Chapter 12

1024 Words

    ***   Nang makarating si Janice sa pre-school kanina, pagkakarga pa lang niya kay Sasha ay naramdaman na niya ang napakainit nitong katawan. Idiniretso na niya ito sa ospital. Sa mga ganitong pagkakataon ay kinakain talaga siya ng labis na pagkatakot. Bumabalik kasi sa alaala niya na noong sanggol pa ang anak-anakan, muntik na rin itong mawala sa kanila.   At iyon ang pinakakinakatakutan niya. Hindi na niya yata makakayanan kapag nangyari 'yon.   Nakaupo na siya sa gilid ng kamang kinahihigaan ng bata, na ayon naman sa doktor ay kailangan lang ng pahinga. Napasapo na lang siya sa mukha, kasunod ng pag-usal ng pasasalamat.   "Huwag ka nang mag-alala, okay naman na siya. Pababa na nga ang lagnat niya," pahayag ni Teacher Bert na kasalukuyan ay kasama niya. Sumama na lang sigur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD