SPECIAL PLACE

1064 Words
Chapter 16 -Annalou- Kasalukuyan akong naglilinis sa kusina ng makatanggap ako ng isang message mula sa unknown number, hindi ko sana ito titignan pero isang litrato ang ipinadala sa akin nito at kinanginig ng aking buong pagkatao. Nabitawan ko pa ang hawak kong cellphone ng makita ko si Nanay Melanie na nakatali sa isang upuan at mukhang walang malay. “Iha, anong nangyari sayo.” Nag-aalalang tanong sa akin ni Nana Mila. “Nana Mila, ang Nanay Melanie ko po kinuha ng hayop na Felix na yon.” Umiiyak kong sambit dito. Hinihimas naman nito ang likod para pakalmahin sa kung ano ang aking nararamdaman ngayong takot. “Mabuti pa ay sabihin mo kay Lord yan, at sa tingin ko ay maililigtas nila ang Nanay Melanie mo. Huwag kang mag-alala iha alam kong magagawa nilang mailigtas siya.” Pangungumbinsi pa nito sa akin. “Sa tingin po ninyo ay matutulungan niya ako Nana Mila, may sugat pa po siya ngayon at mukhang pahina ano po ang magagawa niya Nana Mila.” Alinlangan kong sagot dito. “Magtiwala ka lang na magagawa niya iha, kilala ko ang pinangmulan nito kaya natitiyak kong madali lang para sa kanila ang tulungan ka sa kanyang problema mo.” Determinadong sagot nito sa akin. Tinawag nito si Jack at pinasamahan ako sa library para kausapin si Zen. Ngunit nagulat pa ako ng makitang hindi lang pala ito nag-iisa dahil may kasama itong apat na hindi ko rin naman mga kilala. Pero lakas loob pa rin akong humingi ng tulong sa mga ito at sinabi ang magiging kapalit ng pagtulong nila sa akin. Kaya kong ibigay ang buhay ko kung ang magiging kapalit ay ang kaligtasan at buhay ni Nanay Melanie ko ang mag-iisang pamilyang nakilala ko. Pero laking gulat ko ng sinabi ng isang Ginang sa akin na hindi kayang saktan ni Felix ang babaeng matagal na nitong minamahal. Naguguluhan man ay hiyaan ko na lang muna ang lahat, hanggang sa may binulong ito sa akin na lalo ng pagulo sa sestema ko. Makikita sa Ginang ang katandaan pero makikita din dito ang pagiging alisto at galaw nitong parang hindi matanda. Napatingin naman ko kay Zen at makikita ang pag-aalinlangan at kabang dito ngayon. Napanatag naman ako ng sabihin sa akin ng isang Ginoo na sila na ang bahala sa lahat at magiging maayos si Nanay Melanie. Nagulat din akong sabihin nitong Yaya ko si Nanay Melanie, maraming naging katanungan ang aking isipan kung ano nga bang kalseng pamilya mero si Zen. Pero maging si Zen ay hindi ako masagot kaya naisip kong mag-isa kong alamlin ang katotoohanan sa kung anong buhay at pagkatao ang mga ito. Nasa garden ako ngayon at nakatanaw sa kalangitan, may mga bituin din na makinang at ang sarap lang pagmasdan ng mga ito dahil sa magaganda ang bawat kislap ng mga ito. Hanggang isang tao ang naramdaman kong papalapit sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko ang pag-aalinlangan nitong paglapit kaya naman ngumiti ako dito para ipahatid na ok lang kung gusto niyang lumapit sa akin. “Hi!” Bati nito sa akin. “Hello! Kamusta na ang sugat mo?” Tanong ko dito dahil sa benta nito kaliwang balikat. “Ah, ito ok na rin naman, salamat pala sa paggamot mo sa akin. Pasensiya na rin at nagpunta ako dito hindi ko alam na may tao dito kaya pasensiya ka na.” Sambit nito sa nahihiyang boses. “Naku wala yon, kanina ko lang nakita ang lugar na ito kaya naisipan kong maupo dahi mukhang tahimik at pwdeng makapag-isip ng mga bagay-bagay.” Sagot ko dito. Nakita ko naman itong naupo sa isang patuhan na malapit sa isang bukal na may mga isang maliliit, may kinuha itong maliit na box na parang lalagyan ng mga pagkain. Hanggang sa nalaman kong pagkain pala iyon ng mga isang parang na sa isang aquarium. “Ikaw ba ang may alaga ng mga iyan?” Tanong ko dito dahil sa nakikita kong palapit sa kanya ng mga isda habang binibigyan nito ng mga pagkain. “Oo, isang taon ko na rin silang inaalagaan mula ng makita ang lugar na ito. Nung unang dating ko dito sa mansion ito agad ang unag lugar na nagustuhan ko. Nagpaalam pa ako kay Nana Mila na kung pwdeng ayusin ko ito at gawin garden, mahilig kasi ako sa mga bulaklak at sa mga hayop kaya naisipan kong alagaan na lang ang lugar na ito. Dito rin ako nagpupunta dahil tulad nga ng sabi mo may katahimikan dito.” Mahabang paliwanag nito sa akin habang patuloy lang sa pagpapakain sa mga isda. Nakakatuwang isipin na may ganitong klaseng lalaki, ang mapagmahal sa kalikasan at maging sa mga hayop na naririto sa mundo. Ang suwerte ng babaeng mamahalin nito dahil nakikita ko dito ang pagpapahalaga sa kapwa nito. “Pwde ko bang malaman kung bakit ka andito? at kung bakit kayo may mga sugat ng gabing yon? Kung ayos lang na malaman ko sana.” Tanong ko dito Binatang hindi ko parin alam ang pangalan hanggang ngayon. Umiwas naman ito ng tingin sa akin at halata din dito na meron itong tinatago. “Ah, yun ba wala lang yon nagkaroon lang ng aksidente alam mo naman kapag mga mayayaman an tao marami ang nagtataka sa buhay nila, kaya ayon isa lang sa kalaban sa negosyo ni Lord ang may gawa non, pero ang alam ko ay ayos na yon dahil naayos na rin ng kanilang pamilya ang mga iyon.” Kinakabahang sagot nito sa akin. “Ano bang klaseng pamilya meron ang Lord?” Darechong tanong ko dito, na mas lalong kinalaki ng mga mata nito, naglilikot na rin ang mga mat anito at mukhang naghahanap ng maisasagot sa akin. Halatang halata talaga na may tinatago ito sa akin, kaya naman mas lalong gusto kong malaman ang totoo tungkol sa tunay nilang pagkatao. “Ah- - -eh—alam ko ay nasa business lang sila, yun.” Napabuga pa ito ng hangin sa naging sagot nito sa akin. “Ah, sige enjoy ka lang muna dito may nakalimutan pa akong gawin kaya mauna na muna ako sayo.” Nagmamadali nitong paalam sa akin, napapailing na alng ulit akong napatingin sa kalangitan. Alam kong may alam ang lahat ng taong nasa paligid ko at gusto kong alamin ang totoo. Pero alam ko rin na sila lang din ang taong makakatulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD