Kabanata 33 Overheard The other day was so hard to analyze for me. I can’t even focus on the taping of the movie dahil okupado ang isip ko ng mga nalaman ko mula kay Jaxon. Gusto kong tanungin si Levi tungkol sa bagay na ‘yon ngunit ayokong sirain kung ano ang nangyayari ngayon. Ayoko nang magkasira muli kami pero hindi ko maiwasang isipin nab aka alam niya. Na baka isa sa mga rason niya kung bakit niya ako nilapitan. Guilt trip kung baga. Kung ganoon ang sistema ay hindi ko na alam kung paano ko pa dadalhin ito. “Ayos ka lang ba? You’ve been preoccupied since that day you talked to Jaxon. Ano bang sinabi niya sa’yo?” Rafaella asked me one morning before we head to the farm. Doon kasi gaganapin ang next scene ng movie. ‘Yong oras kung saan naligaw ang bida at napadpad sa kubo na iyon.