[DIANNE'S P.O.V]
"DIANNEEE!!"
umaalingawngaw na sigaw ng Mommy ko na nagmumula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin abala ako sa katitingin ng mukha ko sa salamin habang in-aura ang best smile ko na gagawin sa school. Nakasuot ako ng school uniform ng SPIA, sinuklay ko ang mahaba at shiny beatiful hair na pinarebound ko lang noong isang araw. May panipis na lipstick rin akong nilagay sa labi ko, konting blush on at face powder para mas lalo akong maging Dyosa.
"Dianne! Hindi ka pa lalabas diyan gigibain ko ang kwarto mo!" Sigaw ni Mommy sa'kin.
"I'm coming, i'll brush my hair mom." Sagot ko. Hindi ko inisip ang world war ll na galit sa'kin ni Mommy, busy pa rin ako sa pag-aayos ng sarili. Sayang naman ang paggising ko ng alas kwatro kung hindi ko aayusin ang sarili ko mgayon.
"Sampung beses mo ng sinabi 'yan! Ilang maids na ba ang tumawag sa'yo." Parang serenang sigaw ni Mommy.
I smile as in sweet smile. I don't stress my precious day dahil sa nagger kong Mommy. Ayokong magka wrinkles, ayokong magka-pimples. Baka hindi ako magustuhan ng one and only love ko sa school.
"Hindi ka pa ba lalabas diyan?!"
Huminto ako at pinaikot ko ang eyeballs ko sa sinabi ni Mommy. Hindi naman niya makikita ang pag-irap ko sa kanya ngayon.
"Lalabas na po!" Inis kong kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng kama ko ngunit bago pa iyon sumulyap muli ako sa salamin.
Maganda sana si Mommy kung hindi magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Nakapameywang pa siya.
"Good morning mommy!" Ngiti kong bati sa kanya. Baliwala sa'kin ang galit niya na halos gusto akong isako.
"Mabuti lumabas ka pa ng kwarto mo!"
"Ha? Joke lang po ba iyon na sinabi niyong lumabas ako? Mommy naman hindi mo ako agad sinabi na joke pala iyon."
"DIANNE!"
"Bye! I love you mommy!" Nagmadali na akong tumakbo palabas ng mansiyon baka kasi mapikon na si mommy sa'kin at sabunutan ako. Eksakto namang hinihintay na ako ng driver namin para ihatid ako sa pagpasok, wala pa kasi ako sa tamang edad para magdrive, si kuya Daniel pa lang ang allowed na mag drive. Sa katunayan binili siya ng kotse ni mommy worth three million. Dalawa lang kasi kaming magkapatid at si kuya Daniel ang panganay isa siyang chef at kaya naman madalas kapag nasa pilipinas siya tinuruan niya akong magluto which is hate na hate ko kaya lang wala akong choice dahil kapag hindi ako sumunod putol ang allowance ko.
SAINT PAUL INTERNATIONAL ACADEMY ang school na pinapasukan ko, sabi ng ibang taga labas, taga-labas means poorita. School raw ito ng mga Royal blood hindi royal blood na literal. Sinabi lang nilang royal blood dahil sa sobrang mahal ng tuition fee rito. Hindi siya kakayanin kung ang trabaho ng magulang mo ay isang tindera or factory worker. Sosyal as in sossy talaga sa school na ito. Well, sulit naman ang binabayad namin dahil aircon lahat ang bawat room as in kahit sobrang init sa labas hindi mo mararamdaman dahil sa lamig sa loob. Tapos ang canteen ay hindi pala cafeteria kasi sosyal. Well, ang table nila ay makapal na salamin and full airconditioner din. You can use your atm card para pambayad or credit card, lahat ng gusto mong kainin nandito na sa malaki at malawak na cafeteria.
"Senyorita Dianne, nandito na po tayo." Sabi ng driver namin.
Nang sumilip ako sa labas ng binatana napansin ko ang mga low class of creature na nakaabang sa labas ng school. Low class creature ang tawag ko sa mga estudyanteng gustong mapansin ng mga Goddess and God na estudyante like me.
"Teka lang!" Kinuha ko muna ang salamin ko at tiningnan ko ang sarili ko bago lumabas ng school. "Kuya Jugs, buksan mo na po ang pintuan." Utos ko sa driver namin.
Agad namang tumalima ang driver namin. Binuksan niya ang pintuan ng kotse ko. Pagbungad ko pa lang narinig ko ang mga estudyanteng lalaki na tinatawag ako.
"Goddess Dianne!"
"Dianne my love!"
"Good morning Babe"
Iyan ang madalas kong naririnig sa kanila sa tuwing dumarating ako sa school. Tumayo ako sa harapan nila at binigyan ko sila ng napakatamis na ngiti. "Good morning every one."
Halos himatayin ang iba sa kanila sa sinabi ko. Kahit super layo ng level ng standard ng itsura ko sa kanila or kahit mukhang gorilya pa ang bumati sa'kin hindi ko sila tinatarayan basta maganda ang sasabihin nila sa'kin.
"Napaka-arte panget naman!"
Nagbago ang reaksiyon ng mukha ko nang may marinig akong hindi ko gustong salita. Kusang tumaas ang kilay ko at hinanap ko ang nagsalita. Nang makilala ko ang nagsalita isang babaeng estudyante na may tahi ang gilagid ang malakas na loob na nagsalita ng bad words sa'kin. Umiindayog pa ang pwet ko habang papalapit sa kanya at walang sabi-sabi ko siyang sinampal.
"Don't say bad words girl!" Sabay pihit ko patalikod sa kanya.
Napahawak ang babae sa mukha niya dahil sa pagkagulat.
"Lagot ka girl reresbakan ka ng bestfriend niya." Naririnig kong sabi ng isa sa estudyante.
Huminga ako ng malalim. Bawal masira ang magandang araw ko. Sayang ang gandang inipon ko ngayon.
"Smile ka lang Dianne. Smile! Smile!" Sabi ko sa sarili ko.
Badinosa ako at taas ang noo akong naglalakad papuntang school namin. Kahit matagal ang ginugugol ko sa pag-aayos sa sarili maaga pa rin akong pumapasok sa school. Feeling ko kasi kapag nahuli akong pumasok tatamarin na ako.
"Good morning!" Bati ko sa mga kaklase ko.
Ngumiti sila sa'kin at binati rin ako ng Good morning.
Pagkalapag ko ng gamit ko agad akong nagtext sa bestfriend ko. Ngunit bago ko pa mai-send ang text ko nakita ko na siyang papasok sa loob ng school. Napangiti ako sa kanya.
"Good morning Allyson!" Ngiti ko sa kanya.
Inirapan niya ako at pagkatapos ilapagal ang gamit sa table at umupo siya. Nakasimangot siya at alam ko na ang dahilan ng kinagagalit niya.
"Nag-away naman ba kayo ng Mommy mo?"
"What's new? My mommy wants to be a lawyer of my ugly maids." Umirap pa siya.
"Masyado ka kasing mabait sa maids niyo kaya ganyan si Tita why dont you try to be a good boss, be good to them, kawawa na sa'yo ang mga maids niyo tinalo mo mga amo sa ibang bansa na minamaltrato ang mga katulong.
"Excuse me. We are not the same mga amo sa ibang bansa ang papanget at matataba, mababaho at higit sa lahat nanakit sila. Hindi ko naman sila sinasaktan."
"Ang sama mo girl."
"It's my opinion." Nagpapalit-palit pa ang pagtaas ng kilay niya.
"Hindi mo sila sinasaktan physical pero mentally sinasaktan mo sila. Remember words are shaper than sword."
"Whatever!" Sabay irap niya.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko talaga alam kung bakit kami naging friends ni Allyson, masyado siyang maldita at mataray. Ang hilig pa niyang awayin ang mga katulong niya palibahasa nag-iisang anak.
"Kyaaahhh!"
Napalingon kaming lahat mula sa labas ng school sabay kaming nagkatinginan ni Ally pagkatapos lumabas kaming dalawa upang abangan ang dahilan ng ingay na iyon.
Yung ngiti ko abot na sa buong kalawakan habang nag twinkle-twinkle ang mga mata kong pinagmamasdan ang dahilan kung bakit gusto kong palagi akong maganda.
"My one and only love, Patrick Corpuz." Mabilis kong sinilip ang mukha ko sa salamin habang nakikita ko silang papalapit.
"Pwede ba hindi kami makita mga panget kayo!" Sigaw ni Allyson.
Binigayan naman kami ng space ng mga estudyanye kahit na tutol sila. Kaya heto kaming dalawa ni Allyson kitang-kita ang pagdating ng limang casanova ng Saint Paul Internation casanova.
Si Luke Perez. Member ng Soccer Team, Chickboy, lahat daw ng babae type niya dinadala niya sa ikapitong langit, Half British at Half filipino.
Si Drek Andrew Lopez. Half Spanish at Half Filipino, pinaka-matakaw sa lahat, pero siya ang pwede mong kausapin, wala siyang hilig sa sport ang gusto niya kumanta, balita nga namin may banda siya.
