TENSION AND FEAR

1203 Words
Chapter 1 -Analou- “Oh, anak nariyan kana pala. Kamusta ang araw mo sa bago mong school may mga kakilala na ba don?” tanong sa akin ni Nanay Melanie, ang kinagisnan kong ina at magulang. Maaga akong naulila sa tunay kong ina dahil ng pinanganak ako nito at iyon din ang kanyang kamatay. Ang aking ama naman ay hindi ko alam kung nasaan, ang sabi kasi ni Nanay Melanie iniwan lang ako sa pangangalaga sa kanya ng namatay ang aking ina at mula noon ay hindi na niya nakita ang aking ama. Alam ko naman ang pangalan nito pero ayaw ko na rin hanapin pa dahil baka hindi naman ako mahalaga dito. Dahil kung meron ito pagmamahal sa akin ay hindi ako nito basta iiwan. “Wala pa po nay, kasi wala rin gaanong pumasok sa school alam na man ninyo ang mayayaman palaging late na kung magsipasok.” Sagot ko dito at nag-ayos na ng mga plato dahil kakain na kami ng hapunan. Maaga kasi kami pinauwi dahil first day of class naman daw. “Ah ganon ba, sige at kumain kana at may pasok ka pala anak.” Sagot nito at inabot sa akin ang ulan at kanin. Ganito na ang routine ko araw-araw after school, sa hapon ay darecho na ako sa pinapasukan kong isang fast food na malapit lang din sa school kaya kahit paano ay madali na rin para sa akin ang makapasok agad. Lumipas pa ang dalawang linggo sa school at nakilala ko sila Sofia, Cindy at Kendal na anak na mayayamang tao at kilala sa lipunan. Pero ganon pa man ay hindi nila ako minaliit kahit kaylan, may pagkakataon na kapag nagigipit ako sa tuition ay si Kendal ang madalas ng babayad kaya ganon na lang ako nahihiya sa kanila. Hanggang sa sumapit ang last year namin at kasabay din noon ang pagkawala ni Kendal, sumabog ang sinasakyan nitong eroplano galing sa Italy. Buong school ang naglukha sa pagkawala nito at maging kami na kaibigan nito ay hindi makapaniwalang wala na ito ngayon. Nakapagtapos ako bilang nurse at ganon din ang dalawa kong kaibigan na si Sofia at Cindy pero malungkot kaming umakyat ng stage dahil wala si Kendal gusto pa naman nitong makita kaming magkakasamang kukuha ng diploma at matupad ang mga pangarap kaso wala na ito. Samantalang nagpunta ng ibang bansa sina Sofia at Cindy dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito. Kaya naiwan na naman akong mag-isa at patuloy na nangangarap na muli ko silang makikita at makakasama. Makalipas pa ang ilang buwan ay ganap na akong nurse at nagtatrabaho sa isang hospital, medjo malayo ang trabaho ko kaya naman naghanap ako ng apartment na pwde kong tuluyan. “Anak, sigurado ka bang ayos ka lang dito.?” Pagtatanong ni Nanay sa akin. Ngayon kasi ang lipat ko sa bagong apartment na nakita ko malapit lang din sa hospital na pagtatrabahuhan ko. “Opo inay, ayos lang po ako dito. Tuwing day off na lang po ako makakauwi sa atin nay, at sana po ay lagi kayong mag-iingat dahil malayo po ako sa inyo. Alagaan ninyo po ang sarili ninyo, ung mga vitamins ninyo wag po ninyong kakalimutang inumim. Pagkasahod ko po ay bibilhan ko kayo ng bagong sapin sa higaan para naman po maging komportable kayo sa pagpapahinga.” Sagot ko naman dito. “Ano ka bang bata, abay malakas pa ako sa kalabaw kaya ko pang magbanat ng buto. Ginagawa mo akong mahina ha.?” Mataray naman nitong turan at pinalo pa ako ng walis tampo sa puwet. Natawa na lang ako dahil totoo naman ang sabi nitong malakas pa ito, pero alam kong meron na rin itong dinadaing kaya naman pinagsasabihan ko ito kung minsan. “Nay, alam kong malakas pa po kayo. Pero tandan ninyo may edad na rin kayo kaya pinag-iingat ko lang po kayo.” Maglalambing ko dito at niyakap ko pa ito mula sa likuran. Natawa naman ito at hinimas ang aking ulo. “Opo sige na anak mag-iingat ako, para naman abutan ko pa ang apo ko sayo.” Natatawa pa nitong turan sa akin kaya naman napasimangot pa ako. “Saka na ako mag-asawa kapag pinanganak na po ang kakambal ni Tom Cruize.” Masayang pagkakasabi ko dito at inayos ang kurtinang bigay ni Kendal sa akin nung birthday ko. “Ewan ko sayo bata, eh mukha namang walang magiging kakambal ang idol mong yon.” Sagot nito sa akin at inayos pa ang maliit kong kusina. Napapangiti naman akong isipin na meron ngang kamukha si Tom Cruize, matagal ko na rin itong idol mula ng mapanood ko ito sa isang pelikula na “A few good men” ay nagustuhan ko na talaga ito. Nang sumapit ang lunes ay maaga akong pumasok sa hospital dahil sa maaga pa ang duty ko dito. Maayos naman ang first day ko dito, marami rin akong bagong mga kakilala at nagiging kaibigan. Hanggang sa nakilala ko si Michael isang doctor at galing din sa mayamang pamilya. Naging malapit kami dahil sa magkalapit din pala ang apartment naming dalawa. Palagi din akong sinasabayan nito sa pag-pasok at pag-uwi sa bahay. Kung minsan ay nagtataka na rin ako dito pero hindi naman ito nagtatapat kung meron itong nararamdaman sa akin o sadyang ganito lang ito sa mga bagong katulad ko. “Hi Analou” Masayang bati sa akin ni Cecille na kasamahan ko. “Hi Cecille” Ganting bati ko dito. “Huy! Girl kamusta na ba kayo ni Doctor pogi.?” Tanong nito sa habang nagsusulat ng record. “Sinong doc?” Patay malisyang tanong ko dito. Habang inaayos ang mga gamot na dadalhin ko. “Sus, ito naman. Sino pa ba eh di si Dr. Michael Anderson.? Kamusta na ba ang pangliligaw sayo?” Kinikilig nitong tanong sa akin. “Hindi naman yon nangliligaw saka ayoko dun mukhang babaero.” Prangkang sagot ko dito. Nakita ko na kasi itong may kahalikang ibang babae nurse dito sa loob ng hospital. Nung una ay masasabi kong humahanga ako dito pero ng makita ko itong maraming hinahalikan na babae nawala ang pagkagusto ko dito. Mabuti na lang talaga ay hindi ako nagpadala sa mga salita nitong matamis, kung hindi ay nakuha na nito ang first kiss ko. “Oh, wait talaga bang hindi ka niya nililigawan eh ang buong alam dito ikaw na ang girlfriend ni Doc.”Takang tanong nito sa akin. “Hindi noh, saka wala akong balak magkaroong ng boyfriend na playboy.” Sagot ko dito na walang panghihinayang at umalis na rin ako para pumunta sa mga pasyente ko. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang duty ko kaya naisipan ko ng umuwi. Pero habang naglalakad ako ay may naramdaman akong sumusunod sakin kaya naman binilisan ko ang paglalakad ang kaso ay isang itim na band ang huminto sa tapat ko at sapilitan akong pinasok sa loob. Walang gaanong tao dahil gabi na rin kaya walang tumulong sa akin. Binalot ako ng matinding kaba para sa sarili ko, lalo na ako naiyak ng maisip kong nag-aalala sa akin si Nanay Melanie. Ilang lalaki ang naglagay ng panyo sa ilong ko, kaya naman nakaramdam ako ng pag-antok at unti-unti akong balutin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD