Chapter 18
-Zen levy-
“Jack, make sure that animal is dead before you leave it.” Sambit ko sa mouthpiece na nasa aking tenga.
“Yes lord, it will be followed.” Sagot naman nito at saka ko tinanggal ang nasa tenga ko at itinapon sa labas ng kotse na pinamaneho ko.
Naiwan ko sila Jack sa isang hide out na binigay ni Queene Marie na andon ang Nanay Melanie ni Annalou, pero isang patibong lang pala ang andodoon mabuti at naka handa ang mga tauhan kaya natalo nila ang mga tauhan ni Felix na ama ng dalaga.
Hindi rin naming nakita ang Nanay Melanie nito kaya naman mas lumakas ang hinala naming maging ito ay kasabwat ng kanyang ama. Mukhang tama si Queene Marie sa sinabi nitong hindi kayang saktan ng hayop na si Felix ang naging Yaya ni Annalou dahil sa may relasyon ang dalawa.
Pero sa ngayon ay hindi alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Annalou na hindi ito masasaktan sa kinilalang pamilya nito ng mahabang panahon. Nasa daan pa rin ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Grandpa Jax ang tumatawag sa akin.
“Yes, Grandpa Jax ok, I'm on my way.” Sagot ko dito at binilisan pa ang pagmamaneho. Tumawag ito at pinapapunta ako nito sa dating mansion ng mga De Lana, na ngayon ay nagiging isan ring hide out ng pamilya sa tuwing merong gustong pag-usapan o sa pagbubuo ng isang plano. Papasok na ako ng makita ko si Daddy at mga Grandpa’s na andito lahat at mukhang ako na lang din ang hinihintay.
Nagpamo muna ako sa lahat at saka ako lumapit kay Daddy para yakapin ito. Papaupo na ako ng makita ko sila Uncle’s Mahde, Maxwell, at Mannix mga anak ni Queene Marie at Grandpa Jax. Nagsitango sa akin ang mga ito at saka bumalik sa kanya kanyang mga ginagawa. Wala akong masabi sa galing mga ito sa computer o sa kahit na anong gadgets.
Kung minsan ay napapaisip ako kung bakit ako pa ang naging mafia lord ng aming pamilya samantalang mas magagaling pa sa akin ang pamilya nila Grandpa Jax. Pero ang sabi ni Daddy ay may mga kanya-kanyang tungkulin ang bawat pamilya sa aming angkan, kaya naman ang pagiging mafia lord sa aming pamilya dapat magmumula dahil iyon ang batas ng aming pamilya. Kaya kung magkakaroon ako ng anak ay iyong ang susunod na mafia lord, na niyuyukuan ng lahat kahit maging kapamilya pa ito.
“What is the depth of your thought’s son? tell me and maybe i can help.?” Bulong ni Daddy sa akin.
“I don't think much about anything, Daddy, but until now, I still can't believe that I'm the chosen mafia lord of our family. While there are people who are better than me, especially in fighting.” Mahina kong sagot dito na sakto lang para marinig nito. Pero laking gulat ko ng sumagot si Uncle Mannix sa akin.
“We don't doubt that you are the one we chose because we all know that you can lead everyone, even us.” Seryoosong sagot nito habang ang tingin ay nasa computer parin, dahil mero itong nilolocate na isang isla na maaring pagdalhan dito kay Nanay Melanie ng dalaga.
Tumagal pa ng halos dalawang araw pa bago namin malaman ang lamang lugar kung saan maaaring lumipat ng lugar sila Felix kasama ang si Nanay Melanie. Nag-aalala na rin ako sa dalaga dahil sa tingin ko ay hindi nito paniniwalaan na matagal na rin s’yang niloloto ng Ginang.
Natatakot akong makitang masaktan ito o magdusa, kaya hangga’t maaari ay iniiwasan kong malaman muna nito ang totoo sa kung ano pa ang matutuklasan ko sa darating na araw.
Sakay kami ng isang bangkang de motor ng tahakin naming ang isang Islang mukhang walang tao, o sabihin na nating walang nakatira. Tahimik kaming nagmasid sa paligid, hanggang sa mapunta kami sa parang isang baryo at nagtataka pa ang mga tao dito dahil sa biglaang pagdating namin. Kasama ko pa rin ang mga tauhan ko na nangpumasok kami sa isang parang barangay hall ng lugar.
“Magandang araw sa inyo mga ginoo mukhang naligaw kayo dito sa aming lugar?” Tanong ng isang lalaking medyo matanda na at makikita dito ang pagtataka sa amin. Si Jack ang lumapit dito ay nakipag-usap.
“Sir, itatanong lang sana naming kung meron kayong nakitang mga bagong salta dito, yung pong sa tingin din ninyo ay hindi taga rito.? Magalanng na sagot nito sa Ginoo.
“Kaya ba ninyo ang tinutukoy mo?” Tanong naman ng isang Ginang na sa tingin ko ay ito ang Kapitan ng lugar.
“Opo” Mahinang sagot naman ni Jack dito.
“Ang totoo ay ayaw sana namin ng gulo, pero dahil pamamayanan ko na ang apektado ay dapat na sigurong umaksyon ako.” Sagot nito sa amin, at saka sa akin tumingin na at makikita sa mga mat anito ang paghingi ng tulong.
“Tell us the truth, and we will help this place.” Sagot ko dito at pinatitigan din ito.
“Ok.” Sagot nito at saka bumuntong hininga at naupo sa isang upuan na malapit lang din sa akin.
“Hindi ko alam kung anong kaylangan nila sa lugar naming at andirito sila at nanggugulo pa kung minsan. Nakikita ninyong maliit lang ang aming lugar at wala gaanong mga pulis ang nagpupunta dito kaya naman nahihirapan kaming humingi ng mga tulong.” Panimula ng Ginang sa amin.
“Nasa Purok singko ang hinahanap ninyo, kilala ko ang pinuno nilang si Felix Vizer na isang drug lord at alam ko ring wanted siya sa batas. Madali ninyo lang makita ang bahay nila dahil nag-iisa lang yun dito na maganda at malaki. Sana lang ay mapaalis ninyo sila dito at ng bumalik ang ganda ng aming lugar.” Dag-dag pa nito sa kanyang pagkukuwento. Nagkatinginan naman kami ni Jack at nabasa na agad nito ang nasa aking isip.
Mabilis ang naging pagkilos namin papunta sa lugar na sinabi nito, pero bago kami umalis ay binilian ko itong manatili sa kanilang mga tahanan at kahit na makarinig ng kahit na anong tulukan ay walang lalabas dahil sa magiging mapanganib ang mangyayari ngayong gabi sa kanilang nayon.
Ilang sandali pa ay natatanaw na naming ngayon ang malaking bahay na sinabi ng Ginang. Nakatago kami sa mga kagubatan at nakikiramdam sa kunga nong pwede naming gawin at kung paano naming matatapos ang buhay ni Felix Vizer. Hanggang sa madako ang paningin ko sa isang biganda ng bahay, lumabas mula doon ang Nanay Mealnie ni Annalou at may hawak pa itong wine.
Makikita sa ayos nitong hindi naman ito napahirapan o kahit na nasaktan, tulad sa picture na pinadala sa dalaga nap uno ito ng sugat at pasa sa mukha. Napakuyom ang aking kamao ng makita kong hinalikan ito ni Felix sa labi at tumagal pa iyon ng ilang minuto.
Ngayon alam ko na ang lahat at natitiyak kong hindi na naming kaylangan iligtas pa ang Nanay Melanie nito dahil sa mukhang masaya naman itong kasama ang kanyang ama.