Chapter 11
-Zen levy-
Nagngingitngit ako ngayon sa galit dahil sa hindi ko maintindihan na mas gugustuhin pa ng babaeng yun ang mamatay kaysa ang maikasal sa isang tulad ko.
Kasalukuyan akong nasa opisina at inaantay ko na lang si Jack para makaalis na papuntang Japan may magaganap akong transaction dun sa loob ng isang linggo.
Matapos kong makausap kanina ang si Annalou ay umalis na agad ako ng mansion dahil baka hindi pa ako makapagpigil at magawan ko naman ito ng isang bagay na alam kong pagsisihan ko rin naman sa huli. Pero aaminin kong naaadik ako sa amoy nitong sobrang kong namimiss mula ng matigman ko ang tabi nito sobrang tamis.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng paraan kung paano ko ito mapapaamo ng nakita kong umilaw ang phone hudyat na may nagtext sa akin. Nagulat pa ako ng makita kong si Nana Mila ang nagtext, pero ang mas ginagulat ko ay kung kanino galing ang mensahe.
“Akoi to si Annalou, magpapakasal ako sayo pero sa isang kondisyon. Pag-usapan natin pag-uwi mo.” Basa ko sa isip napakuyom pa ang aking kamao dahil sa pagtext nitong makikitang hindi ito marunong matakot sa akin.
Ilang sandali pa ay dumating na si Jack, at saka na kami umalis. Habang nasa beyahe ay nagtext ako dito at tinatanong ko kung anong kondisyon ang gusto nito. Pero ang sabi ni Nana Mila ay sa pagbalik ko na lang daw kami ulit mag-uusap. Napabuntong hininga naman ako at iniisip kung ano ang hihilingin nito sa akin para lang pakasalan ako nito.
Ilang oras pa ang lumipas ay nasa Japan na kami at papasok ako ngayon sa hideout ng makita ko dito si Kalvin ang anak ni Uncle Khen.
“Koko de nani o shite iru no? Ken ojisan wa anata ga kyō koko ni iru koto o shitte imasu ka? (Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Uncle Khen na andito ka ngayon?)” Tanong ko dito at nahiga ako sa isang mahabang sofa at ipinikit ko ang aking mata dahil na rin sa pagod ako na meron ako ngayon, idag-dag pa ang babaeng yon na nagpapagulo lalo ng isip ko.
Japanese ang gamit naming salita, dahil kung nasaan kaming lugar iyon ang lenguaheng ginagamit namin. Isa yan sa batas ng aming pamilya, kaya naman marami kaming alam na wika na iba’t-ibang bansa.
Isa pa ay hindi kami maaaring pumunta sa ibang bansa kung hindi naming kabisado ang galawan ng mga tao naroroon. Bata pa lang kami ay sinasanay na kami para pagdating ng araw ay kaya naming mamuno sa lugar na pipiliin naming hawakan.
“Kyō anata ga kuru to shitte ita toki, watashi wa tōrisugimasendeshita. Sorekara, papa to watashi wa ashita mada Taiwan de sanpo suru yoteinanode, -go de ie ni kaerimasu. (Wala naman napadaan lang ako ng malaman kong parating ka ngayon. Saka uuwi na rin ako mamaya dahil may lakad pa kami ni Daddy bukas sa Taiwan.)” Sagot naman nito sa akin at saka uminom ng alak na nasa center table.
Ako naman ay ganon parin ang ayos. Hinayaan ko na lang muna ito dahil alam ko namang wala rin ako magagawa kung gusto nito tumambay sa hideout ko.
“Kendaru ga ima Zen ni haitte iru ka dō ka wakaranai to iu no wa hontōdesuka? (Totoo bang wala kang alam kung nasa si Kendal ngayon Zen?)” Tanong nito na ikinadilat ng aking mata, pero mabuti na lang at hindi nito nakita dahil na takip sa mga mata ko ang kanang braso ko.
“Nanimonai (Wala)” Simpleng sagot ko dito. At saka ako muling pumikit.
“Wakarimashita, anata ga hontōni nani mo shiranai koto wa wakatte imasu, nazenara watashi ga shitte iru koto ga areba, anata wa watashitachi ni hanasanai wake ni wa ikanaikaradesu yo ne? (Naiintindihan ko, alam ko naman na wala ka talagang alam dahil kung meron, alam kong hindi mo matitiis na hindi iyon sabihin sa amin diba?)” Sagot na nito sa akin at saka ito nagpaalam na aalis na dahil sa may flight pa ito. Tumango na lang ako na hindi binabago ang puwesto ko at naroroon pa rin ang braso sa aking mata.
Naramdaman ko ang paglabas nito at ang pagsara ulit ng pinto. Napabuntong hininga pa ako dahil sa pagsisinungaling ko dito. Alam kong magagalit ito kapag nalaman nito ang totoo, pero alam ko ring maiintindihan ako nito kapag nalaman nito ang dahilan ko kung bakit hindi ko pwdeng sabihin sa kanya kung asan ang kapatid nitong babaeng si Kendal.
Nang sumapit ang gabi ay nagtungo na muna kami nila Jack sa isang bar dito sa Japan para uminom at magpalipas ng pagod. Nakaupo na akong sa isang coach ng lumapit ang waitress na babae at inabot ang menu, hindi ko ito pinansin at si Jack ang umorder para sa amin. Wala akong panahon sa mga ganitong babae kahit na gaano pa ito kaganda sa paningin ko.
Habang umiinom ko ay biglang nag ring ang phone ko at nakita kong si Nana Mila ang tumatawag kaya mabilis ko itong sinagot.
“Yes, Nana Mila what is that?” Tanong ko dito pero napahinto ako sa sunod nitong sinabi sa akin. Napatayo pa ako at napasuntok sa mesa nasa harapan ko.
“Lord, Dō shita no? (Anong problema sayo?” Kuno’t noong tanong sa akin ni Jack. Makikita kasi sa akin ang matinding pag-aalala.
“Koko o dete, naosu hitsuyō ga aru mono wa subete naoshite kudasai. Watashi wa Firipin ni modoranakereba narimasen. Sokode naosanakereba naranai jūyōna koto ga arimasu. Mondai ga areba denwa shite kudasai. (Maiwan ka dito at ayusin mo ang lahat ng dapat ayusin, kaylangan kong bumalik ng pilipinas at may importante akong aayusin dun. Tawagan mo ako kung magkakaroon ng problema ha.)” Sagot ko dito at nagmamadali akong nagpahatid sa airport para makauwi na, kaylangan kong puntahan si Annalou ngayon.
Tama ito ang dahilan kung bakit ako agad-agad na babalik ng bansa. Dahil sa sinugod ito sa hospital dahil sa nakita na lang ito sa loob ng banyo na walang malay at namumutla pa ito, hindi ko alam pero habang binabangkit ni Nana Mila ang mga iyon at parang bumibigat ang aking pakiramdam. Gusto kong lumipad na lang para makita ko ang kalagayan nito ngayon.