Chapter 12
-Zen levy-
Dalawang araw na ang lumipas at hindi pa rin nagkakamalay si Annalou, ang sabi ng doctor ay maayos na ang kalagayan nito. Dala raw na labis na gutom at panghihina ng katawan kung kaya ito nawalan ng malay. Makikita naman talaga ng malaking pinayat ng babae, lubog ang pisngi nito at malalalim ang mga mata.
Nakatayo ako ngayon sa may tapat ng higaan nito ng maramdaman kong gumalaw ang kamay nitong may nakalagay na suero. Napaayos naman ako ng tayo ng makita kong dumilat ang mga mata nitong na mukhang nasisilaw sa Liwanag, tahimik lang akong nakamasid at ipinagmamasdan ko itong dahan-dahang bumabangon.
Lalapitan ko na sana ito ng mabilis ang pagpasok ni Nana Mila at naalalayan nito ang babae sa maaring pagtumba nito dahil na rin sa manina pa ang katawan nito. Ikaw ba naman ang hindi kumain ng halos dalawang linggo tignan ko lang kung hindi ka manghina.
“Kamusta na ang pakiramdam mo iha?” Tanong niya sa babae. Matanda na si Nana Mila pero kahit na ganon ay makikita dito ang pagiging alisto pa rin.
“M-aa-yos na po ak-o” Utal at mahina nitong sambit. Napatingin naman sa akin si Nana Mila at maging ang dalaga pero baliwala lang akong tinignan nito at hindi mo talaga makikita dito ang kahit na konting takot sa akin.
Mabuti na lang at nakasuot pa rin ako ng mask at nadadala ko ito sa tuwing makikita ako ng dalaga. Alam na rin naman ni Nana Mila ang lahat kaya maging ang ilang plano ko sa babae, kaya kahit papaano ay maayos parin akong nakakakilos sa mga nais kong gawin at sabihin sa dalaga.
“Ah, sige iaayos ko na ang pagkain para ng sag anon ay bumalik ang lakas mo iha.” Sagot ni Nana Mila at saka nagtungo sa isang mesang naroroon para ayusin ang dala nitong mga pagkain na ito mismo ang nagluto.
“Iwan na lang po ninyo yan at mamaya na po ako kakain mas gusto ko pa pong matulog na lang po sana. Maaari na po ninyo akong iwan, huwag po kayong mag-alala wala pa akong lakas para tumakas sa inyo.” Sagot nito at saka muling humiga at ipinikit ang mata. Nagkatinginan naman kami ni Nana Mila at saka tumango na lang ako dito, para hayaan na lang muna ang dalaga dahil kaylangan din naman nito ang mahabang pahinga.
“Sige kumain ka na lang kapag nagutom ka na, tandan mo na sabi ng doctor kaylangan mo ring kumain ng mga masustansiyang pagkain.” Nalulungkot na sagot ni Nana Mila dito. Tumango lang ang babae habang nakapikit ang mga mata.
“Paki patay po ang ilaw sa paglabas ninyo ayoko pong matulog ng maliwanag ang paligid, salamat po.” Pahabol pa ng babae ng maramdaman nitong palabas na si Nana Mila. Nang makalabas na ang matanda ay nas pasya akong maupo sa isang coach na naroroon, maliwanag naman ang buwan kaya naman kahit papaano ay may liwanag sa buong silid.
Hindi rin naman nito iisiping may kasama siya dahil kaya kong magtago sa dilim at hindi nito mararamdaman. Ilang sandali pa ang lumipas at nakarinig na lang ako ng paghikbi nito hudyat na umiiyak na naman ito. Naaawa man akong makitang nahihirapan ito, ay ito lang din ang tanging paraan para maprotektahan ko ang dalaga laban sa Ama nitong walang kuwenta.
Halos dalawang oras din itong umiiyak at ng wala na akong marinig at nilapitan ko ito binuksan ko ag lampshade na malapit lang dito at nakita kong mahimbing na itong natutulog. Hindi ko mapigilan na haplusin ang mukha nito, pinunasan ko rin ang mga natuyong luha nito sa pisngi at maging sa mat anito.
Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa ko ang mga yon, ngayon lang talaga ko nagkaganito sa isang babae. Hindi ko pa man din ito na aangkin ng buo ay iba na ang hatid nito sa p*********i ko.
“Can't you really accept someone like me?” Sambit ko sa aking isip habang tulog ang babaeng nasa harapan ko at payapa na ngayon ang pagkakatulog.
“I hope the day comes when you can accept a demon like me. I can also love, but I'm afraid to show it to you because I might just hurt you if you end up in the world, I live in.” Dag-dag ko pa dito.
Pinagmasdan ko na lang ito at ng aalis na ako ay nahawakan nito ang aking kamay kaya muli akong napatingin dito at nakita ko itong nakatingin din sa akin. Sa lalim pala ng mga iniisip ko hindi ko namalayan na nagising na pala ito at mabagal ang pagkilos nito na muling naupo at muling nakipagtitigan sa akin.
“Alam kong hindi ka kasamang lumabas ni Nana Mila kanina, hindi na lang din kita pinansin dahil sa masakit at masama pa rin ang pakiramdam ko. Anong kaylangan mo sa akin, bakit mo ako kinidnap? Kung sasabihin mong ang ama ko naman ang dahilan, ay mas tatanggapin ko na lang na mamatay ako sa kamay mo ngayon. Dahil ang malamang may ama pa ako ay malaking insulto sa pagkatao ko Mr.” Sambit nito sag alit at madiin na boses.
Wala agad akong naging sagot dito, nakatingin lang ako at makikita sa mata ang labis na kalungkutan. At hindi ko malaman kung bakit parang umurong ang dila ko, gusto ko sabihin dito ang totoo pero parang hidni ko kayang makita itong nahihirapan kapag nalaman nito ang katotohanan.
“Huwag mo ng itago sa akin ang katotohanan, alam ko naman na damay na ako sa kung anong ginawa ng ama ko sayo dahil anak niya ako hindi ba? Alam mo bang bata pa lang ako ay hindi ko na nakita ang mga magulang ko dahil sa maaga silang nawala sa buhay ko. Lumaki akong walang magulang, walang kapatid na pwedeng makalaro, nagkaroon nga ako ng mga kaibigan pero isa-isa rin sila nawala sa buhay ko. Pero kahit ganon ay kinaya kong mabuhay na marangal at may paniniwalang magiging maayos din ang buhay ko at makakatagpo ako ng isang lalaking tatanggap sa isang tulad ko. Pangarap ko na magkaroon ng buo at maayos na pamilya ang makitang masaya kami na nagsasama ng magiging asawa ko, at ang mga magiging anak naming. Pero unti-unting naglalaho ng lahat ng yon sa isip ko, dahil alam kong kahit kaylan ay hindi ko na mararanasan ang maging masaya kasama ang taong pipiliin kong na panghabang buhay. Pumapayag na akong maikasal sayo pero makikiusap lang sana ako na sana ay hayaan mo akong mabuhay na naaayon sa gusto ko. Kahit iyon na lang ang ibigya mo sa akin, bago man lang ako mamatay sa piling mo.” Mahabang pahayag nito na kinatulos ko sa aking kinatatayuan.
Hindi ko akalain na ganito palang klase babae ito. Lumapit ako dito at dahan-dahan kong hinaplos ang payat nitong pisngi pero mababakas pa rin ang ganda nito.
“I won't promise anymore but I will try to give you the life you dream of” Nasambit ko na lang dito, halos manghina na kasi ang tuhod ko dahil sa bigat na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga salitang narinig ko dito. Hindi ko talaga maisip na ganito kasama ang tingin sa akin ng babae. Isang demonyo at walang puso ang nakikita nito sa akin.