, Hindi ako kumilos para hindi nila alam na andito ako. "Sayang talaga sila ni Jessica no? bet na bet ko pa naman sila." "True girl!!! ang perfect nila no?, kaso lang wala eh malandi talaga si Ziane eh." Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko, lumabas ako ng cubicle nung umalis na sila, bumuntong hininga muna ako bago lumabas at pumunta sa work place ko. Paglabas ko ng elevetor ay nag bulungan naman ang mga ka trabaho ko .. mapa lalaki man o babae kaya payuko akong nag lakad pa punta sa table ko. "Hoy bruha." napadaing ako sa hampas ni Mela sa akin kaya kumunot ang kilay niya sa naging reaksyon ko. "Bakit anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong niya habang chine-check ang braso ko kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Loka!! wala no!." "Ok ka lang ba? nako wag mong pansinin ang mga yan, inggit lang yan sayo." "Ano ka ba! ok lang ako no." Nag kwentuhan lang kami ni Mela ng kung ano-ano. "Grabe talaga no! mukhang mabait pero may tinatagong kalandian" "Kapal ng mukha no? ang bait ng kapatid niya sa kanya, pero inahas niya pa din yung lalaking dapat na pakakasalan niya!" "Wala eh.. mayaman si boss hahaha" "HOY!!! hindi ko alam kung nagbubulungan kayo o talagang nagpaparanig kayo eh!! Anong problema niyo ha??? gusto niyong makatikim?" inis na sabi ni Mela sa mga ka work namin, tinarayan lang nila si Mela at nagsibalikan na sa kanilang mga trabaho dahil dumating na si Red. Dumaan sa harap ko si Red ng di ako nililingon kaya yumuko na lang ako at bumalik sa ginagawa ko, umalis na rin si Mela para mag trabaho. Lumipas ang oras at nag uwian na kami, pumasok ako ng elevator pagbaba ng next floor ay bumukas ulit ito at pumasok si ate Jessica, tinignan niya lang ako sabay talikod sa akin. "Ate" tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin. Bumukas ang elevator at lumabas siya ng hindi ako nililingon kaya hinayaan ko na lang at lumabas na rin ako para umuwi. Habang nag aabang ako ng masasakyan ay dumaan sa harap ko ang kotse ni Red pero hindi niya ako hinintuan at patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakarating ako ng bahay ngunit wala pa rin ang sasakyan ni Red. "Manang wala pa ba si Red?" "Wala pa ija, hindi ba kayo sabay umuwi?" "Hindi po manang eh, sige po akyat muna ko." Umakyat ako sa kwarto namin para mag palit ng pambahay, nang matapos ako ay agad akong bumama para ihanda si Red ng dinner. "Manang, ano pong paborito ni Red?" tanong ko kay manang Ruby. "Ay bakit ija? ipag luluto mo ulit sya?" "Opo sana eh." "Carbonara ang paborito niya, oh! paano din muna ko sa kwarto ko ha, ikaw na munang bahala dito may tatapusin lang akong gawain." "Sige po manang salamat." pag alis ni manang ay nag umpisa na akong mag luto ng carbona, nang matapos na ako sa pagluluto ay siya namang dating ni manang kasabay si Red. "Anjan ka na pala Red, kumain kana, pinagluto kita ng paborito mo." tinignan naman niya ang iniluto ko, hinila ko siya at pinaupo sa upuan niya tsaka siya pinaghain. "Ano na naman ba tong ginawa mo? anong lasa to ha?? napaka alat" tinikman ko naman ang carbonarang niluto ko. "Hindi naman masyado Red, sakto lang naman eh." "Anong sakto jan ha??? ayoko niyan, baka mamaya nilagyan mo pa yan ng kung ano, gaya ng nilagay mo sa wine." "Sige ano ang gusto mo ilu--..." "Wala!!! at wag ka na magluto nagsasayang ka lang ng pagkain!! kainin mo yang ginawa mo at wag kang mag titira, kapag nalaman kong tinapon mo yan malilintikan ka sa akin. Manang wag niyo papakainin yang babaeng yan ng kahit ano maliban jan sa niluto nya!!! kapag nalaman ko yan manang pati kayo malilintikan din sa akin, may CCTV ako imomonitor ko kayo." "Wag mo nang idamay si manang, wag ka magalala uubusin ko yan." pagkasabi ko nun ay umakyat na si Red. "Ija, umamin ka nga sa akin!! ano bang nangyari at bakit ganyan ang trato sayo ni Red, matagal na rin kasi akong nagtataka kung bakit biglaan ang kasal nyo." pag uusisa ni manang, wala na rin naman akong mapagsasabihan ng mga hinanakit ko kaya sinabi ko kay manang ang lahat-lahat, naging maluwag ang paghinga ko kahit paano ng may nasabihan ako ng problema ko, buti na lang nandito si manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD