Kabanata 28 Fam I remember many times how I wanted a complete family. Ayos lang kung hindi ganoon kalaki ang bahay, basta masaya at kumpletong pamilya. Sino bang may ayaw ng ganoon? Everybody wants that but not until my father passed away when I was still in high school. Nabangga siya ng isang kotse at hanggang ngayon, ni hindi naming nalaman kung sino ang nakabangga sa kaniya. It was hit and run and I’m one of the witness how he fought back just to survive. He wanted to survive. Gusto pa niyang mabuhay pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng taong bumangga sa kaniya. Kung hindi lang sana siya nawala, buo pa sana kami hanggang ngayon. Makikilala pa sana ni Ria ang lolo’t lola niya. Now, the only thing I have is insecurities na hindi ko alam kung paano ko aalisin sa sistema ko. “C