Chapter 13
-Annalou-
Pagkaraan ng halos dalawang linggo ay bumalik na ulit ako ng mansion pero ngayon ay hindi na ako nakakulong sa kuwarto at nakakalibot na ako sa buong mansion maging sa napakagandang hardin nito. Nagka-usap na rin kami ni Nana Mila at maayos na rin ang pakikitungo ng mga ito sa akin, ang malaking pagbabagong nararanasan ko ay utos daw ni Zen levy ang boss at lord nilang lahhat.
Pero sa halos na ilang linggo rin ay hindi ko na muling nasilayan si Zen dito sa loob ng mansion. Ang sabi lang ni Nana Mila ay sadyang ganito lang daw talaga ang binata, madalas daw kasing wala ito sa bansa dahil marami pa itong Negosyo maging sa iba’t-ibang bansa.
Malaki at mayayaman daw ang angkan nito at sadyang marami ding negosyo ang pamilya nito kaya madalas ay wala ito sa bansa. Napanatag naman ako dahil kahit papaano ay makakagalaw ako na naaayon sa gusto ko.
Hanggang sa isang gabi ay nakita kong umuwi ito na maraming sugat at pasa sa mukha, para itong galing sa isang labanan na hindi ko maintindihan, ang alam ko ay business man ito at hindi isang sundalo o pulis. Kaya paanong nangyari na umuwi ito na puro sugat at nanghihina dahil sa tama nito sa balikat.
Pababa ako ng hagdan ng makita ko itong pinapasok ng dalawang lalaking tauhan, inihiga ito sa mahabang sofa kaya naman dali-dali akong lumapit para matignan ko ang mga sugat nito at baka kaylanganin na dalhin sa hospital.
“Good evening, Madam” Bati at sabay na yumuko sa akin ang dalawang lalaki na puno din ng dugo ang suot na damit, dumudugo rin nga mga braso ng mga ito. Mabalis naman ang pagkilos ko at nagpakuha ako ng maligamgam na tubig at kung meron silang first aid kit ay ibigay sa sakin.
“Yes, Madam kukunin ko na po.” Sagot ng isa na hanggang ngayon ay dumudugo ang ulo. Mabilis itong umalis sa harapan ko at pagbalik nito ay kasama na si Nana Mila na ngangatog na makitang walang malay si Zen levy.
“Anong nangyari sa inyo at ang daming sugat ni Lord?” Alam na ba ito ng kanyang mga magulang.? Naiiyak na tanong ni Nana Mila sa dalawang lalaki.
Habang ako naman ay ginagamot ang mga sugat ng binata at inaalis ko ang bala sa balikat nito. Mabuti na lang at hindi malalim ang tama nito at kaya kong tanggalin, nagawa ko na rin kasing magtanggal ng bala noon sa traning ko sa pagiging nurse kaya alam ko ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.
“Hindi pa po Nana Mila, ayaw ni Lord na ipaalam sa kanila kaya po inuwi naming siya dito kahit na alam po naming delikado ang magiging kondisyon niya.” Sagot ng isa na ang alam kong pangalan ay Jack, madalas kong makitang kasama ito ng binata kaya naman naririnig ko na rin ang pangalan nito.
“Kung ay tawagin ninyo si Dr. Salaraz at ng magamot na si Lord ngayon, at…..” Hindi natuloy ni Nana Mila ang sasabihin ng ngumuso sa lugar ko ang dalawang lalaki at nakita nilang natapos ko ng gamutin ang binata. Nagulat pa si Nana Mila na lumapit sa akin na may pagtataka.
“May alam ka sa panggagamot at sa pagtanggal ng bata iha?” Takang tanong nito sa akin.
“Opo, isa po akong nurse Nana Mila.”Magalang kong sagot dito.
“Mabuti naman iha, at hindi na ako mangangamba sa tuwing uuwi ang isang yan na may sugat at tama ng bala. Salamat sa iyo iha.” Nakangiti itong sambit at hinawakan pa ang aking mga kamay.
“Wala po iyon Nana Mila, tungkulin ko pong magligtas ng mga nangangailangan kaya huwag po huwag na rin po kayong mag-alala ay maayos na po ang lagay niya.” Nakangiti ko rin sagot dito.
Pagkatapos kong kausapin si Nana Mila at tumingin pa ako sa dalawang tauhan na nakatayo pa rin sa likod nito, niyaya ko silangblumapit sa akin para magamot ko rin ang mga sugat nila at alam kong nahihirapan na rin ang mga ito.
“Madam, kami na lang po ang bahalang gumamot ng mga sugat naming, tiyak na magagalit po si Lord kapag nalamang ginamot ninyo kami.” Kinakabahang sagot ng isang lalaking hindi ko pa kilala.
“Ang sabi ko lumapit kayo at gagamutin ko ang mga sugat ninyo.” Mautoridad kong sagot sa mga ito, nagkatinginan pa ang dalawa at saka tumingin kay Nana Mila. Nakita kong tumango si Nana Mila kaya dahan-dahang naupo sa kabilang coach ang dalawa at saka ko pinagpatuloy ang panggagamot sa mga ito.
Nang matapos kong gamutin ang dalawa ay umalis na rin ang mga ito para makapagpahinga, si Zen naman ay dinala sa kanyang kuwarto at doon ko na lang ito binantayan dahil sa nilalagnat ito dahil sa tinamong mga pasa at sa sugat nito na nagmula sa tama ng bala.
Habang pinupunasan ko ito ay napapatingin ako sa katawan nitong may walong pandesal, bihira lang ako makakita ng ganitong kagandang katawan kaya naman napapatulala talaga. Maganda ang hubog ng mukha nitong pangahan, matangos din ang ilong at ang labi nitong mas mapula pa sa labi ko.
Alam kong nakita ko na ang binata, pero sadyang hindi ko matandaan kaya naman napapailing na lang ako, inisip ko na baka nakita ko lang ito sa isang magazine at sa tv dahil tiyak na kilala ito sa mundo ng business world.
Ang gwapo talaga nitong lalaki, kaya nagtataka akong wala itong girlfriend kahit na isa. Eh ang alam ko sa mga ganitong mayayaman ay babaero lalo na sa itsura nitong mukhang kahit hindi sabihin ay tiyak na pipilahan ng mga kababaihan.
Saktong naiayos ko na ang binata ng pumasok si Nana Mila na may dalang pitsel ng tubig, inalalayan ko pa ito dahil baka mabasag pa ang dala nito.
Nitong mga nakakaraang araw ay wala na akong ibang nakikitang katulong dito kung di si Nana Mila at ang mga kalalakihang nagbabantay sa buong mansion.
“Nana Mila, maaari ko po bang malaman kung bakit wala na akong nakikitang mga katulong dito. Kasi po mula ng makalabas ako ng kuwarto ay hindi ko na po nakita ang ibang katulong na kasama ninyo na nagsisilbi sa akin noon.” Tanong ko dito habang nakita kong nilagyan nito ng basing bimpo ang no oni Zen levy.
“Pinaalis kasi silang lahat ng Lord, bago ka pa man mahospital panay kasi ang pagpapansin ng mga iyon sa alaga ko kaya ayun pinalayas na lang sila. Alam mo kasi iha maniwala ka man o hindi, ay hindi mahilig ang alaga ko sa babae. Katulad yan ng kanyang ama at maging ang kanyang angkang pinagmulan. Sa kanila kasi kapag nakita at nakilala na nila ang kanilang mapapangasawa ay nawawala ang hilig sa mga babae at nagpopokus sa mga babaeng gusto nila.” Paliwang ni Nana Mila na may kasamang pagtawa.
Napatingin naman ako sa nakahigang si Zen levy at mahimbing ang pagkakatulog. Nagpaalam na si Nana Mila na magpapahinga dahil sinabi kong ako na lang muna ang magbabantay sa binata para din manonitor ko ang pagtaas ng lagnat nito. Binigyan na lang ako ng nito ng kumot at unan para makapagpahinga pa rin ako kahit na paano.
Lumapit ako sa binata at hinaplos ko ang noo nito para malaman ko kung bumababa na ba ang lagnat nito. Laking pasasalamat ko at nawala na rin ang lagnat nito at makikita dito na maayos na ang kanyang paghinga, kaya naman nagpasya na lang akong humiga sa isang mahabang coach sa loob ng kuwarto nito dahil sa inaanok na rin ako.
Pero napangiti pa ko habang nakatanaw sa binatang payapang natutulog. Hindi ko alam pero masaya akong malamang maayos na ang kalagayan nito.