HUMUGOT ako ng maraming lakas at marahas kong tinapik ang pagkakahawak n’ya sa aking panga. “L-Let me go!” Tinulak ko pa ang malapad n’yang dibdib para mapa-layo ako sa kan’ya. Saglit kong hinimas-himas ang panga ko habang nilulunok ko ang pagdadagungdong ng aking puso.
Tinititigan n’ya ako sa walang awang tingin na tila kayang-kaya n’ya rin ako barilin sa ulo ngayon kagaya ng aking nasaksihan kung paano n’ya kinuha ang buhay ni Douglas. My mind telling me to run but my body couldn’t move any muscle again. Mas inintindi ko pa ang panganngatog ng aking mga tuhod.
Dalawang beses kong nilunok ang aking sariling laway. I bit my lower lip para matigil na ang panginginig ng aking mga labi. Inisip kong huwag munang balikan ang brutal na senaryong ginawa n’ya kay Douglas. “P-Please… maawa po kayo… gusto ko na pong umuwi…”
Ginawa ko ang lahat para maipagdikit ko ang nanginginig kong mga palad. Dahan-dahan ko iyong kiniskis sa kan’yang harapan habang diretso ko s’yang tinitigan sa walang kabuhay-buhay n’yang mga mata. I used my facial expression para maka-likha ng nakaka-awang emos’yon pero imbes na masilayan ko man lang na maawa s’ya sa ‘kin…
Mas tumalim lang ang kan’yang tingin. “No. You are already mine, Angel. From now on, this is your world. You cannot go outside of these gates. If you don’t want to get eaten by my pet… don’t try to escape,” mariing tugon n’ya sa ‘kin na ikinahinto ng mundo ko.
Anong klaseng impyerno itong pinasok ko? I was supposed to get married pero bakit binaril ng taong ito na halang ang kaluluwa ang kan’yang anak? I wouldn’t be able to see my family again?
Si mama… at si Anghelita…
“S-Sir…” Hindi ako nag-dalawang isip para lumuhod sa kan’yang harapan. Kahit may naiwang dugo sa sahig, ginawa ko pa rin iyon. I rubbed my both palms again habang tinitingala s’ya. “S-Sir… maawa naman po kayo. May pamilya po ako. Naghihintay sila sa ‘kin… kung ano man ‘tong nakita ko ngayon, hindi ko po kayo isusumbong sa mga pulis but please… parang awa n’yo na… pauwiin n’yo na po ako!”
At dahan-dahan n’ya akong binabaan na tingin. Pinagmasdan n’ya ako na tila pinapapahiwatig sa kan’yang nagyeyelong mga mata na isa akong mababang uri ng nilalang na kaya n’yang apak-akapakan. “It doesn’t matter if you will report it to authorities. Hindi ka puwedeng umalis, Angel. Pagmamayari na kita.” Umugong ang matigas at malalim n’yang boses sa buong silid lalong-lalo na sa aking mga tainga. Doon na ulit uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko.
I don’t want to stay here. Natatakot ako. Ngayon lang ako naka-saksi ng malagim na kamatayan ng isang tao. This man, he is so ruthless. Paano n’ya nasikmura patayin ang tinuring n’yang anak? “S-Sir magaalala po ang mga magulang ko—“
Pinigilan ko muna ang pagsasalita pati na rin ang aking pag-hinga dahil bigla n’yang inangat ang kanan n’yang paa. Napa-yuko ako. Kasabay sa pagdaloy ng aking luha ang pag-tulo ng mga pawis ko pababa sa aking mukha.
Ang akala ko ay sisipain n’ya ako pero naramdaman ko na lang ang dulo ng kan’yang suot na leather shoes sa aking panga. Pinatingala n’ya ulit ako gamit iyon.
“Do you want to know why I killed that dog?” Mukhang si Douglas ang tinutukoy n'ya.
Mabilis ko s’yang tinanguan. “He keeps doing dirty work. Kagaya ng aking sinabi, walang mangyayaring kasal. Plano kang gagahasain. Not just that… he will kill you, Angel. Douglas will film everything to sell the clip on the black market.” Dahan-dahang naningkit ang kan’yang mga mata.
Imbes na dire-diretso ang aking pag-hinga, umutal-utal iyon dahil sa bilis na pintig ng dibdib ko. “He will record you. Kung paano n’ya lapastanganin ang iyong katawan."
Nanumbalik ang panginginig ng bibig ko. "Like..." Dahan-dahan n'yang pinasalpok ang makakapal na mga kilay. "Gigilitan n’ya ang iyong leeg.”
Mariin kong kinagat ang ibabang parte ng aking labi na’ng bumaba ang dulo ng sapatos n’ya sa leeg ko. “Until he will cut your head…”
Pumikit ako ng mariin. Naramdaman kong bumababa pa iyon. “He will slice your breasts like a steak…”
Pigil-hiningang napa-singhap na'ng mahina n’yang tinulak ang aking dibdib. “He will take your eyeballs and preserve them in his jars of collection.”
Napa-hawak na ako sa sarili kong bibig at halos maduduwal na ako sa mga binabanggit n’ya sa ‘kin. I was imagining the things he was saying. “He will sell your internal organs as well.”
My ears couldn’t take it. Bumaliktad ang sikmura ko. Napa-tukod ang kabila kong kamay sa madugong sahig. “You didn’t come here to seize your happy ending. Ngayong nasa teritoryo na kita, hindi ka na makakabalik sa iyong pinaggalingan.”
Gusto kong sumuka pero wala naman akong isusuka. I was breathing so hard. Tagaktak pa rin ang aking mga pawis. “Tuso si Douglas, Angel. He even used my money to pay your twenty million debt. That is why, hindi ako papayag na walang kapalit iyon.”
Napansin kong dahan-dahan n’ya akong pinantayan habang pinipigilan ko pa ring masuka. Pinako ko ang aking tingin sa sahig na nandoon naka-bulaga ang dugo ni Douglas. “I decided, ikaw ang magbibigay sa akin ng tagapagmana. I wanted an heir. I don’t want Douglas to inherit my riches. We are not sharing the same blood even a single drop. I just adopted him. I was 19 and he was 12 before. I thought, karapat-dapat s’yang mamuno pag-dating ng panahon subalit, mali ako. Sa una lang s’ya magaling. Kung saan pa s’ya tumanda, doon n’ya pa sinira ang aking tiwala. His dirty deeds ruined his image. Nais kong magkaroon ng supling na nananalaytay sa ugat ang aking dugo. Do you understand me?” Hindi ko s’ya sinalubong ng tingin. I was just trembling in fear.
“Huwag mo s’yang paghinayangan, Angel. Walang ginawa si Douglas kundi pumatay ng mga sibilyan na walang kaukulang pahintulot galing sa akin. He has to pay for his sins. I killed him. Noon ko pa nais paslangin ang barumbadong iyon ngunit binibigyan ko lang s’ya ng pagkakataon. And now, he was planning to do it again. You should thank me for saving you from torture and death.” He suddenly held my chin using his right hand again. Dahan-dahan n’yang inangat ang aking ulo na ikanatagpo ng aming mga mata.
Hindi ko magawang matitigan s'ya ng matagal. Nababalutan s'ya ng masama at negatibong inerhiya. His demonic aura is too much.
“Pinauna ko na s’ya sa impyerno ngunit, baka gusto mong sumama sa kan'ya?” Mabilis kong iniling ang aking ulo kahit nanginginig pa iyon. Bahagyang kumurba ang kaliwang gilid ng kan’yang labi. Gumapang ang paninindig ng aking mga balahibo mula batok hanggang sa aking likod.
“Well then, stop crying.” Patulak n’yang binitawan ang aking baba at biglang tumayo.
Tinalikuran n’ya ako. Napa-hawak ako sa aking dibdib at marahan ko iyong hinimas para kumalma.
Baka patayin n’ya talaga ako kapag iiyak-iyak pa ako rito. Ang hirap pigilan dahil takot na takot ako. Bumuga ako ng hangin ng paulit-ulit.
Nagkakamali s’yang pinaghihinayangan ko ang Douglas na iyon. Sumpain s’ya. Kaya pala ang sama ng kutob ko sa kan’ya kahit ang bait-bait n’ya sa ‘kin. Iyon pala, ipapahamak n’ya ako?! Pero hindi ko papasalamatan ang Kruger na ‘to! Hindi n’ya dapat pinatay si Douglas sa harapan ko! He could have killed him na hindi ko nasaksihan! Ngayon pa lang, nararamdaman kong parang ma-t-trauma ako sa nakita ko.
Bumaha ng dugo sa sahig. Hanggang ngayon, nakikita ko pa. Nabahiran na rin ang aking mukha, damit at mga tuhod. “Don’t worry, Angel. Once the child will be born, you are free. Lalayas ka lang sa lugar na ito kapag nailuwal mo na ang aking magiging anak.” Unti-unti kong inangat ang aking ulo.
Narinig kong nag-sindi s’ya ng lighter. Ilang saglit lang, may nakita akong usok na lumutang sa ere. “B-Bakit po ako, Sir? M-Marami naman pong babaeng mas karapat-dapat kaysa sa akin—“
“You owe me twenty million. Walang sinumang babaeng may malaking utang sa akin, Angel. Ikaw lamang. The agreement is clear. Hindi ka maaring umalis hangga’t hindi mo mabibigay sa akin ang tagapagmana.” Halos dudugo na ang lower lip ko sa diin ng aking pagkakakagat. “You can call your family subalit, may mga bagay kang hindi puwedeng sabihin. Your tongue will dig your own grave.”
“My slaves will take care of you.”
Nabigla ako dahil may mabibilis na mga yapak. Parang pasulong ang mga 'yon sa ‘kin. Na’ng lumingon ako, biglang pumasok ang tatlong babaeng naka-maid in uniform. Huminto sila sa kinaroroonan ko at tinulugan akong tumayo.
“Dress her properly. I WANT HER IN MY ROOM TONIGHT.”