Kabanata 37 Reasons How can something be defined as too much? When it hurst too much the pain starts to feel numb? When too much happiness hurts big time? As song once said, too much love will kill you, and maybe it’s f*****g true because that’s how I felt when Levi decided to make it official. Akala ko ay iyon na ang official proposal niya sa ospital, mayroon pa pala. “Ganiyan lang ang suot mo?” Tanong sa’kin ni Rafa nang makalabas ako mula sa kwarto ng unit ko. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay puro kalat ang nakita ko dahil nag-aayos na rin silang dalawa. Tiningnan ko ang sarili ko mula sa malaking salamin. Napasulyap pa ako kay Yerim na nakataas ang kilay habang nakatingin sa’kin. Sigurado akong may sasabihin na namang hindi maganda ang babaeng ito. “Nakakadiri naman ‘yan