YOU WILL BE MY NURSE

1180 Words
Chapter 3 -Zen Levy- Dalawang araw ng nasa hospital si Mommy, at ayaw pa rin nitong makita isa man sa amin na mga anak niya. Nagalit talaga ito ng husto sa amin, wala naman kami magawa dahil kahit na anong mangyari siya parin ang aming ina. Nasa condo pa rin ako at wala rin ako sa mood na lumabas muna, ang mga tao ko muna ang pinababantayan ko sa babaeng anak ni Felix Vizer. Ang buong akala ni Felix ay tuluyan na n’ya akong natalo nguni’t nagkakamali siya dahil isang pasabog ang ibibigay ko sa kanya oras mahawakan ko ang anak nito. Umiinom ako ng alak habang nakatayo sa may bintana at nakatanaw sa malawak na lugar. Hanggang sa mag ring ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. “Di cosa hai bisogno, James? (Anong kaylangan mo James?” Tanong ko sa tauhan kong nasa Italy at nag-aasikaso sa ibang transaction na meron ako. “Lord, la transazione è andata bene con il signor. Chin e gli altri due Chinses, quindi ti sto solo informando che il deposito sul tuo conto è ok. (Lord, maayos po ang naging trasaction kay Mr. Chin at sa dalawa pang Chinses kaya ipapaalam ko lang po sana ok na rin po ang deposit sa account ninyo.)” Sagot nito sa akin. Tumango na lang ako kahit na hindi nito nakikita, inubos ko muna ang laman ng alak sa baso bago ko pinatay ang tawag. At bumalik na ako sa kuwarto ko para magbihis, dahil sa pupuntahan ko si Mommy ngayon kahit ayaw pa niya akong makita. Alam ko naman na hindi nito matitiis ang anak niya kaya naman gagawin ko pa rin ang nais ko na makita s”ya. Ilang sandali pa ay nasa loob na ako ng hospital at naglalakad ng parang hari, wala rin ako pakialam sa mga tanong nakatingin sakin. Nang may makabangga akong isang nurse, babagsak na ito sa sahig kong hindi ko nahawakan sa bewang at ang kamay naman nito ay pumulupot sa batok. Napatingin ako sa mata nitong asul at makikita dito ang pagiging ibang lahi dahil sa kutis nitong makinis at sadyang maganda ang katawan. Piling ko ay huminto ang mundo ko dahil sa pagtatakpong yon. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko na kahit kaylan ay hindi ko pa nararamdaman sa kahit na sinong babaeng nakasalamuha o nakatabi sa kama. Hindi rin naman ako pumapatol sa mga babaeng walang kuwenta, model at artista ang nakakrelasyon ko. Pero never pa ako nakaramdam sa kanila ng tulad ng nararamdaman ko ngayon sa babaeng nasa bisig ko, kaya bago pa lumalim ang aking iniisip ay tinayo ko na ito at nang masigurado kong ayos na ito ay basta ko na lang ito iniwan ng walang salitang binibigay dito. Darecho akong pumasok sa room ni Mommy at nagulat pa itong makita akong biglang pumasok na parang may pinagtataguan. Napahawak na lang ako sa aking batok para doon ituon ang inis na nararamdaman ko. “Sinong may sabing gusto kita makita Zen Levy?” Inis na sambit ng aking ina habang kumain ng tanghalian. “I'm sorry for what I did and said to you, Mommy.” Mahinahong pagkakasabi ko dito, pero nasa malayo lang ang tingin nito ay mukha talagang wala itong balak na kausapin ako. Naupo ako sa tabi nito pero lumalikod lang ito sa akin. Pero Mommy ko at hindi ko pwedeng sukuan at hinayaan ko na lang muna ito. Hanggang sa bumukas ang pinto at isang nurse ang pumasok para ayusin ang suero na nakakabit dito. Ako naman ay tumayo at nagpunta sa may bintana para tumanaw sa paligid, hanggang sa marinig ko ang malambing na tinig. “Good morning, madam, kamusta po ang tulog ninyo ang sabi po ni doctor ay pwde na daw po kayong lumabas mamaya.” Sambit ng nurse, lumingon ako para tignan pero natulos lang ako at hindi kinatatayo at hindi maigalaw ang aking katawan ng makita ko ang nurse na nag-bibigay sa akin ng hindi normal na pag-t***k ng aking puso. “Mabuti na ako iha, maraming salamat sa pag-aalaga mo sakin. Nga pala pwde ko bang malaman kung may nobyo kana iha?” Nakangiting tanong ni Mommy dito. Hindi ko alam pero parang nasabik akong malaman kung may boyfriend na ito. “It’s me” Sagot ng isang doctor na kakapasok lang. Napatingin ako dito at nakita ko sa mata ng nurse ang pagtataka. Lumapit ito kay Mommy at kinamusta rin ang kalagayan nito. “Dr. Anderson, good morning po.” Nakayukong sambit ng nurse. “Ikaw ang boyfriend ng magandang binibini na ito doctor?” Tanong ni Mommy sa dalawa. Nakita kong umiling lang ang babaeng nurse kaya kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko. Pero masama ang tingin ko sa doctor na ito. “Actually, I've been courted with her for a long time, but until now he still doesn't want to answer me, ma'am.?” Sagot ng doctor at pinalungkot pa ang boses nito. Nakatingin naman si Mommy sa dalawa. Habang ang nurse ay pinatitigil ang doctor dahil sa nakaakbay na ito sa kanya. Sumidhi naman ang galit ko ng makitang dumikit ang katawang doctor sa katawan ng nurse, ewan ko pero parang gusto kong patayin ngayon ang lalaking doctor. “Ahmm, sorry po Madam palabiro lang po talaga si Dr. Anderson, babalik na lang po ako mamaya para tangalin ang suero ninyo po.” Sagot ng nurse kay Mommy. Tumango na lang si Mommy dito. Pero sa nakikita ko kay Mommy ay ayaw nito sa doctor para sa dalaga. Umalis na ang dalawa at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. “Anong pang tinatayo-tayo mo yan umalis ka na rin.” Mataray na tanong ni Mommy sa akin at saka nahiga at ipinikit ang kanyang mata, na animoy matutulog na. Napakamot pa ako ng ulo dahil sa ang hirap talaga paamuin ni Mommy ngayon. “I'm not leaving, I'll watch over you, then the doctor said you can go home later, so I'll take you to the mansion.” Sagot ko dito at humiga sa coach para din makapagpahinga piling ko ay tumakbo ako ng sobrang tulin at walang finish line. “Huwag mo na akong bantayan kaya akong ihatid ng Daddy mo. Saka isa diba busy kang tao kaya makakaalis kana.” Galit parin nitong turan sa akin. Hindi na rin ako sumagot pa at nagpanggap na tulog. “Ang titigas ng mga ulo ninyo, manang-mana kayo sa ama n’yo. Kung sana ay buhay pa si Jeremie siguradong may kakampi pa ako ngayon.” Mahina nitong sambit na umabot sa tenga ko. Si Kuya Jeremie siya ang ampon ni Mommy noon, naaalala ko pa na sobra nitong mag-alalaga sa amin siguro kung nabubuhay pa ito ngayon ay mas masaya nga si Mommy. Hindi naman kami nakakaramdam ng selos para dito dahil alam naman namin mahal din kami Mommy at mahalaga kami dito dahil kami ang tunay na anak. Pero nasasaktan lang ako dahil hanggang ngayon si Kuya parin ang palagi nitong naiisiip sa tuwing galit s’ya o may mabigat na dinadala .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD