How do you win a motorcycle race?
Tatlong bagay muna ang kailangan mong isaalang-alang. Unang-una sa lahat, kailangan ay mayroon kang motorsiklo. Pangalawa, sanay kang magmaneho nito. Pangatlo, mayroong ibang motorsiklong makikipagunahan sa ‘yo.
I already bought a black standard-type motorcycle that has a sexy and sleek look. It’s well built, well designed, and of great value – a perfect fit for my taste. Of course, I learned how to ride a motorcycle and got my driver’s license para naman magamit ko ang binili ko. At ngayong nagawa ko na ang una at pangalawa sa criteria, ‘yong pangatlo na lang ang problema. Paano’y mukhang wala namang dumadaang mga motor dito sa kalsadang napili kong puntahan.
Riding my motorcycle on the road, I could feel a combination of excitement and fear. Nagkaroon pa ako ng sense of vulnerability nang daanan ako ng ilang kotse at malalaking truck. Para bang sobrang exposed ako. Kaya naman bahagya akong nagpahuli para hindi ko sila makasabay.
Nasa byahe ako ngayon kahit wala naman talaga akong destinasyon kung tutuusin. Hindi ko rin ito maituturing na road trip. Dahil ang gusto ko lang naman talaga ay ma-check ang isa sa mga items sa bucket list na hawak ko at iyon ay ang manalo sa isang motorcycle race.
Dahil nakailang balik na rin ako sa parehong kalsada at ngayon ay naging maluwag na naman ito, naisipan kong baka dapat ay maghanap na ‘ko ng ibang lugar. Baka kasi wala talagang dumadaang motor dito at nagsasayang lang ako ng pagod at oras. Bawat segundo pa naman ng buhay ko ngayon ay mahalaga. Higit sa lahat, ayokong maabutan ng paglubog ng araw dito sa labas.
And just when I was already planning to turn left, I heard the powerful vroom of a fast approaching motorcycle. Syempre’y agad akong nabuhayan ng loob. Titingnan ko pa nga lang sana ito, nang sa isang kurap ko lang, nagawa na ako nitong lagpasan!
I felt an adrenaline rush. Lalo na nang makita kong may kasunod pa itong dalawang motor! Mukhang sinuswerte naman ako ngayong araw.
“First item on the bucket list, here we go!”
Ang goal ko lang ay malagpasan ‘yong nangungunang motor para masabi kong nanalo ako. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko. Animo naka-fast forward, pinabilis ko ang takbo ng motor ko at hindi inalis ang tingin sa mga motor na target kong unahan.
With my desire to overtake, the growl of my motorcycle’s engine became even more aggressive. Pinagpapawisan na ako ng malamig kahit na ang lakas ng tama ng hangin sa exposed kong balat. Siguro’y dahil bukod sa helmet, naka-all black ako: nakasuot ako ng gloves, leather jacket, at boots dahil inihanda ko talaga ang sarili sa karerang ito.
Who said women are poor drivers? Kahit hindi pa ako eksperto sa pagmamaneho ng motor, nagawa kong unahan ‘yong pangatlo at pangalawang motor! And now I was left with the winning motorcycle that’s only a few feet away from me.
To be honest, I’ve never felt this alive before. Iba’t iba ang sensasyong dala ng pakikipagkarera ko sakay ng motorsiklo. Pakiramdam ko ngayon ay para akong nakalaya. Kaya nga kung kanina’y may reservation pa ako, ngayon ay walang takot kong dinoble ang bilis ng motor ko. I have now reached the point where I could feel the thunderous roar of the engine on my whole body.
Suddenly, it felt like I have full control of my life. At balak ko na sanang mag overtake nang bigla siyang mag change lane kaya muntik ko na siyang mabangga. Sa pag-iwas ko’y bahagya akong gumewang kaya nagimbal ako. Muntik na ‘kong mawala sa balanse! Halata namang balak kong mag overtake kaya mukhang sinadya niyang harangan ang dadaanan ko!
What an arrogant asshole!
