Personal maid

1047 Words
Ehsay Ehsay pakidala naman tong kape kay sir Avans sa kwarto niya. Taposin ko lang tong niluluto ko” “Okay ate kulot” “Ehsayyy” Sigaw ni ate Maya at nagmadali akong makaalis nang kusina. Inis na inis siya tuwing tinatawag ko si ate Maya nang kulot kaya lalo akong natutuwa na asarin siya. “Mayron akong nakita, hindi ko sasabihin, pag pinilit mo ako sasabihin ko na rin” Pakanta kanta pa siya habang paakyat sa silid ng amo niya. “Sabi ni Tandang Avans tawagin ko siyang kuya. Kuya tanda mas bagay sa kanya. Paano ko naman makakalimotan ang nakita ko kagabi kung pati sa panaginip ko nakikita ko pa rin ‘yon” “Bakit ba ko kinakabahan?” Nakailang katok na siya sa pintoan nang amo niya hindi pa din eto binubuksan. Nang subokan kung pihitin ang doorknob hindi eto naka lock kaya dumiretso na akong pumasok sa loob nang silid ni tandang Avans. “Sir… Tandang Avans nandito na po ang kape n’yo” Ilalapag na sana niya ang kape sa ibabaw nang maliit na mesa sa tabi nang kama ng biglang bumukas ang pintoan nang banyo. Alam niyang banyo iyon dahil siya naglilinis nang buong silid nang amo nila noon hanggang ngayon. “Ay patola mong malaki” Gulat na gulat ako nang makita ko si tandang Avans na lumabas nang banyo na walang kahit na anong saplot. Sinundan ko pa ang pag patak nang tubig mula sa dibdib niya hanggang sa mga abs niya at natulala na ako nang makita ko ang patola niyang mahaba, malaki at mataba. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakakita nang ano nang isang lalake. “Lahat ba nang lalake ganyan kalake?” naisatinig ko ang nasa isip ko na nagpagulat kay tandang Avans na walang kamalay malay na nasa loob ako nang silid niya. “What are you doing here?” Gusto kung matawa sa natatarantang kilos ni tandang Avans. Tinakpan agad nito ang bandang baba niya gamit ang towel na pinang-pupunas niya sa buhok niya kanina. “Wala naman akong nakita. Ang liit naman niyan” pang aasar niya dito. Gustong gusto niya laging asarin ang mga kasama niya sa bahay na eto dahil pikonin lahat na ikinatutuwa niya. “What did you say?” “Sabi ko eto na po ang kape n’yo” “Bakit ikaw nagdala nang kape ko. Baka nilagyan mo na naman nang kung ano yan” “Grabe ka naman Kuya Avans na malaki ang patola hindi ko naman na ulit gagawin ‘yon baka parusahan mo ako. Ayaw ko mapalo sa pwèt” Napatulala siya dito nang tumawa eto nang malakas na halos mapaluha na sa pagtawa. Napatitig na naman siya sa katawan nito. Ngayon lang siya nakakita nang katawan nang lalake na hubad baro na napakagandang tingnan. Lumapit siya dito at hinawakan ang bandang puson ni tandang Avans. Natigil sa pagtawa si sir Avans at napakagat nang pang ibabang labi nito. “Lahat ba nang lalake may ganito?” “What are you doing Ehsay?” Sigaw nito sa kanya at inalis ang kamay niya sa puson nito. “Bakit ka ba naninigaw? Hinawakan ko lang naman yang tiyan mo kasi kakaiba tapos ang tigas. Ngayon lang ako nakakita nang ganyan. Kasi yong mga nakikita ko sa palengke na mga lalake na walang pang itaas malalaki ang tiyan nila ang sa’yo kakaiba” Nang sulyapan niya ang mukha ni tandang Avans pulang pula eto at nakatitig sa kanya. “Bakit ganyan ka makatingin? Hindi ko po nilagyan nang asin yang kape mo Kuya Avans. Napag-utosan lang ako ni ate Maya na dalhin yan sa’yo. Sige po at magdidilig pa ako nang halaman” Tumalikod na siya at nagmartsa patungo sa pintoan nang bigla siya nitong tinawag. “Ehsay wait. Hintayin mo ako sandali magbibihis lang ako” “Ano naman kaya ang ipaguutos ni tandang Avans” bulong niya. “Ano ang itinawag mo sa akin?” Akala niya nakapasok na eto sa loob ng napakalaki nitong walk-in closet na double ang laki sa kubo niya sa probinsiya. “Sabi ko po Kuya Avans hihintayin ko po kayo dito” “Sa sunod na marinig ko pang tinawag mo akong tandang Avans paparusahan kita Ehsay” sambit nito at nginisian siya bago pumasok na sa walk-in closet. Bigla siyang natakot sa sinabi nito. Ayaw niyang mapalo sa pwèt ang laki pa naman nang kamay nito. Habang naghihintay siya na matapos magbihis si Avans naisipan niyang mag tungo sa balkonahe na lagi niyang tinatambayan noon pagkatapos niyang maglinis nang silid na eto. Napapikit siya nang mata nang malanghap niya ang sariwang hangin. Makikita mula rito ang magandang garden at malaking swimming pool. “Ang ganda talaga dito. Nakaka alis nang pagod” Napalingon siya nang may tumikhim sa likoran niya at pag tingin niya nakabihis na ang amo niya. Naka short lang eto at isang puting t-shirt. Mukha talaga etong modelo sa magazine na pinakita sa kanya ni Aling Bebang noon. “Am I looking good?” “Mag tagalog ka na lang sir malapit na dumugo ang ilong ko” Tumawa na naman eto sa sinabi niya. Nagtataka na talaga siya sa amo nila. Noon laging sinasabi nang mga kasama niya na lagi daw masungit at hindi ngumingiti ang amo nila. Bakit puro kabaliktaran naman ang mga pinapakita nito sa kanya. “Bakit ka po ba sir tawa nang tawa sa mga sinasabi ko wala naman nakakatawa” “I told you to call me Kuya” “Okay Kuya Avans. Madali naman akong kausap. Ano po ba ang sasabihin n’yo?” “Hindi pa ba nasabi sa’yo ni Nanay Cora na pagaaralin kita at ikaw ang magiging personal maid ko. Bukas sasamahan kita sa paaralan para makapag enroll ka” “Talaga Kuya Avans makakapag aral na ulit ako?” Sa sobrang saya niya niyakap niya eto nang mahigpit. “Sa wakas makakapagaral na ulit ako. Maraming salamat Kuya” Bumitaw siya nang yakap dito at nang sulyapan niya eto namumula ang pisngi at tainga at ilang beses na napalunok. Binalewala na lang niya dahil sa sobrang saya niya na makakapagaral na siyang muli. Kahit habang buhay siyang maging personal maid nito ayos lang dahil habang buhay siyang magpapasalamat kay Avans.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD