PROLOGUE

166 Words
Sana nga, totoo ang wishlist na ito nang gumanda naman ang buhay niya. Matapos magsulat ay inilipat niya ang pahina dahil iyon ang nakasaad sa baba ng notebook. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa at bigla naibagsak niya ang notebook ng wishlist. Anong...? Mabilis siyang napatayo habang nakatingin pa rin sa notebook. Kahit anong pagpikit at mulat ang gawin niya, hindi pa rin nagbabago ang nakasulat dito. Totoo ba ito o nanaginip lang siya? Napalingon siyang muli sa kurtina dahil dinig pa rin niya ang sigawan sa labas ng kaniyang kuwarto. Napahinga siya nang malalim bago dinampot ang notebook at ballpen. Basta na lang ipinasok sa bag ni Rick at inihagis kung saan. Kalokohan lang 'yan! Baka may nakasulat na talaga sa kabilang pahina. Pangtrip sa kaniya ni Rick. Tama, ganoon nga iyon! Nahiga siya at itinakip ang isang unan sa mukha. Kahit medyo may amoy na ang unan wala siyang pakialam. Mabawasan lang ang ingay na naririnig niya at nang makatulog naman siya. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD