[COBY’S P.O.V.] “ROMINA?!” Gulat na gulat ako nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Isang ngiti ang ginawad niya sa’kin. “Hello! My ex.” Mabilis kong pinasadahan si Romina ng tingin. Si Romina ay ang dating ex-girlfriend ko noong ako ay nasa high school. Isa siya sa mga babaing pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa pinapasukan kong paaralan. Maganda si Romina. Mistisa at maliit ang mukha niya na may kulo-kulot ang buhok na abot hanggang bewang niya. Kulay gray ang mata na lalong bumagay sa itsura niya. Pure blood filipino si Romina sadya lang iba ang kulay ng kanyang mga mata. 5’5 ang height ngunit palagi pa rin itong nakasuot na may two inches ang taas ng takong. Para siyang modelo kung titingnan dahil kahit akong isuot nito babagay sa kanya. Gayumpanan iniwan ko ito dahil sa isang m