TAPAT
WRITTEN BY: @sigianako
Kahit Ano Pa Ang Aking Pag Iingat
Na Ang Relasyon Natin Ay Di Mag Kalamat
Pag May Isang Hindi Naging Tapat
Maaaring Mauwi Tayo Sa Salamat Sa Lahat
Hindi Ko Naman Hinihiling Na Lagi Mong Sabihin Ang Totoo
Pero Sana Ikonsidera Mo Ang Nararamdaman Ko
Minamahal Kita Ng Buo
Kaya Sana Indi Mo Ako Niloloko
Hiling Ko’y Ika’y Maging Tapat Sa Akin
Para Hindi Gaanong Masakit Sa Damdamin
Kung Darating Man Ang Araw Na Iyong Sasabihin
Nakahanap Ka Ng Mas Better Pa Sakin
Mabuti Ng Ako’y Iyong Tapatin
Kung Tapat Ka Pa Ba Sa Akin?
O Kung Meron Ng Ibang Umaangkin
Ng Iyong Puso’t Damdamin
At Kung Mapunta Man Tayo Sa Puntong “ Salamat Sa Lahat”
Dahil Nag Karoon Na Ng Lamat
Aking Pang Ipag Papasalamat
Na Minsa’y Ikay Naging Tapat
TANGGAP KO NA
WRITTEN BY: @sigianako
Nagsimula Tayo Sa Asaran
Hanggang Sa Naging Magkaibigan
Pero Ngayon Umaasa Ako Sa Malabong Pag-Iibigan
Dahil Ang Puso Mo Ay Sa Iba Nakalaan
Kay Hirap Tanggapin Na Wala Ika'y Hindi Magiging Akin
Dahil Isa Lang Akong Matalik Na Kaibigan Sa Iyong Paningin
Kay Tagal Ko Nang Dinarasal Na Sanay Mapansin
Ngunit Bale Wala Sayo Ang Aking Pag Tingin
Tuwing Kayo Ay May Away Ako Ang Nilalapitan
Tuwing May Di Pagkakaintindihan Ako Ang Sinasandalan
Ngunit Pag Kayo Ay Masaya Ako'y Nakakalimutan
At Balewala Nanaman Sayo Ang Nag Punas Sa Yong Matang Luhaan
Pag Nakikita Kitang Nasasaktan
Naiinis Ako Ng Isipin Na Sya Ang Dahilan Medyo Malabo Nga Yata Ang Mundo Binasura Ng Iba Nag Syang Pinapangarap Ko
Minsan Naiisip Pano Kung Higit Sa Pagkakaibigan Ang Relasyon Nating Dalawa
Tratuhing Mo Din Kaya Ako Tulad Ng Pag Trato Mo Sa Kanya
Makita Ko Kaya Ang Parehong Ngiti Mo Uwing Sya Ang Iyong Kasama
Malaman At Mapansin Mo Kaya Ang Tunay Kong Halaga
Pero Ok Na. Tanggap Ko Nang Kaibigan Lang Ako Sayo
Tanggap Ko Nang Hindi Magiging Tayo Tanggap Ko Nang Hindi Magiging Ako
Ang Nagmamay-Ari At Laman Ng Puso Mo
Marupok
WRITTEN BY: @sigianako
Marupok Daw Ako
Bakit? Dahil Ba Hindi Ko Sya Kayang Tiisin
Bakit? Dahil Ba Paulit Ulit Akong Umiiyak Dahil Sa Kanya
Bakit? Dahil Ba Sya Pa Rin Kahit Masakit Na
Sorry Kung Marupok Ako
At Umaasang Maibabalik Pa Ang Dating Tayo
Kahit Maliit Na Ang Tyansa Nito
Dahil Masaya Kana Sa Bago Mo
Hindi Ko Mapigilan Ang Aking Damdamin
Na Sa Iyo’y Sabik Parin
Mahirap Man Para Sa Akin
Ito Ay Kailangan Kong Tanggapin
Kung Kasalanan Man Ang Karupukan
Inyo Na Akong Hatulan
Tatanggapin Ako Ang Kaparusahan
Kahit Ako’y Masaktan
Sa Huling Pag Kakataon Gusto Kong Malaman Mo Na Mahal Kita
Kahit Na May Mahal Ka Ng Iba
Indi Ko Pinag Sisisihan Ang Aking Karupukan
Dahil Yun Kaya Kong Panindigan Di Tulad Mo Bigla Na Lang Nang Iiwan
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Bayan
WRITTEN BY: @sigianako
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Bayan
Isang Gas Gas Na Kasabihan
Na May Malaking Magagawa Para Sa Kinabukasan
At Bilang Kabataan Kailangan Ko Itong Patunayan
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Bayan
Ngunit Nasaan Ang Iyong Kabataan
Yung Iba Nasa Kulungan,
Yung Iba Nasa Kani-Kanilang Tahanan
Aalaga Ng Batang Maagang Lumabas Sa Kanilang Sinapupunan At,
Yung Iba Nasa Paaralan Ngunit Tila Walang Naiintindihan
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Kalikasan
Na Tuluyang Nasisira Dahil Sa Ating Kagagawan
Ano Pa Ang Aabutan Ng Susunod Na Henerasyon
Mundong Madumi At Puno Ng Polusyon?
