Chapter 2
-Zen Levy-
Nasa private plane ako ngayon at pauwi ng pilipinas para bisitahin na rin ang aking ina, matagal na nitong gusto akong makita at makasama. Naging busy lang ako kaya naman hindi ko ito napagbibigyan.
Ang huling uwi ko dito ay ung libing ni Kendal ang pinsan kong inakala ng lahat na namatay dahil sa isang pagsabog. Pero ang totoo ay nasa pangangalaga ni Patterson. Gago din ang isang yon wala na yatang balak ibalik sa magulang nito si Kendal. Pero ganon pa man ay hindi na ako nakialam, alam ko rin naman darating ang araw na mananagot ito kay Kendal kilala ko rin ang isang iyon wala yun pinapalagpas, lalo na kapag bumalik na ang ala-ala nito.
Pero bukod sa aking ina ay meron akong gustong makuha. At sisiguraduhin kong mapapasa akin ang taong yon. Pasado alas siyeta ng dumating ako sa mansion, ganito pa rin ang ayos nito alaga pa rin kasi ito ng aking ina. Lalo na ang garden nitong punong-puno ng mga roses na paborito nito.
Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga kakambal kong nanonood ng tv nagulat pa ang mga ito ng makita ko, wala din kasing nakakalam na pag-uwi ko kaya talagang wala silang naging reaksyon sakin.
“È come vedere un fantasma, sono il tuo unico gemello. (Para kayong nakakita ng multo, ako lang to ang kakambal ninyo.)” Inis kong sambit sa mga ito sa salitang italyano.
Actually, hindi na ako sanay magsalita ng tagalog dahil sa Italy na talaga ako nakatira pero hindi ko kaylan man kinalimutan ang bansa kung saan ako sinilang.
“Dici sul serio, Zen? (Grabe ikaw na ba yan Zen?)” Birong tanong naman sa akin Zac ang maloko kong kapatid.
“What happened, why did you go home? Are you going to kill someone again?” Inis na turan sa akin ni Zev at muling nagpokus sa panonood.
“I went home to see Mommy, then if you don't want to see me close your eyes.” Galit kong sagot dito at tinalikuran ko na ang mga ito.
Papasok na sana ako sa kusina ng marinig ko ang boses ni Zhane ang kapatid kong babae na nagtatakbo papalapit kay Mommy. Hindi pa ako nito nakita kaya naman hindi ko na lang din ito pinansin pa.
“Ano ka ba naman Zhane hanggang ngayon nakakagulat ka.” Saway dito ni Mommy habang nag-aayos ng hapunan.
“Mommy, have you seen Kuya Zen, is he here yet? I heard from Daddy's staff that now he used to come from Italy.?” Nagmamadali nitong tanong kay Mommy at hinihingal pa ito.
“Eh, ano naman kung ngayon ang dating ng kuya mo? Maganda ngayon at kahit papaano ay magkakasama tayo sa pagkain.” Sagot naman ni Mommy dito.
“Eh, Mommy, he can't come here, he will definitely be angry when he sees that one of his guns in the collection room is broken.” Kinakabahan nitong sabi, kaya walang akong nagawa ng magsalita na ako dito.
“What did you say Zhane? And what did you do to break my gun? don't you know that I worked hard to get all that?” Galit kong salita habang lumalapit ako dito, at sumisiksik naman ito sa likod ni Mommy.
“I’m sorry brother, the gun is not that badly damaged. I was just really happy because it makes such a good sound when you shoot it, I'm sorry I promise I'll find that kind of gun. Then Daddy said that he will be the one to explain to you.” Nakayuko nitong paliwanag sa akin.
“I'm the one who paid for Zhane's damage, don't get angry with that. There is no life, so don't be angry that you thought you were killed by the staff. Oh, I forgot that you don't really get hurt when you lose a staff member.” Singit naman ni Zev, at masamang tumingin sa akin.
Napayukom ang kamao ko dahil sa pinipigilan kong galit, alam ko kasi na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito sa akin dahil sa pagkamatay ng best friend nitong si Akiko sa isang labanan.
“You don't care about the conversation so don't interrupt." Sagot ko at nakipagtitigan pa dito.
Hanggang sa makarinig kami ng isang nabasag na plano. Sabay pa kaming napatingin kay Mommy na ngayon ay umiiyak.
“Umalis na kayo kung sa harap ko pa kayo mag-aaway, ang buong akala ko tama ang pagpapalaki ko sa inyo pero ngayon ko napagtanto na nagkamali pala ako sa pagiging ina sa inyo.” Umiiyak na sambit sa aming magkakapatid.
Tumalikod ito at iniwan kaming apat sa kusina. Walang gustong magsalita sa amin kahit na isa, hanggang sa lumapit sa akin si Zhane at lumuhod.
“Sorry kuya.” Umiiyak nitong sambit sa akin at saka humawak sa kamay ko at umalis na rin. Nakaramdam ako ng matinding galit sa sarili ko dahil sa inis na hindi mapigilan. Alam kong mali pero kasi mahalaga rin naman para sa aking ang collection ko ng mga baril. Ilang sandali pa ay isang katulong ang humahangos at sinabing hinimalay daw si Mommy.
Mabilis naming itong nadala sa hospital natakot ako dahil alam kong masama ang loob nito kaya ito inatake at kamuntikan ng mastroke, mabuti at naagapana agad ito ng mga doctor at naging ok na rin ito.
Pero ayaw nitong makita kaming magkakapatid, kaya nasa labas lang kaming apat at tahimik na nagpapakiramdaman. Lumabas si Daddy sa kuwarto ni Mommy kaya napalapit ako dito.
“How is mommy? What did the doctor say?” Tanong ko dito, pero sinamaan lang ako ng tingin nito na alam ko na agad ang ibig sabihin.
Napayuko ako dahil kilala ko si Daddy pagdating kay Mommy, kahit anak pa ako nito siguradong hindi niya palalagpasin.
“Do not show your Mommy while she is recovering. You all have a condo there, so go ahead. It's better for me not to see you all, than to see my wife blaming herself for being her mother.” May diin na sambit ni Daddy sa amin.
“Daddy sorry po.” Umiiyak na sambit ni Zhane. Pero tumalikod na ito at pumasok na muli sa kuwarto ni Mommy.
“What now, because of the two of your fighting, Mommy got sick, and now she doesn't want to see us anymore. You should also know that I didn't just become your twin. You two are scary.” Galit na turan ni Zac sa amin ni Zev.
Napatingin naman ako dito pero pagkatapos nitong magsalita ay umalis na rin ito kasama si Zhane. Nagkatinginan naman kami ni Zev pero masama lang ako nito tinignan ata saka umalis na rin.
Napahilamos naman ako sa aking mukha at napapaisip na sana ay hindi na lang ako umuwi. Baka sakaling ayos pa si Mommy ngayon.
Nakatingin pa rin ako sa saradong pinto ng kuwarto ni Mommy ng may makita ako isang babae na kakaiba ang aura para sa akin. Pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Mommy nasundan ko pa ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang pintuan.
Hindi ko alam pero napapagaan nito ang aking pakiramdam.