Troy Luis Perkins. Half American at Half Filipino, Playboy, lahat ng babae gusto niyan, basketball ang hilig niya.
Si Frits Santiago. Half Korean at Half Filipino. Sila ang may ari ng Saint Paul international Academy, Ang pinaka-masungit sa lahat. Hindi siya ngumingiti kahit may cute siyang dalawang dimples. Ang crush na crush ng bestfriend kong si Allyson. Captain ng Basketball.
Si Patrick Corpuz. Half Korean, half Filipino siya ang pinakamabait sa lima, Member din siya ng soccer Team at siya ang love na love ko, siya ang pangarap kong maging boyfriend. OMG!
"Papalapit na sila girl!" Kilig na kilig akong bulong sa kanya.
"Wag kang obvious." Bulong niya rin.
Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Patrick at nang magtama ang mga mata namin ngumiti siya.
"Kyaahh! OMG!" Kilig kong sigaw. Hindi ko na kayang itago ang kilig dahil sa ginawa ni Patrick.
"Hi, Frits!"
Diretso-diretso silang naglakad napansin ko si Frits Santiago na seryoso ang mukha at hindi pinansin si Allyson.
"Kyaahh! Ang gwapo nila talaga!" Sabay pa ng ibang estudyante nang makalampas sa'min.
"Girl, gusto rin ako ni Patrick, mahal na niya ako!" Nagtitili kong sabi nang makabalik kami sa classrook namin.
"Gaga! Ambisyosa!" Sabay batok niya sa'kin.
"Aray! Ang bitter mo girl, hindi ka lang pinansin ng crush mo." Humahaba pa ang nguso kong sabi.
"Stop saying that words! Itago mo sa bato magiging boyfriend ko si Frits Santiago! Ako ang magiging girlfriend niya, masyado lang siyang pakipot siyempre maganda ako sobrang ganda."
"Wish ko lang."
Matalim ang tingin niya sa'kin. "Sasabunutan na kita Dianne."
Ngumisi ako. "Basta ako tinitigan ni Patrick at ngumingit pa sa'kin. Kyaahh!"
"Manahimik ka!" Sigaw ni Allyson.
Mas lalo ko pang ininis si Allyson, kahit naman sobrang asar na siya sa'kin hindi niya ako kayang saktan kaya hindi ako natatakot na inisin siya. Well, subukan niya akong awayin wala na siyang magiging kaibigan dito sa school kami lang namang dalawa ang close sa school.
Kung hindi pa dumating ang professor namin hindi pa ako titigil sa pang-aasar sa kanya. After ng lecture ng professor namin. Hinahanap namin ang groupo ng limang casanova ito kasing si Allyson nililigawan si Frits. Di ba ang cheap niya tapos basted naman siya palagi, mabuti pa si honey pie kong si Patrick hindi snob kaya mahal ko na siya.
"Ang tagal ng driver namin." Sinilip ko pa ang wrist watch ko habang nag-aantay sa labas ng school. Si Allyson kasi sinundo na ng driver nila kanina dahil may lakad sila ng pamilya niya.
Habang nag-aabang ako ng sundo ko may humintong puting kotse sa harapan ko tinted ang salamin ng kotse kaya hindi ko alam kung sino ang nasa loob ng kotse. Parang may nagtutulak sa'kin na abangan kung sino ang lalabas sa kotse sobra kasing pogi ng kotse niya so I thought pogi rin ang may-ari ng kotse. Slow motion na ibinababa ang bintana ng taong nasa loob ng kotse tapos napansin ako ang kamay niya at may kung anong hinagis.
"Ouch! s**t!" Sigaw ko.
Paglingon ko biglang umalis ang kotse.
"s**t! Ang sakit." Binato kasi ako ng tao sa loob ng kotse. Hinanap ko ang pinambato sa'kin. Napansin ko ang papel at nang damputin ko ang papel may maliit na chocolate iyon. Binuklat ko ang papel at halos magwala ako sa galit nang mabasa ko ang nakasulat.
Hello, Fiona.
Eat my chocolate Fiona.
"Damn! Sweet! Sweet letche! Sino ka mang hudas ka! Babalatan kita ng buhay, pagkatapos gigilingin ko ang laman loob mo at papakain ko sa isda! Damn! Damn!" Gigil na gigil kong sigaw.
"Mas masakit ang sinabi niya kaysa sa binato niya biruin mo tinawag akong fiona! Asawa iyon ni Shrek na kulay green ang kulay at sarat ng ilong f**k! kung sinoman siya magtago na siya sa pinanggalingan niya fuckshit!"
#Votes/comments.