Chapter 4
-Analou-
Ramdam ko ang sakit ng aking likod at kamay dahil sa pagkakatali nito, hindi ko alam kung na saan ako dahil nakapiring parin ang aking mga mata. Nagtataka pa ako dahil sa anong dahilan at sino sila para kidnapin ako, mahirap lang kami at hindi mayaman wala akong mabibigay sa kanila kung sakaling humingi sila ng pera sa akin o sa Nanay Melanie ko. Napapaluha na lang ako dahil sa nawawalan ako ng pag-asang makakaalis dito.
“Gising kana pala, kumain ka muna at parating na ngayon si boss para kunin ka.” Sambit ng isang lalaking mataba at mabaho ang hininga.
Tinanggal nito ang piring ko at binababa sa harapan ko ang isang platong may nakabalot na kanin at ulam. Nakatingala ako dito, at masamang tingin ang ipinukol ko dito.
“Sino ba kayo at bakit ninyo ako kinidnap? Wala kayong makukuha sa akin dahil mahirap lang kami. Saka isa pa baka nagkamali kayo ng kinidnap, kaya please Mamong parang awa muna pakawalan na po ninyo ako dito.” Pakiusap ko dito.
“Manahimik ka kung ayaw mong mapadali ang buhay mo. Huwag ka ring mag-alala pagkatapos sayo ni boss siguradong sa amin din ang bagsak mo. Maganda ka pa naman at makinis, tiyak na mag-eenjoy na naman kami sa katawan mo.” Ngising demonyo nitong sagot sa akin.
Labis naman ang takot na naramdaman ko dahil sa mga naririnig ko dito. Natakot ako para sa sarili ko at para kay Nanany Melanie, siguradong malulungkot iyon kapag nalaman nito kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Lumabas ang lalaki at pinilit kong kumain kahit na ayaw ko. Pero naisip kong kaylangan ko ng lakas para sa gagawin kong pagtakas kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakaton.
Hanggang sa matapos ako sa pagkain ay bumukas ulit ang pinto at sapilitan akong kinuha ng dalawang lalaki mukhang mga bouncer dahil sa laki ng katawan ng mga ito. Sa isang kuwarto ako nila dinala at inihagis sa isang puting kama. Sobra ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil sa hindi ko kayang isipin kung ano ang mangyayari sa akin ngayon.
Nagsisigaw ako at nagmamakaawa dahil baka maawa pa ang mga ito sa akin at hayaan na lang akong makatakas, pero nagtawanan lang ang mga ito at saka lumabas ng kuwartong yon.
Pinagmasdan ko ang buong kuwarto at masasabi kong maganda ito at hindi tulad ng pinagdalhan sa akin kanina ng mga hayop na yon. Naglibot pa ako sa buong paligid para makahanap ng paglalabasan pero bigo akong makakita dahil sarado at may mga bakal maging ang mga bintana. Bagsak ang balikat na bumalik na lang ako sa kama para mahiga at ipahinga ang aking sarili.
Haggang sa hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapaluha at maawa sa aking sarili, pilit kong inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko si Nanay Melanie at kung paano kami kasimpleng namumuhay sa isang probinsya. Naisip kong sana ay hindi na lang kami ng punta ng Maynila para sa pag-aaral naibenta pa nito ang kanilang lupain para lang maipagpatuloy ko ang pagiging scholar dito sa Maynila.
Pero kung alam ko na lang na sa ganito lang pala hahantong ang lahat ay mas gugustuhin ko pang mamuhay nalang sa dati naming buhay ung tahimik at masaya lang.
Hanggang sa pag-iisip at pag-iiyak ay naramdaman ko pagod at tuluyang nakatulog. Hindi ko rin maintindihan pero parang meron matang nakatingin sa kuwartong ito. Hinayaan ko na lang at talagang gusto ko na lang munang matulog kahit piling ko rin ay ubos na ang lakas na meron ako ngayon.
Hanggang sa nagising ako na nasa ibang kuwarto na rin ako, mabilis akong napabangon dahil sa hindi ko maipaliwanag kung paano ako napunta sa ganitong kagandang kuwarto. At napansin ko rin na bago na ang aking suot at malinis na kulay rosas na dress ang suot ko ngayon, kung titignan ay mukha pa akong prinsesa dahil sa sadyang mamahalin ang mga nasa paligid ko ngayon.
Kinurot ko ang aking sarili para sa gumising pero nasaktan lang ako at napag-isip-isip na totoo ang mga nakikita at nahahawakan ko. Ilang sandali pa ay tatlong katulong ang pumasok ang isa ay may pagkain dala at ang isa naman ay mga damit na sa tingin ko ay pamalit. At isang matandang may tungkod na nag-uutos ng mga gagawin ng dalawang katulong.
“Good morning, Madam, narito na po ang breakfast n’yo. Maaaki na rin po kayong magpalit at inaayos na rin po ang paliguan ninyo.” Magalang nitong sambit sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa nabibigla pa ako sa mga nangyayari ngayon. Hanggang sa mapagtanto ko na kinidnap nga pala ako.
“Sorry po Manang pero maaari po ba ninyo akong tulungang makatakas dito, please po maawa po kayo siguradong hinahanap na rin po ako ngayon ni Nanay Melanie ko. Please po Manang tulungan po ninyo ako at ipinapangako kong hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Please po Manang, please po.” Nagmamadali at umiiyak kong sambit dito. Naisip kong baka pwde naman nitong palayain na lang ako.
“Pasensiya na po Madam, hindi maaari ang nais mo dahil ang utos lang ni Lord Zen lang ang nasusunod sa bahay na ito. Huwag kang mag-alala nakikita ko namang magiging maayos ka sa piling niya at kung nanaisin mo parin tumakas ay huwag mo ng gawin dahil hindi mo gugustuhin ang mangyayari sayo.” Pahayag nito sakin at umalis na.
Narinig ko pa ang paglock ng pinto kaya naman nagkakatok ako dun para pagbuksan ako at paalisin. Pero napagod lang ako at narinig ko na lang ang mga yapak ng mga ito na papaalis.
Napadausos nalang ako sa likod ng pintuan at umiiyak at muling niyakap ang aking sarili wala na talagang pag-asang makaalis pa ako dito. Hindi ako kumain at hinayaan ko lang ang pagkain sa ibabaw ng table kung san ito iniwan kanina. Hindi ko ugali ang magsayang ng pagkain pero nawawalan na rin kasi akong mabuhay sa nagiging sitwasyon ko ngayon.
Muli akong nahiga sa kama at ipikit ang aking mga mata, lumandas naman mula dito ang mga luhang ayaw pang tumigil. Muli akong nakaramdam ng takot, at iniisip kung sinong Lord ang sinasabi ng mga ito.
Wala akong maisip na ganong pangalan kung hindi Papa GOD lang, siya lang ang kilala kong Lord sa buhay ko kaya naman hihintayin ko na lang ang paghaharap naming dalawa kung sino man itong lalaking to.