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Sanlibutan
Sanlibutang Malaya, Tahimik At Ligtas Sa Digmaan
Sanlibutang May Pagkakaisa At Magandang Samahan
Sanlibutang Mag Aangat Sa Lahat Ng Bayan
Ang Kabataan Ang Pag Asa Ng Bayan Kalikasan At Sanlibutan
Halina't Kumilos At Patunayan Na Ang Pagaasa Ng Kinabukasan
Kung Hindi Tayo Kikilos Ngayon Ay Kailan
Kung Hindi Tayo Aaksyon Ay Sino Ang Aasahan
Ang Kabataan Ang Bayan
Isang Gasgas Na Kasabihan
Na May Malaking Magagawa Sa Kinabukasan
“Sana Bukas Ako Naman”
WRITTEN BY: @sigianako
Naranasan Mo Na Ba Ang Ikumpara Sa Iba
Naranasan Mo Na Ba Na Hindi Ikaw Yung Pinili Kahit Ikaw Yung Laging Nasa Tabi Nya
Naranasan Mo Na Bang Mapasabing Sana Bukas Ako Naman
Ako Naman Ang Mahalin Nila At Pahalagahan
Ang Sakit Lang Ikinukumara Ka Sa Iba Lalo Na Ng Sarili Mong Pamilya
Minsan Mapapaisip Ka Kung Kaya Mo Pa Ba
Kung Kaya Mo Pa Bang Tanggapin Ang Pag Kukumpara Na Minsa’y May Kasama Pang Panghuhusga
Panghuhusgang Galing Sa Ibang Tao Na Hindi Naman Alam Ang Totoo Mong Pagkatao
“Pasensya Na Pero Sya Pa Rin Talaga”
Ang Sakit Marinig Nito Mula Sa Taong Biniyan Mo Ng Pagasa Ng Panahong Wasak Na Wasak Sya
Mapapaisip Ka Na Lang Ng Sana Ako Na Lang Sya Yung Mahal At Binibigyan Nya Ng Halaga
Pero Teka Manhid Ba Talaga Sya Kasi Hindi Nya Maramdaman Na Mahal Ko Sya
Sana Bukas Ako Naman
Ako Naman Yung Iingatan At Pahahalagahan
Ako Naman Yung Ipagmalaki Na “Anak Ko Yan”
Sana Bukas Ako Naman
Ako Naman Yung Mamahalin At Irerespeto
Ako Naman Yung Sasabihan Ng Salamat Dumating Ka Sa Buhay Ko
DEAR KUPIDO
WRITTEN BY: @sigianako
Hirap Nahirap Ako Ngayon Sa Pag Babayad Ng Utang Na Ginastos Ko Sa Date Namin Tas Iba Lang Sya Mapupunta At Hindi Sa Akin
Hoyy Kupido Malabo Ba Ang Iyong Paningin
Ohh Gusto Mo Lang Akong Asarin
Pinaranas Mo Saakin Ang Masarap Na Pakiramdam Ng Mahalin
Tapos Bigla Mong Babawain
At Sasabihing Hindi Sya Ang Para Sa Akin
Kupido Pinag Lalaruan Mo Ba Ang Aking Damdamin
Sana Sa Susunod Na Akoy Papanaiin Mo Ng Iyong Palaso
Ang Mahanap Koy Pag Ibig Na Totoo
Yung Tapat At Seryoso
At Yung Pang Matagalan Sana Yung Request Ko
Kaso Kung Indi Mo Ibibigay Ok Lang Din Naman
Atleast Ngayon Alam Ko Nang Mali Ang Aking Minahal At Saakin Ay May Ibang Nakalaan
Salamat Na Din Kupido At Akoy Natuto Sa Iyong Mga Panloloko
Hiling Kolang Maramdaman Mo Din Yung Sakit Nanaramdaman Ko
Para Sabay Tayong Matuto