[DIANNE'S P.O.V.] "OH, MY GOSH!" Halos mamuti na yata ang mata ko sa taas dahil sa pag-ikot ng eyeballs ko dahil sa lukring na babaing naghamon ng away sa amin dalawa ng bestfriend ko. Nakakasira ng araw. "Bakit mo naman pinaalis agad yung baliw na babae sana pinagtulungan muna natin." Sabi ni Ally. Inirapan ko siya pagkatapos muli kong tinuon ang pansin ko sa daan. Ako kasi ang nagmamaneho at nakisakay lang si Ally. "Gustong ko nga siyang kalbuhin kanina kaya lang baka malaman nila Mommy at kuya mapagalitan pa ako." "Sana niyaya mo ng suntukan sa labas ng coffee shop niyo." Tinaas pa ni Ally ang kamay niya sa dash board ng kotse ko. Kampanteng-kampante itong sa kinauupuan niya habang abala ang bibig niya sa pag nguya ng chewing gum. "Anong palagay mo sa'kin siga ng tondo? My gosh!