Chapter 17
-Annalou-
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Zen kasama ang mga tauhan nitong sina Jack at Zach. Nag-aalala na rin ako kung ano ang na ang nangyayari kay Nanay Melanie ngayon, wala pa rin kasi akong naririnig na balita tungkol dito.
Hanggang isang araw ay may dumating na dalawang lalaking kamukhang-kamukha ni Zen at isang magandang babaeng mukha barbie doll dahil sa liit ng mukha nito. Nakasuot naman ako ng pangkatulong kaya kahit paano ay maiisip nilang isa lang akong katulong dito sa loob ng mansion.
“Hi good morning, po Ma’am/Sir” Magalang kong bati sa mga ito.
“Hello good morning, are you new here?” Tanong ng babaeng maganda.
“Yes, po M’aam. Ako nga po pala si Annalou” Kinakabahan ko pang pagpapakilala dito. Napatingin naman ako sa dalawang lalaki at ganon lang din ang gulat sa mga mukha nito. Na hindi ko na lang pinansin dahil sa biglang pagsulpot ni Nana Mila sa aking harapan.
“Nana Mila” Masayang bati ng mga ito sa matanda.
“Young master at young lady ano po ang ginagawa ninyo dito? Alam ba ng kuya ninyo na parating akyo ngayon?” Tanong nito sa mga bisita at niyaya silang maupo sa living area.
“Zen didn't know that we were coming today, we just accompanied Zhane because he said he wanted to talk to my twin.’ Narining kong sagot ng isang lalaking Zac ang pangalan at napagalaman kong kakambal pala ito ni Zen. Napatingin naman si Nana Mila sa babaeng na ngangalang Zhane.
“Ano ba ang gusto mong itanong sa Kuya mo young lady.? Tanong ni Nana Mila dito.
“Mommy, because it turns out that the girl she wants to introduce to Kuya Zen is missing. I just came here to ask Kuya for help.
“Momnny wants to ask Kuya Zen for help, because the girl she wants to introduce here is missing.” Mabilis namang sagot ni Zhane sa Ginang.
“Pasensiya na kayo young master at young lady, hindi pa rin kasi umuuwi si Lord dito. Pero hayaan ninyo sasabihin ko agad sa kanya oras na makarating na siya dito young lady.” Mahinahong sagot dito ng Ginang.
“I told you that we should just go to the police, maybe they can help us better. Then a mafia that is useless to the real needy.” Inis namang sambit Zev isa rin sa kakambal nito.
Ngayon ko lang din nalamang may kakambal pala si Zen. Malaki ang pagkakahawig nito sa dalawang lalaki pero kung pagmamasdan ay masasabi kong maganda ang labi ni Zen dahil sa pagiging heart shape nito. Ang dalawa naman ay bilugan at parehong may kulay ang buhok. Kay Zen kasi ay black na black natural lang din ang kulay nitong hindi gaanong maputi.
Humahanga talaga ako sa mga magkakapatid na ito grabe sobrang ang gaganda ng mga ito at ang kikisig pa. Sabagay maging si Zen ay maganda ang pangangatawan kaya tiyak na hindi magpapatalo ang mga kapatid nito. Nakikinig lang ako sa mga ito ng mapansin ko ang pagtingin sa akin ng isang kakambal nitong si Zev, para akong kinikilatis nito mula ulo hanggang paa. Kaya napayuko na lang ako ay umalis sa lugar na malapit lang sa sala kung saan ang mga ito ay nag-uusap.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Nana Mila at nahawakan pa ang dib-dib at napainom din ito ng tubig dahil sa labis na kabang makikita sa aura sa mukha nito.
“Ayos lang po ba kayo Nana Mila” Pag-aalala kong tanong dito.
“Oo, ipapahinga ko lang ito at baka tumataas lang ang dugo ko dahil sa init ng panahon.” Sagot nito at saka naglakad papunta sa kuwarto nito. Nagtataka naman ako dahil paanong magiging mainit eh buong mansion ang naka aircon kaya paanong nararamdaman nito ang init sa labas. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang mukha naman umalis na ang mga bisita nito kaya nagpasya na lang akong pumunta ulit sa garden para naman makapag-isip ko ng tama.
Labis na rin kasi ang pag-aalala ko sa kung ano na ang nagyayari kila Zen at mga tauhan nito. Sana ay mailigtas ng mga ito ang Nanay Melanie ko. Naaalala ko pa ang masasayang araw na magkasama kami nito, sa bawat araw na ito lang ang kasama ko ay naging masaya at maayos naman kami. Wala kaming problema dahil sa nagagawan naming agad ng paraan ano man ang dumarating sa aming mga problema.
Pupunasan ko na sana ang aking luha ng maramdaman kong may tao sa likuran ko at nang laki ang aking mga mata ng makita kung sino ito. Nakasandal ito sa isang puno habang ang tingin nito at darecho sa puwesto ko. Binalot naman ako ng kaba dahil sa pagtitig nito na alam kong merong ibig sabihin, naguguluhan man ay hindi ko na lang ito papansinin. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapit nito sa kinauupuan ko.
“Do you know who I am among the three of us? If you are right, I will give you a gift, but if you are wrong, you must answer all my questions. Is it clear?” Sagot itong ikinakaba ko, hindi ko pa naman tanda kung sino talaga itong kaharap ko. Kuno’t noo ko ito tinignan at ngumisi lang ito sa akin ng nakakaloko.
“Pasensya ka na hindi ko talaga kilala ang mga pagkakaiba ninyo ng mga kakambal mo? Saka isa pa kanina lang naman kita nakita eh. Magtanong ka na lang dahil siguradong mali naman ako, akya tiyak na panalo ka young master.” Nakayuko kong sagot dito kahit na kinakabahan ako ay nilakasan ko ang loob ko.
“Ok, go ahead and answer what I'm going to ask you.” Paniniguradong sagot nito sa akin, kaya naman tinanguan ko na lang ito.
“You are not a helper here at the mansion, am I right?” Tanong nito habang nilalaro ang isang singsing sa daliri nito.
“Siguro po noo oo, hindi ako katulong. Pero ngayon po ay iyon na ang trabaho ko wala naman po sigurong masama kung magiging isang katulong ako ngayon dito sa mansion ninyo.” Matigas kong sagot dito.
“Looks like I was taught by someone you thought would help you. But anyway, I will accept what you want to answer me.” Madiin namang sagot nito.
“Sabihin na lang ninyo kung ano po ang kaylangan ninyo young master at maaga pa po akong magpapahinga, maaga rin po kasi ang gising ko bukas.” Sagot ko dito at saka aalis na ako ng pigilan ako nito sa braso.
“Just make sure you don't become an enemy of my family, because you will be against me myself. I know you and I know where you come from. From now on I will watch over you, and if I prove that you are hiding something, I will take your life myself.” Bulong nito sa akin at saka ko pabalyang binitiwan.