Now, it was really a race! Kinain ng inis, hindi ako nagpadala sa takot at muling sumubok na lagpasan ang nangungunang motor. Kahit na mas binilisan niya ang takbo niya, hinigitan ko pa ang bilis niyang ito. Hindi ako nagpasindak nang may mga makasalubong kaming ibang sasakyan sa kalsada. Sa pagkakataong ito’y binuhos ko ang lahat ko para malagpasan siya, bahala na kung anong mangyari pagkatapos.
Hindi man sigurado’y sumingit ako sa pagitan ng dalawang malaking truck dahil sa paraang ito’y mauuna na ako!
And taking a risk was definitely worth it! Sobrang saya ko nang sa wakas ay nalagpasan ko rin ang nangungunang motorsiklo! Ramdam ko ang pagbilis na kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang excitement. Kaya naman kinailangan ko munang itabi ang motor ko para makahinga nang mas maayos.
Ang bilis ng paghinga, napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang paninikip nito. I was already expecting this to happen pero iba pa rin pala talaga sa pakiramdam kapag nangyayari na.
At nang akala ko’y tapos na ang karera, hindi ko inasahang susundan pa rin pala ako nung lalaking sakay ng nangungunang motor na pilit kong nilagpasan. Inihinto nito ang motor ‘di kalayuan. Nagtanggal siya agad ng suot na helmet bago bumaba at naglakad papalapit sa akin. Laking gulat ko nang makita kung sino ito--
“Tangina! Anong trip mo?!” umuusok ang ilong niya nang tumayo sa tabi ko. Umangat naman ang isang dulo ng labi ko dahil wala pa rin siyang pinagbago.
He’s PJ – the hot-tempered Paul James Valderrama. Kababata ko siya at bunso sa magkakapatid na Valderrama. Ang pamilya niya’y kaibigan ng pamilya ko dahil naging magkapitbahay kami noon. Hindi nga lang ako sigurado kung natatandaan pa rin ba niya ako dahil ilang taon na ang nakalipas noong huli kaming nagkita.
“Kung may problema ka, ‘wag kang mandamay ng ibang tao!” sigaw pa nito mukhang nagalit talaga siya sa ginawa ko.
Hindi pa niya nakikita kung sino ako dahil sa suot kong helmet. Marahil ‘di rin niya alam na babae ako dahil sa porma ko. The PJ I know can be really dense at times. At mukhang pinangungunahan na naman siya ng kanyang galit kaya bigla niya akong hinawakan sa braso at pilit na pinababa sa motor.
Kung ibang tao ang kaharap niya’y baka natakot na sa kanya. Pero muntik lang akong matawa dahil basang-basa ko na siya. I knew he would react this way because his defeat hurts his pride. At mas lalo pa itong titindi oras na malaman niyang babae ang nakatalo sa kanya.
Kaya naman imbes na gawin ang gusto niya, I remembered the rule of thumb someone once taught me as self-defense. I rotated my wrist toward his thumb and when my arm was finally under his, I pulled my arm as strongly as I can. Kaya naman napalaya ko agad ang braso ko. Dito’y nabigyan naman ako ng pagkakataon to do an open hand strike to his throat bago pa man siya muling makapagsalita.
He groaned so hard that I felt bad in an instant. Nakalapit na rin ang iba pa niyang mga kasama na balak pa sanang rumesbak kung hindi ko pa inalis ang suot kong helmet bilang simbolo ng pagsuko.
“Iaree?!” gulat na gulat na bulalas ni Kuya MJ habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Maging si Kuya TJ ay mukhang nasurpresang makita ako. Bumaba naman ako ng motor para mas makaharap sila nang maayos. “Damn! You were fast!”
“Thanks! Few weeks of driving classes lang ‘yan!” proud kong sinabi na sinabayan ko pa ng pag-bow nang pumalakpak sila. Aakalain mo talagang nanalo ako ng malaking award.
“How are you? It’s been so long since we last saw you,” si Kuya TJ naman ang nagsalita.
“Ayos naman. Ito, maganda pa rin,” biro ko na nagpatawa sa kanilang dalawa.
Napunta naman ang tingin ko kay PJ na ngayon ay mukhang naka-recover na sa ginawa ko at masama na lang ang tingin sa akin.
“Grabe! Parang nung huling kita namin sa ‘yo baby ka pa lang!” komento ni Kuya MJ, halatang ‘di pa rin makapaniwala sa nakikita. ‘Di ko tuloy alam kung panget o magandang bagay ba ang reaksyon niya sa ‘kin.
“OA naman ‘yung baby! I was already in high school back then!” Iyon naman talaga ang tanda ko. Mga bata pa kami noon pero hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
“You’re a full-grown woman now! Pwede na siyang ligawan ngayon, PJ!” sabi ni Kuya MJ na ‘di ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin pero lumawak ang ngiti sa labi ko. Alam kong nagiging mabait lang sila sa akin dahil ang tagal na noong huli kaming nagkita. Pero sinakyan ko na lang ito dahil natutuwa rin naman akong makipagkulitan.
Pinalis ko papalikod ang buhok ko and batted my eyelashes when I faced PJ. Nagpa-cute ako pero mas sumama lang ang timpla ng kanyang mukha.
“You’re just a little sister,” mariing sagot ni PJ na kahit kailan ay sobrang kill joy.
Kaya naman agad ko siyang nilapitan hanggang sa ilang dipa na lang ang layo namin sa isa’t isa. Ramdam ang matinding tensyon, tumingkayad ako para magkalapit ang mukha namin. Ang laki naman kasi ng height difference namin kaya hanggang balikat lang niya ‘ko.
“Kahit ganito ka-close?” tanong ko pa at muling binukas-sara ang mga mata.
Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ko. Para bang may kakaiba siyang pilit gustong obserbahan dito kaya medyo na-intimidate ako.
“Uy! Kahit ganyan daw ka-close?” singit ni Kuya MJ na halatang nagpipigil ng tawa.
At nang akala ko’y tatalab na ang charm ko kay PJ ay tyaka siya nagsalita.
“Ah. Mukha ka pa ring siopao.” Nalaglag ng panga ko sa tinuran niya! Ang lakas tuloy ng halakhak ng kanyang mga kapatid na unti-unting nagpasibangot sa akin.
“Nagsalita naman ang siomai!” walang kwenta kong balik sa kanya sabay irap sa kawalan. Kahit kailan ay wala talagang lumalabas na maganda sa bibig nito.
Hindi naman kasi siya mabiro! Of course, he’s just a brother to me. They all are. Para na kaya kaming magkakapatid kahit ‘di man magkadugo.
Magsasalita pa sana ako nang talikuran niya kami. Wala na siyang iba pang sinabi at iniwan na lang ako kasama ng dalawa niyang kapatid. Bumalik siya sa kanyang motor at nakita ko na lang nang paandarin niya ito papalayo sa amin.
“You should visit us sometime,” sabi naman ni Kuya TJ na umagaw ng atensyon ko.
“Oo nga! Ang dami naming gustong malaman kaya lang kailangan na rin naming umalis!” si Kuya MJ naman ito.
“Tulad ng…?” tanong ko dahil mukhang curious na curious nga siya sa maraming bagay.
Nagkatinginan sila sandali bago muling nagsalita si Kuya MJ.
“How’s your heart?” He asked, this time in a serious tone.
May kirot akong naramdaman pero hindi ako nagpadala rito. Ngumiti lang ako bago nagsalita.
“Sadly, the old one got tired so I had to get rid of it. Now, I have a new heart.”
Mukhang nabigla sila sa sagot ko pero hindi ko ito pinagmukhang malaking bagay. It is what it is. Umawang ang labi ni Kuya TJ at halatang magsasalita sana nang mapansin kong palubog na ang araw. Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil dito.
I hate sunsets.
“See you again soon. K-Kailangan ko nang umalis,” nautal pa ‘ko nang magsalita at mabilis na bumalik sa motor ko. Hindi ko na inintindi pa kung anong sinasabi nila at nagmamadaling umalis.
I could feel my heart beating so fast. Sometimes, my heartbeat scares me – other times, it makes me realize that I’m still alive.
More than everything else, ang iniisip ko lang ngayon ay ‘yong bucket list na kailangan kong kumpletuhin.
Win a motorcycle race… check!
Mukhang mahaba-haba pa ang listahan ko.