Abby's POV:
Nakarating na kami sa mansion, binuhat naman ng driver ni Luke ang maleta ko at iniaktat sa taas.
Nasa labas pa kami ni Luke ng mansion.
"Bakit nandiyan kapa? Let's go." Sabi nito.
"Kinakabahan kasi ako."
"Bakit ka kinakabahan?"
"E sa mama mo kasi."
"Wala namang dapat ikabahala. Ang mama ko na mismong nagsabing sunduin ka."
"Huh? Talaga? Bakit naman daw?"
"Ang dami mo pang tanong. Malamang fiance kita."
Naiinis na ko sa Luke na to dahil kanina pa ako sinusungitan.
"Ang sungit mo naman."
Hindi na ako pinakinggan nito dahil nagtuloy tuloy to sa loob habang ako ay nagmamadaling habulin siya dahil napakalaki ng mga hakbang niya kumpara sakin.
"Nandito na pala kayo." Tinig yon ng mama ni Luke. At may mga kasama ito.
Teka parang may mali.
"Mama, anong ibig sabihin nito?" Galit na galit na tanong ni Luke.
"Ah e mag usap muna tayo anak."
Sabi ng mama ni Luke.
"Sandali, hindi ko pwedeng iwan dito si Abby. Mahirap na baka pagtulungan pa nila." Sabi ni Luke.
"Sandali lang naman to anak, kailangan kitang makausap. Nagulat din ako ng magpunta sila dito." Bulong ng mama ni Luke. Pero narinig ko yon dahil katabi ko lang ito.
"Dito ka muna Abby. Kapag may nangyare sabihin mo agad sakin." Bakas ang pag aalala sa mga mata nito.
"Okay lang ako dito sige na kausapin mo na ang mama mo." Sabi ko.
Ilang sandali pang tumingin muna si Luke sakin at sa kinaroroonan ni Monica at ng mama nito kung saan nakaupo sa malaking sofa. Umalis nadin si Luke at ang mama niya.
****
"So sineryoso nga ni Luke. Nandito pala ang malanding babaeng to." Sabi ni Monica habang naglalakad na ito papalapit sakin.
"Monica, wag mo ng sayangin ang oras mo diyan. Kailangang mapasayo muli si Luke." Sabi ng mama nito.
"Madali lang naman yun mama tutal una namang naging sakin si Luke."
"Maupo kana dito Monica baka makita pa ni Luke na nakatayo ka at ano pang isipin non. Ang isipin mo ngayon paano mo makukuha muli si Esteban para sa kompanya natin."
Hindi ko alam kung tama ang dinig ko. Para sa kompanya? Ibig sabihin ba nito gagamitin nila si Luke para maisalba ang kompanya nila? Hindi maaari to kailangan kong gumawa ng paraan.
"Anong sabi niyo? Para sa kompanya niyo? Bakit anong pinaplano niyo?"
"Wala ka talagang utak na babae ka. Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin dahil nalulugi na ang kompanya namin at nakapagusap na ang mga magulang namin tungkol dun." Galit na sabi ni Monica.
"So anong ipinunta niyo dito?" tanong ko.
Tumawa ito.
"Malamang kailangan namin umutang ngayon sakanila. Alam mo babae ka kagagawan mo to e kung hindi ka malanding babae ka malamang ngayon kami padin ni Luke."
"Monica tama na yan. Wag mo sayangin ang oras mo diyan at maupo kana dito baka makita kapa ni Luke."
Hindi nakinig ito at nagpatuloy.
"Etong tatandaan mo babaeng haliparot o kung san ka man pinulot. Akin si Luke, akin siya at aagawin ko siya sayo!" Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Aray ko."
"Hindi lang yan ang aabutin mo sakin!"
"Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw ni Luke at galit na galit ito.
"Luke." Maamong sabi ni Monica.
Habang inalalayan ako ni Luke tumayo.
"Luke I can explain. Siya kasi ang nauna." Sabi ni Monica.
"Shut up! Nakita ko ang lahat Monica."
"Luke pagpasensiyahan mo na ang anak ko."
"Walang sino man sainyo ang pwedeng manakit sa babaeng pakakasalan ko. Kahit ikaw mama." Sabi ni Luke sa mama niya na gulat na gulat.
"At lalong lalo kana Monica. Subukan mo ulit gawin yan at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."
"Luke!" saway ng mama niya.
Namutla naman sa takot si Monica at ang mama nito.
"Wala akong pakialam sa iniisip niyo. Basta wag na wag niyo lang sasaktan ang pagmamay-ari ko." mariin na sabi nito at hinila na ako paakyat ng hagdan.
Naiwan silang nakatulala samin. Habang si Luke ay maingat akong inaalalalayan paakyat.